“Kano”

Dalawang beses akong sinabihan ng takilyera ng “maiguang de” o sold-out na raw ang mga ticket sa pelikulang “Kano,” pero dahil pursigido akong panoorin ang pelikulang ito na tumatalakay sa pambihirang galing ng multiracial baseball team noong 1930s, napanood ko rin ito sa wakas. Tatlong oras ang buong pelikula. Magkakahalong Nihonggo, Mandarin, Hoklo at Hakka dialects ang aking narinig pero naintindihan ko ang lahat dahil mayroon itong English subtitles. Medyo manipis ang plot ng pelikula at ang pakiramdam ko’y mayroong mga eksenang sumobra na sa pagka-melodrama, pero sa pangkalahatan, napaka technically polished at malinaw na naipakita ang mensahe ng pelikula.

“Kano” ang tawag sa grupo ng mga teenagers na binuo ng isang Japanese baseball coach na nagngangalang Kondo (Masatoshi Nagase) sa probinsya ng Chayi, noong 1931, panahon ng Japanese occupation sa Taiwan. Magkakahalong Hapon at Taiwanese ang bumuo sa baseball team na lumaban at nag-represent sa bansang Taiwan sa HS Baseball Championship sa Hanshin Koshien, Japan.  Sa simula pa lang ng pelikula, ilang beses na sinasabi ni Mr. Kondo na sa larong baseball daw, hindi mahalaga ang nationality kundi ang teamwork at sipag para ma-develop ang lakas na siyang makakapagpanalo sa grupo. Pero sa gitna ng kanilang napakatindi at napakahirap na training, hindi lang baseball skills ang natutunan ng mga kabataan kundi ang pagmamahal sa kanilang mga sarili, trabaho at maging sa kanilang inang bayan. Sa kabila ng mga cliches na ito, ang “hook” ng pelikula ay ang katotohanang hindi naman talaga nag-champion ang “Kano” baseball team, pero bakit sa kanila nag-standing ovation ang 55,000 na taong nanonood sa Hanshin Koshin stadium, at bakit sila ang tinawag na mga bayani ng Taiwan baseball? Iyon ang selling point ng pelikula.

Karamihan daw sa mga gumanap sa pelikulang ito ay mga first-time actors, pero kapani-paniwala ang kanilang pagkaganap, lalo na ang batang Kano pitcher na nagngangalang Go (Tsao Yu-Ning). Isa pang nakaka impress ay kung paano nila na-transform ng makatotohanan ang bayan ng Chayi nung 1930s, ganundin ang Hashin Koshien stadium sa Japan  na kapag pinanood ninyo ay parang mga hinugot sa pahina ng mga history books. Hindi rin papahuli ang napakagandang cinematography ni Chin Ting Chang na dalawang beses yatang pinalakpakan ng audience sa sinehang pinanooran ko.

Ito ang pangatlong installment sa trilogy ng Taiwan historical films na prinoduce ni Wei Te-Sheng at dinirek ni Umin Boya. Una ang “Cape No. 7,” pangalawa ang “Warriors of the Rainbow: Seedq Bale” at pangatlo ang “Kano.” Kamakailan lang, napanood ko ang behind the scenes documentary sa paggawa ng pelikulang ito  sa Cable TV kung saan ipinaliwanag ng director at producer na kailangan daw maipakita ulit ang kwento ng Kano para ipaalala sa lahat na nakatahi at bahagi na talaga ang larong baseball sa pangkalahatang cultural identity ng bansang Taiwan.Kano_poster

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s