Beyond Beauty: Taiwan from Above

Beyond BeautyUsap-usapan ngayon sa mga opisina at coffee shops dito sa Taipei ang documentary film na “Beyond Beauty: Taiwan from Above” na dinerek ni Chi Po Lin, isang dating government employee, na  ngayon ay isa ng premyadong aerial photographer at cinematographer. Nung November 23, nanalo ang nasabing pelikula ng Best Documetary at Best Musical Scoring sa Golden Horse Award, ang tinaguriang Oscars ng Chinese films. Ninety-million Taiwan dollars ang nagastos sa pag-produce sa nasabing pelikula. Nung kanyang opening day, may tatlong linggo na ang nakakaraan, brineak ng pelikula ang Taiwan box office records dahil NT$373,868 million ang kinita nito. Opening day pa lang, bawi na ng mga producer  ang puhunan nila sa  pelikula. Para sa isang documentary film, kataka-taka ito. Hanggang ngayon, showing pa rin sa 44 na sinehan dito sa Taiwan ang pinag-uusapang pambihirang dokyumentaryong pampelikula.

Siyempre, hindi ko ito pinalagpas. Sa kabila ng aking napaka busy na skedyul, naisingit ko kagabi ang panonood ng “Beyond Beauty…” dahil gusto kong malaman what the whole hype is all about. Laking gulat ko nga dahil kahit three weeks na ang nakakaraan, punong puno pa rin ang sinehan. Buti na lang at may English subtitles ito. Nang matapos ang 90-minute film, nakisama akong makipalakpak sa mayroon sigurong 300 Taiwanese na gaya ko na sobrang na-move sa ganda, tapang at pangkalahatang mensahe ng pelikula.

Mula simula hanggang katapusan, ang buong pelikula ay series of shots na kinunan sa eroplano at helicopter. Marami na akong nakitang aerial shots ng Taiwan sa iba’t-ibang coffee table books, pero ang mga ito ay hindi moving film images. Sa pelikula ni Chi Po Lin, pakiramdam ko’y para akong ibong lumilipad habang nakikita ko ang kalawakan ng mga bundok, puno, dagat, ilog, bukid, sapa, kalsada, mga gusali mula Pingtung hanggang Taipei. Sa saliw ng madamdaming musika gaya ng flute, para akong na-hypnotize.

Pero ang inakala kong isang mistulang tourism showcase at series of eye-candies ay panandalian lamang. Dahil matapos na ipakita at sinabi ng narrator ang ganda at yaman ng mga natural resources ng Taiwan, unti-unti nitong tinalakay ang lumalalang environmental problems ng isla: ang pollution sanhi ng mga naglalakihang factories; ang pagtatapon ng mga chemicals sa mga ilog, ang pagputol ng mga punong kahoy sa mga kagubatan, atbp. Pero hindi gaya ng ibang mga dokyumentaryo na parang nag-le-lecture, magaan ang pagpapaliwanag ng narrator. Wala siyang sinisisi at tinutuligsa. Sinasabi lang niya ang mga problema as a matter of fact, na kapag nagpatuloy daw ang mga ito ay mamanahin naman ng susunod na henerasyon.

Sa huling bahagi ng pelikula, inintroduce ng narrator ang dumaraming bilang ng mga organic farmers sa bansa. Kalimitan sa kanila ay mga dating corporate employees sa lungsod na ngayon ay nag migrate na sa mga bukid gaya ng Miaoli at nagsimulang mag organic farming dahil para sa kanila, ito raw ang tama at nararapat gawin. Para akong kinurot nung marinig ko yun dahil noong nakaraang linggo lang, nakausap ko mismo ang mga organic farmers sa Miaoli at ganito mismo ang kanilang sinasabi.

Kanina, nabasa ko sa dyaryo na dahil daw sa dami ng mga papuri tungkol sa pelikulang “Beyond Beauty,” napansin na ito mismo ng Taiwan government at nag create na sila ng isang special task force para imbestigahan pang maigi ang mga pinakitang sources of envirommental problems sa nasabing pelikula.

The power of films.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Movies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s