Her

Sa pelikulang “Her,” ang bagong obra ni Spike Jonze, na-in-love si Theodore, ang character na ginampanan ni Joaquin Phoenix kay Samantha. Ang hitch nga lang, hindi tao si Samantha kundi isang nagsasalitang  computer Operating System (OS) na binigyang buhay sa pamamagitan ng sexy na boses  ni Scarlett Johansson. Nag-d-date sila, nag-bibiruan, nagkaka-tampuhan, nag-de-debate. Nang minsang nagkaroon ng system error ang computer at hindi sumagot si Samantha sa mga tawag ni Theodore, na-praning ang character na ginagampanan ni Phoenix at kumaripas siya ng takbo hanggang magkandarapa siya sa kalsada. At akong manonood na nadala sa pagka panic at sense of loss na pinamalas ni Theodore ay napatakip ng bibig sa gitna ng madilim na sinehan at napa-usal ng “Grabe!”

Futuristic sci-fi romance ang pagka-market sa pelikulang “Her” pero wala akong naramdamang kilig habang pinapanood ko ito. Bagkos, panay ang laro sa utak ko sa naiibang premise ng pelikula. Na sa darating na panahon, sa talas ng antas ng siyensya, at sa tindi ng lungkot ng mga taong nag-iisa, posible ngang magkaroon ng kakaibang relasyon ang mga tao sa mga matatalinong makina at gadgets. Kung tutuusin, ang buong pelikula ay isang meditasyon sa kalungkutan set in a high-tech world. Madaling makapitan ang character ni Theodore: 30 plus na kasalukuyang naglalakad ng kanyang divorce papers, nagtatrabaho bilang isang surrogate letter writer, may pagka-anti-social, mahilig mag-isa at maglaro ng computer games. Nang bilhin niya ang OS na si Samantha at i-install ito sa kanyang PC, nag-iba ang takbo ng kanyang buhay. Ang kanyang OS na dapat sana’y tiga organize lamang ng kanyang skedyul at tiga basa ng kanyang mga email ay naka-konek niya sa iba’t-ibang antas ng kanyang consciousness. Dito nagsimula ang saya at mas malalim na kalungkutan ni Theodore.

Hindi marahil ma-p-pull off with flying colors ang buong pelikula kung hindi dahil sa sensitive at natural portrayal ni Joaquin Phoenix na halos sa 70% ng buong film ay makikitang parang nakikipag-usap lamang sa kanyang sarili. Kakaiba rin ang ipinamalas na galing ni Johansson na kahit na boses lamang ang narinig ay nanalo pa ring best actress sa Rome film festival dahil sa kanyang voice acting bilang si Samantha. (Pinahayag naman kamakailan ng Golden Globe awards na ineligible si Johansson na ma-nominate sa kanyang portrayal dahil wala siya visually sa kahit na anong eksena sa buong pelikula). Hindi rin papatalo si Rooney Mara, na kahit na maigsi lang ang portrayal bilang Catherine, ang would-be ex-wife ni Theodore, ay lutang na lutang ang pagkakaganap ng sakit at pagkalito lalo na doon sa eksenang nalaman niyang ang kanyang future ex-husband ay in-love sa isang computer operating system.

Medyo mahihirapan sigurong masakyan ang pelikulang ito ng mga pamilyado at  may mga ka-relasyong tao. Pero doon sa mga single at feeling alone, siguraduhing kumapit sa inyong mga upuan habang pinapanood ang “Her.” Sigurado akong sa maraming bahagi ng two-hour filmher-movie-poster, makaka-konek kayo sa mga tahimik ngunit may hapdi at pait na mga sundot ng pelikulang ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s