Ano Na?

Tinawagan ako nung weekend ng isang kaibigan sa Pinas. Ganito ang naging takbo ng aming konbersasyon.

Friend: Ano na?

Ako: Ano’ng ano na?

Friend: Kumusta ka na?

Ako: Naku sobrang busy. Pasensya ka na.

Friend: Pambihira ka talaga. Di ka sumasagot sa Facebook.  Di ka na nag-t-tweet! Di ka na rin nag-b-blog. Abang ako ng abang!

Ako: Sorry, ang dami kasing trabaho e.

Friend: Sus, echosero! Pero panay naman ang Instagram! At bakit bigla kang na-addict sa Instagram?

Ako: (Natawa) La lang. Kakaaliw pala. Yung blog kasi, pinag-iisipan. Kumakain ng oras lalo na yung act ng pagsusulat. Ang Instagram, instant. Nakakapag-update at kuwento ka sa pamamagitan ng pictures lang.

Friend: Nakanang…pa-epek nito. So ano ng latest sa `yo?

Ako: Busy nga. Wala naman akong ma-u-update sa yo kasi ang boring ng buhay ko, lately.

Friend: Hindi ako naniniwala. Ikaw pa. E kahit saan ka itapon, nagagawa mong interesting ang buhay mo.

Ako: Wag kang masyadong bumilib sa akin kasi tumatanda na ako. 

Friend: Ano ng mga napanood mong sine?

Ako: “Edge of Tomorrow,” “X-Men” “Yves Saint Laurent” at saka “Grace of Monaco”

Friend: Tingnan mo, tingnan mo! Ba’t di mo kinukwento sa akin yan?

Ako: Oy, hindi lahat ng nangyayari sa akin, kelangan mong malaman!

Friend: Huling libro mong binasa?

Ako: “The Fault in Our Stars” ni John Green at “A Million Little Pieces” ni James Frey.

Friend: Namamasyal ka pa rin?

Ako: Lately, di na. Ang kulit mo kasi, busy nga. No time. Pwede mag-email na lang tayo?

Friend: Kainis `to. Miss na nga kita kaya kita tinawagan. Pwede ba kitang bisitahin dyan?

Ako: Oo naman. Pero timbrehan mo ako para makapag-prepare.

Friend: Sige, sige….gusto ko yan.

Na-guilty naman ako sa aking kaibigan kaya ako naman ang nagtanong at nag-usisa sa kanyang buhay. Nang magpaalam na kami sa isa’t-isa, bigla akong na-homesick. Gaanong katagal na nga ba akong di nakakauwi at nakakakapag catch up sa mga kaibigan? Matagal na. Kaya dun sa kaibigan kong nag-request na i-blog ko naman daw ito (pero laking emphasis nya na no mention of names at baka daw siya sumikat), eto na po. Granted na ang iyong request. Sorry for my long silence. Sana sa pamamagitan nito, nakabawi na ako. Image

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s