The Privileged Migrants

Nang binisita ako rito ng aking kaklaseng si Rica Arevalo nung August, pinalabas niya sa akin ang kanyang huling documentary film na pinamagatang “The Privileged Migrants,” mga salaysay ng kanyang mga close friends at former HS classmates sa St. Scholastica, ganundin ang kanyang kakambal na si Raquel, na puro maaayos na ang buhay sa Pinas pero nagdesisyon pa ring maghanap ng kanilang kapalaran sa ibang bansa. Naglakbay si Rica sa Amerika, Thailand, Macau at Singapore at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan para kumustahin ang kanilang mga bagong buhay sa ibang bansa. Sa gitna ng lahat ng ito, may isang tanong si Rica na pilit niyang hinahanapan ng sagot: “why leave the Philippines when one has a privileged life?”

Walang gaanong tensyon at drama ang documentary ni Rica pero nag-resonate ito sa akin on several levels. Una, madali akong naka-identify sa mga kaklase niyang nag take ng risk para iwanan ang kanilang mga comfort zones, i-uproot ang kanilang mga sarili at magtrabaho at manirahan ng mag-isa sa ibang bansa. Pangalawa, dama ko ang magkahalong dusa at ligaya na pinagdaanan ng kanyang mga subjects. Hindi naman lahat ng nag-aabroad ay ma-d-drama at puno ng hinagpis ang mga buhay. Tama ang sinabi ng kanyang mga kaibigan na while living abroad has its share of sad and empty moments, it also has its unique joys, thrills and ecstasies. Pangatlo, naintindihan ko rin kung bakit may mga taong kahit kumakatok na ang maraming opportunities para makapangibang bansa ay nagde-desisyon pa ring manatili sa Pilipinas. At hindi lang ito dahil sa eklat na sobrang mahal nila ang kanilang sinilangang bayan, kundi dahil sa nakita nila na ang kanilang mga misyon  sa buhay ay mas matutupad nila ng maigi kung sila ay nasa Pilipinas. Kanya-kanyang style, `yan ika nga.

Hindi ko na ikukwento ang detalye ng mga salaysay ng mga kaibigan ni Rica, pati ang kanyang kakabal na si Raquel, pero ang masasabi ko lang, habang pinapanood ko ang “The Privileged Migrants” tumatak talaga sa isip ko na whether we like it or not,  may magaganap talagang unique na pagbabago sa mga taong nangingibang bansa. Pagbabago na hindi  kayang i-express kapag siya ay nasa Pilipinas lang. Di iisang beses, naipahiwatig ito ng mga subjects na Rica habang kinumusta at inusisa niya ang kanilang mga makukulay na buhay sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Ang magandang balita, sa mga naka-miss ng dokyu ni Ms. Rica, ipapalabas daw ito sa December 1 sa Fully Booked,  230 and 430 pm sa The Fortmigrants in celebration of Overseas Filipinos Month and International Migrants Day. Sa mga nag-iisip mag-abroad, may mga kamag-anak sa abroad o gusto pa ring manatili sa Pinas, nood kayo. Malay nyo, may makuha kayong kakaibang insight.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Events. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s