Shen Yun Performing Arts

Kalahating taon, umiikot ang Shen Yun dance troupe sa may 20 bansa at 100 lungsod sa buong mundo. Gaya ng grupong Cirque de Soleil, itinuturing na global phenomenon ang performances ng Shen Yun dance troupe na kilalang-kilala sa pagpapalaganap ng kultura ng Chinese classical dances na nakaugat sa ispiritwal na disiplina ng Falun Dafa  at sinasabayan ng isang live symphony orchestra. Unang itinatatag noong 2006, ang grupo ay kinabibilangan ng may 20 Chinese dancers na naka-base sa New York. Doon, araw-araw silang hinahasa sa basic skills ng Chinese classical dances: ang postura, pag-ikot, pag-tumbling, ang bawa’t galaw na physical expression ng napakaraming istorya at kahulugan.

Kagabi, isa ako sa naki-pila sa maraming tao na nagpunta sa San Yat Sen Memorial Hall para panoorin ang Shen Yun dance troupe. Wala akong ideya kung anong i-e-expect pero sa mahal ng nakuha kong ticket, wala na akong binulong sa sarili kundi dapat maganda ito para sulit.

Hindi ako na-disappoint. Two hours later, isa ako sa mga naki-standing ovation sa grupo ng libo-libong Taiwanese na maluha-luhang nag-bravo, sumipol at pumalakpak sa galing ng Shen Yun Performing Arts Group. Bihira kasi akong maantig sa sayaw. Sa katunayan, di ko type manood ng mga classical dances lalo na ang ballet. Madali akong ma-bore. Pero kakaibang gumalaw ang grupong ito. Para silang mga ibong lumilipad. Graceful at elegante ang bawa’t iktad ng balakang, bawa’t taas at baba ng kamay ar bawa’t sirko ng paa. At porke’t mga bata pa sila, parang effortless ang mga mahihirap na acrobatic moves at somersaults. Dahil malapit lang ako sa stage, tuwing matatapos ang isang sayaw, pinagmamasadan ko talaga kung malalaks ba ang kanilang paghingal pero normal lang silang humihinga habang naka-freeze at bumababa ang kurtina–mga nakangiti pa.

Bukod sa sayaw, kahanga-hanga ang costumes, stage design at special effects ng performance na ito ng Shen Yun. Lalo na ang kanilang video screen kung saan nabubuhay ang images from the screen to real life. Medyo mahirap itong masakyan kung binabasa lang pero bahagi yun ng attraction ng special show na ito.

May performances pa sila sa March 1-6 sa Kaoshiung at March 18-19 sa Chiayi so sa mga interesado, pwede pang humabol para mapanood ang ka-tangi-tanging palabas na kahit daw ang beteranang aktress na si Cate Blanchett, ang celebrity na si Donna Karan at ang mismong production designer ng pelikulang Avatar na si Robert Stromberg ay napa-sipol at napa-wowshenyun2 sa pambihirang galing ng grupong ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Events. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s