Revisiting Davao

Mag-a-alas siete y media na ng gabi nang dumating kami sa Davao. Sa eroplano pa lang, habang nakikita ko ang mga bundok, gulayan at sagingan ng lungsod, parang kinukurot na ako ng nostalgia. Ilang taon na nga ba ang nakalipas simula nang huli akong magpunta sa Davao? Mabilis na nag-flashback ang lahat–17 years na ang nakalipas. At kung hindi ako nagkakamali, pampitong beses ko na itong pagbisita sa Davao City.

Madrama ang pagbabalik ko sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Duterte. Katatapos lang ng bagyong si Yolanda. Lahat ng makausap ko, gustong pag-usapan ang makapanindig-balahibong aftermath ng sinasabing pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo. Ang nakadagdag sa drama, may paparating na naman daw na bagyo at sa kasamaang palad, dadaan ito sa Davao. Kaya pala malungkot na ang langit nang ihatid kami sa tinuluyan naming  Davao Waterfront Insular Hotel.

Biased ako sa Davao dahil sa mga maiikling sandali na bumisita at tumigil ako rito, may kapanatagan akong naramdaman sa lungsod na di ko naramdaman sa ibang lugar sa Pilipinas. Lungsod nga ang Davao pero hindi ito kasing ingay at gulo ng Maynila. Taglay din nito ang katahimikan ng buhay probisnya. At sa mga nabisita kong lugar sa Mindanao, halos lahat ng mga tao rito ay nakakaintindi ng Tagalog. Naaalala ko, minsan ay pinangarap kong manirahan at magtrabaho sa Davao. Pangarap na unti-unti ring nawala dahil kung saan-saan ding lugar ako pinadpad ng kapalaran.

Mahigit apat na araw lang ang aking pagbisita sa Davao at dala pa ito ng trabaho. Dahilan yan kung bakit hindi ko talaga nakita ang lungsod nang pang-matagalan. Kadalasan, nasa hotel lang kami at nag-me-meeting. Maswerte rin naman ang grupo namin kasi hindi naman tumuloy ang bagyo. Nung unang araw lang umulan. Sa mga sumunod na araw, maliwanag ng nakangiti na ang langit.

Hindi ko man natikman ang aking paboritong marang at durian, nagpista naman ako sa kinilaw at panga ng tuna, pinya, saging, inihaw na liempo at kung ano-ano pang sariwang pagkain na isinilbi sa amin. Binisita rin ako ng aking dating ka-opisinang Davaoena na si Daye, at kahit ilang oras lang kaming panakaw na nagkuwentuhan, ang bilis naming nag catch up sa aming mga buhay-buhay–parang dinaig namin ang timeline ng Facebook. Walang nasayang na sandali dahil kahit sa aming mga buntunghininga, may mga kuwentong umusbong kahit wala naman ito sa aming original agenda.

Marami akong nakitang mga bagong establishments, pero habang umikot ang aming sasakyan nung huling araw namin sa Davao, nasabi ko sa sarili ko na ito pa rin ang Davao na natatandaan ko. Medyo lumala nga lang ang traffic at wala nga akong nakitang kahit isang naninigarilyo sa daan, pero kumbaga sa matagal nang kaibigan, kapalagayang loob ko pa rin siya kahit na 17 taon na ang nakalipas.

Sinubukan ko itong i-articulate sa kasama naming instik na si Mr. Yang na tiga-Mainland China. First time daw niya sa Davao at panay amg tanong niya sa akin kung bakit ko gusto ang lungsod. Tinanong ko rin siya at nagpalitan kami ng metaphors.

Ako ang umuna: “If it’s a lady, I would say Davao is charming.”

Nag-isip ang katabi kong Chinese: “It’s like a sweet fruit.”

“It has a distinct, strong personality,” sabi ko.

“I agree,” sagot ni Mr. Yang. Sabay nag-give me five sa akin.

May nilabas akong T-shirt sa aking bag. “See this?” may pagmamalaki kong sabi. “This was given to me by a friend. I’m going to have this framed.

Binasa nyang dahan-dahan ang nakasulat sa T-shirt. “Ronald heart Davao.”

Tumawa ako. “Not really the right way to read it but, yes, I do heart Davao,” sabay dugtong…”Very much”DSC_0195

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Homecoming Stories, Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s