Hi-Tech World

Sa tinagal-tagal ko ng naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan, ni minsan ay hindi pa ako nakapasok sa loob ng isang electronics company. Medyo ironic kung tutuusin kasi kilala ang bansang ito bilang electronics country. Pero nung isang linggo, nang sinamahan namin ang aming mga workshop participants para mag-observe kung paano pino-produce ang mga gulay gamit ang artificial light, sa wakas ay nakapasok din ako sa isang electronics company. Hindi lang ako na-impress. Napanganga ako talaga ng literal sa kung gaano ka-hi-tech ang building na aming pinasok. Napapanood ko lang ito dati sa mga sci-fi films pero heto ako, parang nasa loob ng isang James Bond movie, o isang character sa “Mission Impossible” ni Tom Cruise. Panay ang wow at hanep ko kasi, totoo naman. Astig sa pagka-hi-tech itong Delta Electronics.

Nasa 31-1 Singbang Road, Guishan Industrial Zone sa Taoyuan City, ang Delta Electronics na itinayo ng Taiwanese na negosyanteng si Mr. Bruce C.H. Cheng ay itinuturing na isang global leader sa power and thermal management solutions. Noong nakaraang taon, ang consolidated sales revenues ng nasabing kompanya ay umabot na sa US$7.1 billion. Mayroon itong mga branches at planta sa China, Thailand, Japan, US at Europe. Maraming produkto ang kompanyang ito: embedded power supplies, mobile power, LED lighting, display and visualizing equipment, electronic components para sa ICT equipment at marami pang iba.

Ang planta sa Taoyuan na aming binisita ay kilala sa kanyang mga eco-friendly features. Mayroon itong mga solar panels na nagiging source ng energy, LED lighting , water resource processing (na galing sa tubig ulan), at renewable energy equipment na nakakatipid daw ng mga NT$5 million sa kuryente kada taon at nakakabawas ng mga 1,000 tonelada ng carbon dioxide emissions na tumutulong sa paglinis ng ating environment. Sa kanilang showroom, may isang malaking wall screen kung saan sa pamamagitan lang ng mga remote buttons ay nakita namin in real time ang images ng kanilang plant operation sa China. Nang pinanood namin ang isang video presentation ng isa sa kanilang mga electronic goods, pinasuot pa kami ng mga 3D glasses. Dinemonstrate din sa amin kung paano nila na-mo-monitor ang energy saving practices ng kanilang mga empleyado gamit ang mga hi-tech meters, CCTV cameras, at kung ano-anong pang equipment.

Nakilala namin ang kanilang marketing officer, isang glamorosa at napaka charming na instik na na-pirate daw ng kompanya sa Google Hong Kong branch. Siya ang nagpaliwanag ng pangkabuuang corporate philosophy ng Delta at ng matapos siyang magsalita, agad kong naunawaan kung bakit siya ni-recruit at na-pirate ng company management.  Hindi lang siya smart. Mayroon syang charisma at magnetic personality.

Syempre nakita namin ang kanilang hydrophonic system–ang soilless gardening na matagal nang na adapt ng mga first world countries gaya ng Japan at Germany. Diumano, ang mga gulay daw na kanilang na-p-produce ang siya mismong ginagamit sa kanilang cafeteria na siya namang i-sine-serve sa kanilang mga daan-daang empleyado na karamihan ay doon na rin nakatira sa katabing company dormitory na parang isang five-star hotel.

Inikot namin ang buong building at di kami pinagbawalang kumuha ng mga pictures.  Lahat ng aming mga tanong ay buong husay na sinagot ng kanilang mga napaka efficient na staff na puro may mga American accent. Antiseptically clean ang buong lugar. Parang lahat ay napahiran ng alcohol. Parang walang namamahay na bacteria sa buong building.

“What do you think about their company?” Tanong sa akin ng isang marine scientist na katabi ko.

“Very impressive,” sagot ko. “They also have excellent public relations,” dugtong ko, sabay tawa.

“Would you like to work in a company like this?” Sumunod niyang tanong.

“Are you kidding me? Of course,” sagot ko. “Although I could just imagine the stress and the pressure that the employees here experience especially during crunch time when they’re working on their respective targets.”

“They have yoga and meditation classes here for that,” sabat niya sa akin.

Pagkatapos nun, bigla kong naisip kung gusto ko nga bang mabuhay sa isang napaka hi-tech na mundo. Kung ito nga bang sinasabi nilang hi-tech world ay makapagpapaligaya sa akin. Ako na mahilig din sa simpleng buhay sa lalawigan, sa daigdig na walang celphone at wi-fi.

“If that’s the case, then I think I can survive,” biro kong sagot. “As long as they give me my reading and writing space, thenDSC_0293 I’ll be fine.”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, Technology, Trends. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s