Closure

Mag-iika-pitong araw na simula nang maglaho ang Malaysian Airlines Flight 370 sa himpapawid matapos itong lumipad ng mahigit na isang oras mula Kuala Lumpur  papunta sa kanyang destinasyon sa Beijing, China. Habang patuloy na nahihiwagaan ang mga eksperto kung bakit walang makitang physical evidence sa nawawalang eroplano , at habang sinusuyod pa rin ang mga karagatan ng Vietnam, Thailand, Malaysia at maging Pakistan, panay naman ang atungal sa telebisyon ng mga galit at nagdadalamhating kamag-anak ng 239 na pasaherong nakasakay doon. Bawa’t oras na dumadaan na walang balita o kahit na anong malinaw na impormasyon ay lalong nagnanaknak ang kanilang mga sugatang puso. Sabi nga nung isang nagpa-interbyu sa CNN, mas malala pa raw parusa ang paghihintay sa anumang balita kaysa makita nila ang totoong bangkay ng kanilang mahal sa buhay o kahit ang debris ng sinasabing nag-crash na eroplano. Iyon lang daw ang makakapagpanatag ng kanilang loob.

“They need closure,” sabi ng Chinese grief expert na kinapanayam ng CNN. “Anything tangible and visible that would represent their loss.”

“Closure is the attempt to “move on” following the termination of a relationship with another individual.” Yan ang isang dictionary definition ng salita. Sa Tagalog ito ang tinatawag na pagsasara,  pagpipinid o pagtatapos ng isang relasyon para makapagsimula ulit. Ayon sa mga eksperto, lahat ng uri ng paghihiwalay ay may isinasakatuparang ritwal. Nagpapaalam tayo, nagpapaliwanag, nag-aakapan, naghahalikan, nag-aapiran, naglalambingan, nagsasabihan ng “ingat ka,” “paalam,” “so long,” hanggang sa muli,” good luck,” pakabait ka,” etc. etc.  Kahit yung mga hiwalayang mapapait ay may ritwal din. Masasakit nga lang itomg paalaman. Nagmumurahan, nagsisigawan, nagsasabihan ng “wala na tayong pakialamanan,” “good riddance,” “lumayas ka na,” etc. Pero ano’t-anuman, nandoon ang katotohanang naisara pa rin ang relasyon. Hindi na ito nakalutang, lumilipad o nakabukas.

Kaya mahirap ma-imagine ang emotional torture na pinagdadaanan ng mga kamag-anak ng mga deparacidos, yung mga taong basta na lang nawala, o nakitang dinukot pero hindi na matagpuan. May mga kilala akong anak ng mga naghiwalay na magulang na matapos ang maraming taon ay takang-taka pa rin kung bakit di raw ma-discuss ng parents nila ang kanilang separasyon. May mga naririnig din akong nagsasabi na namatay at namatay ang kanilang asawa, magulang, kapatid ay di man lang sila nakahingi ng tawad, o nakapagpaliwanag.

Sabi ng mga health experts, ang kawalan ng closure ay nagdudulot ng mas malala pang health problem. Maaaring ito ay magdulot ng tumors, cancer o sakit sa puso. O maaaring dahil sa dinadala natin na malaking emotional baggage ang ating kawalan ng closure, habang buhay na tayong galit, mainit ang ulo o bad trip.

Paano kung ang taong pagsasarhan natin ng ating relasyon ay wala na talaga? Naglaho na at di na makita? Sabi ng mga experts, tayo daw na mga naiwan ang kailangang gumawa ng ritwal. Kaya mayroong nagpapamisa, nagsisindi ng kandila, nagsusulat ng mahabang liham,Locked-Door1 nagtatapon ng mga bulaklak sa dagat, o sa bundok.

Tayo at tayo rin lang ang kailangang mag-pinid at magsusi ng pinto at gumawa ng ating mga sariling pagsasara.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s