Ang Kuwento ni Weng

“Bernadette talaga ang pangalan ko, pero tawagin mo na lang akong Weng,” yan ang bungad sa akin ng Pinay na foot reflexologist na tuwang-tuwang nag service sa akin nang mapasyal ako sa isang spa and massage center sa Zhongxiao Fuxing nung linggo foot massageng gabi.  May ilang beses na akong nagpupunta sa spa na ito pero nun lang ako natapat sa isang Pinay na therapist. Nung una’y iniinstik niya ako, pero nang sumagot ako sa wikang ingles, ang una niyang tinanong ay: “Pilipino ka?” Tapos ay nagkatawanan na kami.

Hindi ko agad namukhaan na Pinay si Weng kasi may pagka tsinita siya. Matangkad, maputi at medyo chubby.

Forty-five minutes ang buong foot reflex service at sa loob ng panahong yun, para kaming matagal ng magkaibigan ni Weng. Hindi matigil-tigil ang aming kuwentuhan.

More than 20 years na raw naninirahan at nagtatrabaho sa Taipei si Weng.  From Mandaluyong, dinala siya ng kanyang Taiwanese na asawa sa Taipei at simula noon, mabibilang niya sa kaniyang daliri kung ilang beses lang siyang nakauwi sa Pinas. May isa silang anak na babae na ngayon ay 19 years old na.  Sa Taiwan na rin natutong magsalita, magbasa at magsulat ng instik si Weng.

“Taiwanese ka na pala talaga,” biro ko sa palangiting Pinay na therapist.

“Pinay at heart pa rin,” sagot ni Weng. “Di naman mawawala yun. Ang anak ko nga, dito lumaki pero ang galing mag-Tagalog. Hindi ko siya iniintsik sa bahay. Gusto ko, maisapuso niya na may Pinoy blood siya.

Pagkatapos nun ay tuloy-tuloy lang ang aming Q&A ni Weng. Tinanong ko kung ilang taon na siyang nagmamasahe. More than five years na raw. Dito na raw siya sa Taipei nahasa. “Certified therapist ako Kuya,” paliwanag ng may 40-anyos na Pinay foot reflexologist. “Alam ko ang mga muscle, litid at ugat na dapat hagurin. HIndi pwedeng hindi ko alam kasi pag nagtanong ang mga customer ko, ine-explain ko yan—in Chinese! Hindi basta tao ang mga nagpupunta rito. Mga duktor, lawyer, may mga artista pa. Mga VIP na gaya mo!”

Lakas ng tawa ko kasi Pinay na Pinay talaga ang humor at boladas ni Weng.

Tanong ulit ako: “E di marami kang kaibigang Pinoy dito?”

Saglit na tumigil si Weng. Naging seryoso ang mukha. “Honestly, wala…..Kasi….iba ang mga Pinoy na nakikilala ko rito, e. Mga intrigera. Sila pa mismo ang nanlalaglag sa kanilang mga kababayan. Kaya iwas pusoy ako. Kung sa kakilala, marami. Kuwentuhan lang kami pero yung sasabihin mong kaibigan as in kaibigan talaga? Wala.”

Napukaw nang tuluyan ang aking curiosity sa buhay ni Weng. “E ba’t di ka na umuuwi sa atin?”

Nag-isip ng matagal si Weng bago sumagot: “Na in-love na ako sa Taipei, Kuya. Sa atin, taghirap. Ang gulo. Doon, ilang beses na akong nadudukutan. Dito, kahit madaling araw akong umuwi, walang gumagalaw sa akin. Dito, kitang-kita ko kung saan napupunta ang buwis ng mga tao. Hindi mo naman kailangang maging matalino para maintindihan yun. E sa atin? Noon hanggang ngayon, kurakutan ng kurakutan. Ayoko namang lumabas na nagtataksil sa bansa kasi mahal ko ang Pinas. Dyan tayo pinanganak at lumaki. Pero more than half na rin ng buhay ko, andito ako. Ang laki na rin ng utang na loob ko sa Taiwan, Kuya.”

“So sa palagay mo dito ka na tatanda?”

Tumango si Weng, sabay sabing…”Malamang….ganun na nga. Kasi imbes na umuwi ng Pinas, Nanay ko ang pinapupunta ko rito, e. Porke nga’t Taiwanese citizen na ako, siya ang iniimbitahan kong pumarito”

Saglit na naputol ang usapan namin kasi kinausap si Weng ng kanyang kapwa therapist. Automatic siyang nag-shift from Tagalog to Mandarin at habang pinagmamasdan ko siya, naintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

Pinoy man na nagmamahal sa Pilipinas si Weng, banyaga na rin ang isang bahagi ng kanyang sarili.

Acculturation kung tawagin ng mga social scientists. Deeply acculturated na si Weng.

Nagtanong ulit ako pero dahil sa may kausap nga si Weng, di niya agad ito nakuha.

“Anong sabi mo, Kuya?”

“Sabi ko, ang ibig mo bang sabihin hindi mo na-mi-miss ang Pinas?”

“Di gaano, pero updated ako, Kuya. Araw-araw, nanonood ako ng “24-Oras” sa Youtube. Nasubaybayan ko ang “My Husband’s Lover” from episode one hanggang katapusan. Alam ko na split na sina Luis at Jennylyn at sina Sarah at Matteo na ang bagong loveteam!”

Lakas ulit ng tawa ko. “Sinong Matteo?”

“Guidicelli. Kilala mo yun. Sus, kunyari ka pa.”

“Huwag mo masyadong pisilin ang binti ko,” sabi ko kay Weng.

“Sorry Kuya. Pasensya ka na kasi ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kliyenteng Pinoy. Natuwa naman ako.”

Inintsik niya ang kanyang mga kasamahan habang tinuturo ako. Pansalamantala akong na-lost in translation.

“Ano yun?” tanong ko.

Sabi ko sa kanila, kababayan kita.

Natawa ako. “Obvious ba? Nagtatagalog tayo, maiisip ba nilang instik ako?”

Nagtakip ng bibig si Weng kasi di niya mapigil ang paghalakhak.

“Oo nga pala. Kaloka!”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Ang Kuwento ni Weng

  1. Warren A. says:

    Ang ganda nito Ronald. Naalala ko uli ang Dev Comm days ko. Parang one on one ang kwentuhan mo sa mga babasa nito. Good job!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s