Usapang Abs

May isang libong beses ko na yatang narinig ito: “Hindi ka naman mataba, e. Malaki lang ang tiyan mo! Tanggalin mo lang yan, okay ka na.”

Para namang relo, bracelet, sapatos at medyas lang ang tiyan ko na madaling tanggalin. Kung ganun nga lang ba, e di matagal ko na sanang na-dispatsa ang mga umaaligid na taba sa aking tiyan. E hindi nga ganun. Gusto kong i-explain sa mga nag co-comment na dekada na ang binilang nitong aking struggle to get rid of my unwanted and stubborn belly fat. Narinig ko na yata lahat ng panlalait, panlilibak at pangungutya tungkol sa aking malaking tiyan. So much so that I have learned the art of joking about it in order to make it appear that my humor is of the self-deprecating kind.

Oo na, I look like an avocado. Pag naka side view, a small letter b. Pag naka-front and back view, a Penguin replica. Hindi yung hayop kundi yung kaaway ni Batman. Bago pa man na-depress si Sharon Cuneta at nag-apologize sa kanyang mga fans dahil sa kanyang depressing battle of the bulge, matagal ko na ring ikinalungkot ang aking mga frustrated attempts to flatten my belly. Paulit-ulit lang ang cycle. Papayat ako pero tataba ulit.

Siyempre, partly, I blame it on my genes. Nakadikit na yata yun sa aking DNA strands, kaya minsan, inaamin ko na gusto kong sakalin yung mga taong kahit kain na ng kain e hindi man lang mabawasan ang timbang kahit na one pound man lang.

Totoong pwede ko naman talagang hayaan na lang na may kalakihan ang aking tiyan. Pero bakit nag-a-attempt pa rin ako na i-flatten ito? Hindi naman ito for vanity reasons. Hindi ko rin kailangang maging payat sa aking propesyon. Gusto ko lang maging healthy, dahil sabi nga ni David Zinczenko, ang author ng “The Abs Diet Book,” ang belly fat daw, na tinatawag ding visceral fat ang pinaka mapanganib na taba sa ating katawan. “…it is located behind your abdominal wall and surrounds your internal organs. It carries an express lane pass to your heart and other important organs. It is the fat that can kill you.”

Sa tindi ng aking mga intense exercises linggo-linggo, masasabi kong dapat sana ay pumayat na nga ako. Pero dahil sa mahilig talaga akong kumain, parang nakiki-pag tug-of-war ang aking mga taba. Matatunaw ba sila o mananatiling nakasiksik sa aking mga bilibil? Minsan natutunaw naman sila. Nararamdaman ko yun sa pantalon ko, pero after a few days at nagkaroon ulit ako ng matitinding food cravings, ayan na naman silang magsisipagdatingan.

Two days ago, dahil sa napagkuwentuhan ng aking mga kaibigang Pinoy ang buy-one-take-one promo ng “Ben and Jerry’s” ice cream sa Wellcome grocery, niyaya ko ang aking kaibigang si Abby na sugurin ang mga naglipanang Wellcome grocery sa Taipei. Kahit mag-hahatinggabi na, biniskleta namin at hinanap ang mga branches nasabing grocery para lang makabili ng “Ben and Jerry’s” ice cream. Wala kaming nakita. Natulog akong frustrated.

The following day, di ako talaga nag-give up. Kahit mag-isa lang, iniisa-isa ko ulit ang mga grocery stores sa lungsod. Hanggang nakita ko ang aking hinahanap na ice cream

Kung ganun lang sana akong kapursige sa pagpapapayat, marahil nagwagi na rin ako.

In the mean time, fight pa rin. I will never say die.belly_fat

 

 

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Humor. Bookmark the permalink.

One Response to Usapang Abs

  1. Sally Mecija says:

    parang ang tagal ko di nagbasa ng blog mo friend…sige fight lang ng fight.. kung anu na lang makakapag pasaya sa yo..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s