For the Love of Mocha

Hindi ko pa nakikita at nakikilala si Mocha, ang lovable pet dog ng aking kaibigang si Jeannie, pero sa kuwento pa lang, parang wala na akong choice kundi ang mahalin siya. Considering na hindi ako mahilig sa aso, or any pet for that matter, masyado syang naibenta ni Jeannie sa akin. Nang huli nga kaming magkita, halos 90% ng aming pag-uusap ay naka-sentro sa kung papaano raw nabago ni Mocha ang  kanyang buhay.

Alas singko pa lang daw ng hapon ay kumakaripas na siyang papauwi ng bahay para alamin ang kalagayan ni Mocha. Si Mocha raw ang gumigising sa kanya tuwing umaga sa pamamagitan ng kanyang mga tahol. Lahat daw ng kanyang mga lakad at activities ay mas maingat niya ngayong pinaplano kasi at the back of her mind, iniisip niya kung saan niya ibibilin  at dadalhin si Mocha sakali mang magtatagal siyang mawawala sa bahay. “Hindi na nga ako nakakapag-Facebook, Ronsky,” ang mala-pilyang reklamo ni Jeannie. “Si Mocha kasi, she gives me so much joy!”

At ramdam ko talaga ang sinasabing joy ni Jeannie nang ikuwento pa niya in detail ang nakakatuwang istorya kung paano niya minsan pinupuslit ang kanyang alaga sa opisina sa pamamagitan ng pagtatago nito sa kanyang malaking bag. Kung paano ito pagpistaan, protektuhan at alagaan ng kanyang mga staff. Sobra rin ang halakhak niya nang ikuwento niya kung paano niya inilagay si Mocha sa maliit na timba at pinalutang sa tubig nang minsang binaha ng matindi ang kanilang subdivision at kinailangan nilang lumikas ng panandalian.

Lahat ng ito ay pinaniniwalaan ko dahil hindi lang si Jeannie ang kaibigan ko na masyadong na-obsess sa kanilang mga alagang aso, pusa at isda. May sparkle ang kanilang mga mata pag ikinukwento nila ang unconditional love na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga alagang pets. Lahat din sila ay tumatangis at halos masiraan ng bait kapag dinedescribe nila kung paano nawala ang kanilang mga alaga either through dramatic physical separation or natural death.

Nung isang gabi, binasa ko sa isang website ang “Therapeutic Benefits of Pets” at mas naintindihan ko kung paano nakakaapekto ang pag-aalaga ng mga pets sa mood at mental health ng mga tao. Sabi nga sa http://www.helpguide.org : “One of the reasons for these therapeutic effects is that most pets fulfill the basic human need to touch. Even hardened criminals in prison have shown long-term changes in their behavior after interacting with pets, many of them experiencing mutual affection for the first time. Stroking, holding, cuddling, or otherwise touching a loving animal can rapidly calm and soothe us when we’re stressed. The companionship of a pet can also ease loneliness, and some pets are a great stimulus for healthy exercise, which can substantially boost mood.”

Hindi ko alam kung kelan kami magkikita ni Mocha pero ngayon pa lang, excited na ako. Hindi lang dahil sa assurance ni Jeannie na “…you will fall in love with her,” kundi pakiramdam ko, mas nakahanda na akong makipagkaibigan sa mga pets ngayon.

I will make that quantum leap, Jeannie. All for the love of Mocha.mocha

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Relationships. Bookmark the permalink.

One Response to For the Love of Mocha

  1. Jean says:

    tamaa your article ,,,,,other than yourself, your dog is the only one that loves you unconditionally…..kaya mas mabuti siya kesa tao…LOL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s