Feel Good

Dahil sa nakikpagtunggali ako noong isang linggo sa pabago-bagong timpla ng aking mood, napagpasyahan kong manood ng sine pero sinigurado kong hindi ako lalabas ng sinehan ng malungot, inis at takot. Gusto ko nakangiti ako. Kaya sinuyod ko ang listahan ng mga palabas sa mga sinehan dito sa Taipei at inalam ang kanilang mga ratings sa “Rotten Tomatoes” at “Imdb.” Nagbasa-basa rin ako ng mga review sa New York Times at Chicago Tribune. Matapos ko itong gawin, magkasunod kong pinanood ang dalawang pelikula na nakapagpangiti sa akin kasi feel-good ang mga ito. Sa paglabas ko sa sinehan,  hindi  naman ako napabulalas ng “wow” at “hanep” pero masaya naman akong naglakad pauwi.

Una kong pinanood ang “One Chance,” ang pelikulang dinirek ni David Frankel (“The Devil Wears Prada”) base sa screenplay ni Justin Zackham. Unang ipinalabas sa Republic of Ireland at United Kingdom noong October 25, 2013, ang nasabing pelikula ay kuwento tungkol sa buhay ni Paul Potts, ang popular na winner ng “Britain’s Got Talent” contest noong 2007 na mahusay na binigyang buhay ng English film actor na si James Corden. Ipinakita sa buong pelikula kung paano na-bully si Paul Potts ng kanyang mga schoolmates mula pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda at kung paano niya ito nalabanan. Tinalakay din ang kanyang pagkahumaling sa opera at classical music at ang kanyang naiibang love story sa kanyang girlfriend na kinalauan ay naging asawang si Julie-Ann Cooper (Alexandra Roach).  Bagama’t alam naman nating lahat na nagwagi nga si Paul Potts, may mga detalye sa kanyang talambuhay na hindi pa gaanong alam ng publiko. Bakit siya bungi? Paano siya na-traumatize nung mag-audition siya kay Luciano Pavarotti? Bakit tuwang-tuwa siyang magpunta sa Venice? Sa pangkalahatan, minsan pang pinatunayan sa pelikulang ito na magiging tunay na masaya lang tayo kung susundi natin ang ating mga passions sa buhay kahit na tabunan pa tayo ng maraming balakid.

Samantala, ang “Labor Day” naman na dinirek ni Jason Reitman at pinagbidahan nina Josh Brolin, Gattlin Griffith at Kate Winslet ay isang love story hango sa nobela ni Joyce Maynard na may ganoon ding pamagat.  May pagka-predictable ang plot ng pelikula at di lang minsan, ako, bilang manonood ay napasabi ng, “pwede bang mangyari yun?” sa ilang bahagi ng pelikula. Pero bumawi naman ito sa husay nang pagganap ng mga artista lalo na ang napakatahimik pero makapangyarihang portrayal ni Kate Winslet bilang si Adele, ang malungkot na divorcee at single parent na nai-in-love kay Frank (Josh Brolin), isang takas sa blinagguan na nagatago sa kanyang bahay. Pero imbes na matakot at maging suspense ang pelikula, nagkahulihan sila ng loob, nag-bonding at, kasama ang binatilyong anak ni Kate Winslet ay sabay-sabay pang nag-bake ng peach pie. Sa puntong yun, naintindihan ko kung bakit hindi mataas ang naging rating na nasabing pelikula sa “Rotten Tomatoes.”

Sa kabila ng lahat ng ito, nag-enjoy pa rin akong manood ng “Labor Day” dahil kahit na may pagka-implausible ang kanyang plot, na-i-dramatize pa rin ng mahusay ang mga pahapyaw na komentaryo tungkol sa pagbabago at pag-asa. Natupad pa rin ang aking objective kasi lumabas ako ng sinehan ng hindi disappointed, bagkus, feel-good nga.one chance

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s