Horror sa MRT

Sa gym ko unang narinig ang balita na may naganap daw na patayan sa loob mismo ng train sa MRT Jiangzicui station sa Bannan blue line. Dinadaanan ko ang linyang ito kapag galing akong main station o kaya ay bumisita ako sa St. Christopher church. Noon daw mga 4:32 ng hapon noong Miyerkules, May 21, nag-amok ang isang 21-anyos na estudyante na nagngangalang Cheng Chieh, mag-aaral ng Tunghai University sa Greater Taichung at nakatira sa may Banciao area sa Taipei. Basta na lang daw ito naglabas ng kutsilyo at pinagsasaksak ang mga taong katabi niya. Apat na tao ang namatay at 23 ang sugatan. Nakita ko pa ang live TV coverage ng insidente habang hinahabol nung nag-amok na estudyante ang mga nagtatakbuhang pasahero papalabas ng train.

Pinakagrabeng violent attack daw ito na nangyari simula ng mag-operate ang MRT sa Taipei noong 1996. Araw-araw, ayon sa government statistics, may 1.74 million na pasahero ang sumasakay dito, halos one-fourth ng total population ng pinagsamang Taipei at New Taipei City. Sa mga editorial ng mga pahayagan dito sa Taiwan, dalawang bagay ang idinidiin ng mga social critics. Una, ang kakulangan ng safety measures para ma-protektahan ang mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon. Pangalawa, ang kakulangan din ng pagsusuri sa mental health ng mga kabataan ngayon. Tahimik daw na bata itong Cheng Chieh pero mahilig mag-isa. Galing siya sa may kayang pamilya pero hindi raw ito mahilig makipag-socialize at laging nag-iisa. Sobra din ang kanyang obsession sa mga violent combat video games. “When I play and see the characters in the video game being hacked and blood spurting out of them, I get this strange, ecstatic feeling,” yan ang sinabi ni Chieh sa mga pulis nung siya ay ininterrogate matapos niyang gawin ang kahindik-hindik na krimen.

Sa isang artikulo sa Taipei Times tungkol sa psychological profile ni Cheng Chieh, inilahad ng mga pulis na bago maganap ang madugong krimen sa MRT, nagsusulat ng nobela si Chieh tungkol dito–isang first person point of view tungkol sa kung papaano isasagawa ang pagpatay sa mga tao sa train bilang parusa sa mga mamamayan ng mundo. “I have aspired to do something big since I was in elementary school,” kumpisal ni Chieh sa mga pulis.”...I felt that my life was empty, that it was not worth living anymore…However I cannot bring myself to commit suicide, and so if I kill more people, then I will get the death penalty.”

Kagabi, dahil kinailangan kong pumunta sa main station, sumakay ulit ako sa blue line kahit may konting kaba sa aking dibdib at ito ang aking mga napansin. Marami ng mga pulis sa loob at labas ng train. Wala akong nakitang natutulog o naghahalakhakan. Bibihira rin ang nag-te-text o naglalaro ng games sa telepono. Ang lilikot ng mga mata ng pasahero. Parang pinakikiramdaman ng lahat ang bawa’t-isa. Tama ba ang aking na-observe o malikot lang talagang maglaro ang utak ko?

Pinipilit kong kumbinsihin ang aking sarili na isolated case lang ito. Na one out of 3 million ang katulad ng estudyanteng train stabber na may tililing sa utak. Na kahit ano pa ang sabihin, napaka safe pa rin ng Taipei city kumpara sa ibang mga siyudad sa mundo. Pero ang bilis  ng lakad ko pauwi. Gustong-gusto ko na agad makarating sa bahay at magsusi ng pinto.1

 

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Horror sa MRT

  1. Blue Sapphire says:

    I agree sa sinabi mong safe ang Taipei City and all other cities here in Taiwan compared to other cities like Manila. Nagkataon nga lang talga siguro ng may mga taong subrang bagot sa buhay at lost soul na rin kaya nagkaron ng ganun insidente dyan sa MRT but still I’m an avid fan of d MRT at wish ko rin na simulan na gawin ang MRT dto sa Taoyuan. I love Taiwan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s