My Juicing Habit

Simula noong May 2 ng taong ito, araw-araw, gumigising ako ng madaling araw para maghiwa ng iba’t-ibang uri ng gulay at prutas. Ilalagay ko ito sa isang juicer at siya kong iinumin. Ito rin ang aking ritwal sa gabi bago matulog. Walang patid ito, maliban na lang kung mayroon akong official trips. Otherwise, rain or shine, pagod man o puyat, nag-commit na ako sa aking sarili na gumawa at uminom ng iba’t-ibang uri ng fruits and vegetable juices. Dalawang beses na akong nasugatan sa paghihiwa ng mga prutas at gulay. Kilala na ako ng mga tao sa palengke kung saan ako namimili ng aking weekly supply ng fruits and veggies. Masyado na akong at home sa aking juicing habit na itinuturing ko na itong parang normal morning ritual gaya ng panliligo at pagsisipilyo. Parang hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na hindi gumagawa at umiinom ng freshly squeezed juices.

Paano ako nasadlak sa habit na ito? Simula yun nung ma-diagnose ako na hypertensive, mayroong abnormal heartbeat, obese, mataas ang blood sugar, cholesterol, creatinine, uric acid, mahina ang kidneys at kung ano-ano pang kaakibat na sakit ng mga taong tumutulay na sa maalong dagat ng tinatawag na kalagitnaan ng buhay. “You need a lifestyle change,” sabi sa akin ng aking Taiwanese cardiologist. Hindi ako nakatulog nung gabing yun. Pakiramdam ko, ang isang paa ko, nakatungtung na sa pre-departure area patungo sa kabilang buhay kaya bago sumikat ang araw, nag-commit na ako na akapin ang healthy form of living. Di na ako lumingon pa.

Una kong ginawa, nag research ako sa internet. Sangkatutak na testimonials ang aking binasa tungkol sa mga hypertensive na tao at kung paano sila nakikipaglaban sa kanilang karamdaman. Karamihan sa kanila, gumaling dahil sa pag-inom ng mga fresh juices. Nagtanong-tanong din ako. Mga Nanay at Tatay ng mga kaibigan ko na nakaka-chat ko, mga pinsan ng mga dati kong kaklase, halos iisa ang sinasabi. Juicing daw ang sagot.

Sumunod kong ginawa, nag-invest ako sa isang juicer. Iisa lang ang pirming ina-advertise dito sa mga malls sa Taipei, ang Hurom, isang Korean brand na sabi sa akin nung binilhan ko ay pwede daw tumagal ng 20 years. Pikit mata ko syang binili kahit mahal. Bumili rin ako ng magandang chopping board at matalas na kutsilyo. Kinareer ko na ang juicing habit.

Getting cues from my doctor, isa sa kaniyang mga sinabi ay: “Let’s first try to bring down your blood pressure because usually, if we succeed in that, the other ailments would just disappear. In the process, you also need to lose weight.” Bukod sa mga gamot na nireseta niya, nag research pa rin ako ng mga alternative cures. At ayon sa aking mga nabasa at mga napagtanungan, ang mga sumusunod daw ay di lang nakakababa ng blood pressure, nakakabawas din sila ng timbang: carrot, celery, cucumber, parsely, pepper, spinach, tomato, kale, broccoli.

“Ba’t di mo na lang sila kainin?” sabi ng isang kaibigan.

Pwede naman pero ayon nga sa mga internet sources, bago ko makuha ang tamang volume ng mga vitamins at micronutrients, kailangan kong lumulon ng daan-daang kilo ng mga gulay na ito. Iyon daw ang isang advantage ng juicing.  “You get high doses of extremely good nutrients from the extracts of fruits and vegetables.”

Pero may mga nag-warning din. Ingat daw ako sa mga prutas kasi karamihan sa kanila ay mataas ang sugar. “Huwag mangga,” sabi ng isang kaibigan. “Ingat ka rin sa grapes,” dapat mga limang piraso lang.

Iniiba-iba ko ang recipe, pero mayroon akong constant base: ang carrots, celery, cucumber, lemon at apple. Para di ako ma-bore, iniiba-iba ko rin ang kombinasyon. Minsan, apple-guava, celery, kale. May panahon naman na lemon, beet at celery. Mayroon ding, pineapple, apple, orange, carrots at parsely.  Nilalagayan ko rin ito ng ginger para may anghang. Lately, binubudburan ko ito ng tumeric powder at cayenne pepper powder.

Totoong malaking trabaho ang juicing. Parati kang naghuhugas ng juicer. (Hindi ako gumagamit ng dishwashing liquid o sabon kundi baking soda). Bumibilang ng oras ang paghihiwa. Magastos din ang maya’t-maya’y bumibili ng prutas at gulay lalo na nga kung organic pa ang mga ito. 

Pero nung una kong makita ang results ng aking second blood test, alam kong it was all worth it. Nagbabaan lahat: blood pressure, cholesterol, blood sugar, creatinine, etc. etc. Wala na akong sakit sa likod. Wala na rin akong night sweats. Masigla ako the whole day at bihirang antukin. Fifteen pounds na rin ang nabawas sa aking timbang. I owe it big to juicing.

Ate Nette, Judge Grace, Karen, Leah at sa lahat ng mga kaibigan kong nag-email at nag request na talakayin ko naman daw ang juicing, ito ang kuwento.  Tara, join na kayo. Kung nakaya ko, kaya nyo rin!                    Picture courtesy of Google images

juicing

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

6 Responses to My Juicing Habit

  1. Joann says:

    Like you said, it’s a lifestyle change and commitment – both difficult but truly worth it! Keep going, Ronsky!

  2. Classmate,
    I recently started buying organic produce as well. Wala pa sa budget ang Hurom kaya NutriBullet muna ang gamit ko. It’s not quite the same as juicing but I feel healthier and medyo ilag na sa processed food. My green drink consists of kale (which I used to hate), spinach, celery, avocado then ground flax seeds and Maca powder with Almond Milk. It’s good!

    Have you seen the documentary Fat, Sick & Nearly Dead? Check it out on Netflix.🙂

    T

  3. Thanks, Jo, classmate, and all those who sent me private messages and emails. Hindi po ako expert on the subject. Am just sharing my personal experiences with juicing. I am still a work in progress.🙂

  4. Vera says:

    Halos magkasabay lang pala tayong nagsimulang mag-lifestyle change =D Huwag nating bilisan baka pag nagkita tayo we won’t recognize each other na hehehe!

  5. Jean Cabrera says:

    Maganda yang juicing habit na ginagawa mo. totoo yan kasi yung freshness ng mga gulay at prutas at mga sangkap nito ang tutulong para mawala lahat ang sakit natin. Meron din akong high blood, cholesterol, overweight, tryglicerides saka osteoporosis. Naku Ronald ,maraming salamat uli talagang inaaral ko ang mga napupulot ko sa mga artikulo mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s