Here Comes the Sun

Takot sa araw ang mga instik. Yan ang isa sa mga napuna ko sa ilang taon kong paninirahan dito sa Taiwan. Maglakad ka lang sa kalsada, marami kang makikitang mga babae at lalaking nagbibisikleta, pero mga naka-payong, dahil ayaw nila na ma-direct hit ng araw ang kanilang mga sensitibong balat. Hanggang ngayon, di ko alam kung paano nila nagagawang mag-balance sa bisikleta na hawak lang ng isang kamay ang manibela, habang yung kabilang kamay naman ay may hawak na payong. Di ko kasi kaya yun.

Yung kaibigan kong Taiwanese, tatawid lang sa kalye ay kaagad magbubukas ng payong, at hihilahin ako na sumukob. “I’m okay,” sabi ko. Pero mag-I-insist sya. “It’s hot,” sasabihin nya. “bad for the skin.”

Nung weekend, umakyat ako sa tuktok ng Yangminshan mountain–all of 1,120 meters. Height ng summer pero ang lamig sa itaas. Lahat ng nakakasalubong ko, kung hindi nakapayong, naka-long sleeves o may malalaking cap at sombrero. Yung isang babae, pinagmasdan ko ang mukha. Ang akala ko ay punong puno siya ng pulbo. Tapos na-realize ko, sunblock yun siguro. Marahil SPF-50 o mas mataas pang numero ng Sun Protection Factor. Ito kasi ang rekomendadong SPF ng mga dermatologists sa mga taong malimit magbabad sa araw.

At totoo nga naman. Sa lahat ng mga grocery at convenience stores, nagkalat ang kung ano-anong uri ng sunblock, sunscreen at mga skincare products na nangangakong protektahan ang balat ng mga mamamayan–mula noo hanggang talampakan. All the more reaffirming my theory na oo nga, takot sa araw ang mga instik.

Na dapat lang naman, dahil ang prolonged exposure sa araw ang pangunahing dahilan ng skin cancer. Ayon sa skincancer.org, “over the past three decades, more people have had skin cancer than all other forms of cancers combined.”

Sabi nga ng isang kaibigang Pinoy, tayo lang namang mga Pilipino ang nagtatapang-tapangan at pinagtatawanan ang mga taong balot na balot kapag naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw. HIndi rin daw tayo natatakot mangitim kasi kumbaga sa pandesal, dark brown na ang kulay natin papunta na sa papaitim at tustadong kulay. Sa panahon ngayon, wala ng sinasanto ang ultra violet rays of the sun kahit na anong kulay pa ng balat ng tao.

Kanta ng grupong Beatles nung 1969: “Here comes the sun, and I say, it’s all right.”

Ngayon: Oy, magsipag silong kayong mga tinamaan kayo ng magaling!

PayongMahapdi ang tama ng araw!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s