Sugar and Salt

Sa feature article na pinamagatang “Sweet Sacrifice” na sinulat ni Alexandria Sifferlin  sa huling issue ng TIME Magazine (March 24, 2014) inilahathala ang bagong guidelines ng World Health Organization (WHO) tungkol sa daily recommended sugar intake. At hindi ito nakakatuwa: “Only 5% of a person’s total daily calories should come from added sugar.” Para mas maunawaan daw natin ng mabuti, sinabi sa artikulo na sa 2,000 calories na ating na-co-consume, 26 grams lang ng added sugar ang ating dapat ma-intake o ipasok sa ating katawan. Gaano ba karami ang 26 grams?

Ito ang ibinigay na mga halimabawa para maging batayan natin ang dami ng asukal na pwede nating ipasok sa ating katawan: isang delata ng tomato soup (gaya ng Campbells) ay mayroong 30 grams of sugar; isang blueberry muffin, 22 grams; isang serving ng orange chicken, 22 grams, 10 thin mints, 26 grams; 1 cup of pasta sauce, 20 grams; 1 cup of coleslaw salad; 23 grams.

Ang nasabing recommendation ay batay sa mga pag-aaral ng mga experts sa Amerika na nagpapatunay na ang patuloy na paglala ng obesity, tooth decay at sakit sa puso ay lahat nakaugat sa mataas na consumption ng asukal. Sa katunayan, ang isa raw kutsara ng ketchup ay mayroon ng 4 grams ng asukal at ang isang buong frozen pizza ay mayroon na agad 26 grams of sugar. Marami ang nagsasabing hindi makatarungan at makatotohanan ang rekomendasyong ito, pero ano’t-anuman, ang pinupunterya ng mga eksperto ay obvious: bawasan natin ang ating sugar consumption. Tapos na ang maliligayang araw ng pag-awit ni Mary Poppins ng “just a spoonful of sugar makes the medicine go down” dahil delikado na ngayon ang kumain at lumaklak ng mga matatamis na pagkain at inumin. Mas lalo na raw yung mga processed foods gaya ng de lata at softdrink. Dapat nga raw ay magbago na ang ating mga taste preferences, lalo na nga doon sa mga taong tinatawag nating may sweet tooth.

Sabi ko nga sa isang kaibigan habang nakapila kami sa isang canteen:  Iniisip ko pa lang ay nahihilo na ako kung ano na lang ang natitira kong pwedeng kainin. Dahil hindi naman ako gaanong mahilig sa matamis. Mas mahilig ako sa maalat.

Nanalaki ang mata ng kaibigan ko. “Patay kang bata ka. Mas delikado ang maalat!”

Yun na nga, sabi ko.

“So ano na lang ang kakainin natin? Hindi mo ba nabasa ang menu?”

Nabasa, malungkot kong sagotsalt-sugar. Puro matatamis at maaalat. Kung susundin ko ang recommendation ng WHO, tubig na lang ang maiinom ko.

“E ni hindi nga yata filtered water ang sinisilbi dito.”

Pwes, tara ng umuwi. Magluluto na lang ako ng bulanglang na gulay.

Natawa ang kaibigan ko, lalo na ng sabihin kong. Palagay ko, hindi ako sa sakit mamamatay kundi sa sama ng loob.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Health. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s