Hashtags

Never pa akong gumamit ng hashtag. Hindi dahil sa hindi ko ito alam o hindi ako marunong. Hindi ko lang ito nakasanayan gawin at di ko rin nakikita ang dahilan kung bakit ko ito kailangang gawin. Pero sabi ko nga sa isang kaibigan, kung tutuusin, the mere fact na nag-b-blog ako at kina-categorize ko ang aking mga topics ay para na rin akong nag-hashtag.

“Well, not exactly,” sabi niya.

Teka, para sa mga ka-henerasyon ko na hindi gaano ka-techie, paliwanag lang natin sandali. Ano nga ba itong mga hashtags? Bakit ito nauso, kinababaliwan at ang sabi ng mga experts, ay inaabuso na raw ng mga adik sa Twitter, Linked In, Facebook, Instagram at iba’t-iba pang uri ng social networking sites.?

Ayon sa Wikipedia at Urban Dictionary, ang hashtag daw ay salita o kulopon ng mga salita na nilalagyan ng # sign sa unahan. Isa itong uri ng metadata tagging, isa ring paraan para ma-grupo ang mga messages. Halimbawa, nag-tweet ako na masarap ang kinain kong blueberry muffin. Ganito mag-a-appear ang aking tweet. “Blueberry muffin with coffee after a meal. Bliss after lunch. #ilovedesserts, #sweettooth, #addictedtomuffins.” Take note na walang space in between words ang mga hashtags. Naka-link ngayon ito sa mga similar tweets of the same nature kaya pag na-click ko  ang isa sa mga ito, iba’t-ibang uri ng messages tungkol sa desserts, sweets at muffins ang lalabas.

Sa ganitong paraan, hindi lang madaling ma-categorize ang mga messages, madali ring malaman kung anong mga topics ang going viral at nag-t-trending sa cyberspace. Mainam nga naman itong tool for research. Parang instant review of related literature, kumabaga sa nag the-thesis.

Una raw itong ginamit ni Stowe Boyd, isang web anthropologist, futurist at author nung August 26, 2007. Lumawig naman ito nung 2009-2010 nang gamitin ito ng mga net citizens bilang paraan ng pag protesta sa mga katiwalian sa eleksyon sa Iran. Noong July 1, 2009, inadapt na ito ng social networking site na Twitter para i-hyperlink ang lahat ng mga hashtags sa mga Tweets. Masyado nga lang itong na-identify sa mga social networking sites, pero ayon sa aking mga nabasa, ginagamit din ito sa stock markets at sa medical research.

Mahirap masakyan ang lahat ng mga ito kung computer illiterate ang iyong kausap, o kaya’y di sya nag t-tweet, walang Facebook at detached siya sa mga kaganapan sa daigdig ng Internet. Pero para sa mga techies, isang bagong lengguwahe ang hashtag. It’s the new form of communication. Kailangan creative ka, marunong kang mag-read between the lines.  You must know how to talk in riddles. Alam mo dapat ang bagong language ng sarcasm, insults, joy, bliss.  Marami na nga itong naging spawns. Kung baga sa mathematical equation, mas naging komplikado na ang proseso ng pagbasa at pag solve ng problem. Bakit? Kasi mayroon na ngayong tinatawag na micro memes (emergent topics for which a hashtag is created). Mayroon na ring tinatawag na smashtag, bashtag, cashtag at kung ano-ano pang tags.

Akala ko ba ang mga kabataan ayaw nila ng mga labels or tags? Sabi ko sa kabarkada kong bagets.

“iba naman yun, Kuya,” sagot niya. “Ito parang napapagkatuwaan lang.” Tapos tinanong niya ako. “Pero kung sabi mo’y di ka naman gumagamit ng hashtag, bakit interesado ka rito?”

“Kasi, interesado ako sa pop culture at sa collective behavior,” paliwanag ko. Kaya nagbabasa ako at inaalam ko ang mga bagay-bagay tungkol dito.

Dun ko nga nalaman na ngayon daw, di lang sa cyberspace ginagamit ang mga hashtags. Pati sa daily conversations, ginagamit na rin nito. Kung di nyo pa alam, go to youtube and search for “hashtag with Jimmy Fallon and Justin Timberlake” at makukuha nyo ang ibig kong sabihin.

Nai-imagine ko nga, darating ang araw na ganito siguro mag-away ang dalawang magkaibigang babae sa daan:

Woman 1: Ba’t di mo pa kasi aminin na selfish ka talaga! Selfish! Hashtag masama ang ugali!

Woman 2: Nagsalita ang hindi selfish. Oy, manalamin ka nga at itanong mo kung sino sa ating dalawa ang selfish? Hashtag, Evil Queen, Hashtag: Magic mirror! Hashtag: Law of Karma!

Woman 1: Nung panahong nag-d-date kayo ni Charlie, sino bang hinihiraman mo ng make-up, di ba ako? Tapos para 200 pesos lang, pinagdadamutan mo ako? Hashtag: Charlie’s bitter exes, Hashtag: Clinique Cosmetics, Hashtag: Madamot to the Max!

May sisingit na isa pang babae.

Woman 3: Magsitigil nga kayo! Para 200 pesos lang, pinag-aawayan nyo pa: Hashtag: Poor, 3rd World, yagit! Hashtag: Cheapipay!

Ang weird!

Thank you, Google images for the pic.hashtags1

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in The Writing Life, Trends. Bookmark the permalink.

2 Responses to Hashtags

  1. Joann says:

    Haha, I’ll be damned! thanks for the enlightenment Ronsky !

  2. Jeannie pacheco says:

    #superfunny #hashtag101: #hashtag4idiots

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s