Holy Week Thoughts

HW2Pampito ko na itong Holy Week na wala sa Pilipinas at di ko pa rin masasabing sanay na ako. Kanina lang ay ka-chat ko ang kaibigan kong si Jean at sinasabi ko sa kanyang miss ko na ang aming mga paglalagalag kapag Holy Week. For two consecutive years, siya ang sparring partner ko sa pag-bisita Iglesia at pagdarasal ng station of the cross sa Baguio. Siya rin ang kasama kong nanood ng Moriones festival at lumangoy sa Cawa-Cawa river at sa maraming dagat sa Mindoro.

Kanina sa bus, habang hinihintay kong mag-green ang traffic light sa kanto ng Heping East at Anhe roads, di ko napigilang mag-senti mode. Naisip ko kasi na Miyerkules Santo ngayon at bigla kong naalala ang mga Holy Week rituals ng aking kabataan. Ang pagbabasa ng Pasyon sa bahay ng lola ko, ang panonood namin ng mga nag-pe-penintensya, ang mahahabang prusisyon ng mga taong umuusal ng mga memoryadong dasal. Kahit nga yung hapdi ng sikat ng araw sa aking balat at pananabik ng lalamunan kong makainom ng tubig na puno ng yelo–naalala ko silang lahat.

Sa Maynila, ang aking mga ala-ala ng Semana Santa ay nakapako sa walang kamatayang panonood ng mga religious movies at documentaries na paulit-ulit na pinapalabas sa TV. May isa ring Holy Week na na-engganyo akong umattend ng isang retreat pero nakatulog ako sa gitna ng mga meditation exercises at natakot sa masungit naming retreat master nang paulit-ulit nyang isinigaw with conviction na masusunog daw kaming lahat sa impyerno dahil wala siyang napilit mag-confess. Ako pa ang napag-tripan niyang gumawa ng public confession. Hindi ko siya sinunod dahil labag sa loob kong ikwento ang aking pribadong buhay, bagkos ang aking mga kasalanan sa grupo ng mga taong hindi ko naman kakilala. Dahil dun,  di na ulit ako napilit umattend ng kahit na anong retreat.

Pag SemanaSanta, Sarado ang mga department stores simula Huwebes Santo at pwedeng-pwedeng mag-patintero sa EDSA dahil 80% yata ng populasyon sa lungsod ay nasa probinsya. Bihira kong magampanan ang pagsasagawa ng tinatawag na 3Rs–ang Repent, Reflect at Reform na pilit na itinuturo ng mga Katolikong pari dahil malimit akong dalawin ng matinding boredom kapag ganitong panahon.

Salamat sa social media, kahit na walang Holy Week dito sa Taiwan, pakiramdam ko’y nasa Pinas pa rin ako sa kwentuhan at updates ng mga kaibigan. Kahapon hanggang kaninang umaga, sa gitna ng pagkukumustahan at pagbibiruan namin sa email at Facebook, nabalitaan kong dalawa sa aking kasamahan nung college ay namayapa na. Parehong heart attack daw ang kanilang kinamatay at halos kasing edad ko lang sila. “Ang aga nilang ni-roll call,” biro ng isa kong kaibigan.

“Di mo talaga masabi ang buhay,” sagot naman nung isa. “Ka-ka tense. Parang generation na natin ang tinatawag sa taas.”

Paulit-ulit, binasa ko ang mga tributes at mga mensahe ng pakikiramay sa aking dalawang kaibigang namayapa at parang may bumbilyang sumindi sa utak ko. Kumbaga sa comic strip, mistula siyang thought balloon. Ang nakalagay doon: “How would you like to be remembered?” Na-share ko ito sa ka-chat ko kanina. Binalik niya sa akin ang tanong.

Hindi ko agad ito masagot. “Ang wish ko lang,”  sabi ko, “sana pag wala na ako maaalaala ako with fondness. Hindi yung may pait at pagmumura.”

“Ang seryoso naman!” sagot niya. “Hindi ka pa matitigok. Bad grass never dies.”

Natawa ako. Tapos ay napaisip at binalot ng kung anong lungkot.

 

 

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s