Paglalayag sa Seoul

 National holiday noong October 3 sa Seoul. Founder’s Day daw, sabi ng isang Amerkanang nakausap ko kahapon sa airport. Iyon pala ang dahilan kung bakit kahit alas otso na ng umaga, walang tao sa kalye at kokonti lang sasakyan ang nag-iikot. Dala ang aking camera, dali-dali akong bumaba sa hotel na tinutuluyan namin at naglakad ng mag-isa sa kalsada. Ito ang pinakagusto kong bahagi ng pagbibiyahe–yung gumagala at naglalakad lang ako ng mag-isa na wala naman talagang nakatakdang destinasyon. Bukas at alert ang lahat ng aking senses. Automatic na nanunumbalik ang aking childlike sense of wonder. Curious ako sa lahat ng bagay.

Mataas na ang sikat ng araw pero wala akong maramdamang init kasi ang lamig ng hangin. Simula na nga ng autumn at sabi nga ng mga Koreano kong kasama, ito raw ang best time para mag-tour sa South Korea. Iginala-gala ko ang aking mata at saka ko na realize na kaya pala ang dami kong nakikitang Korean flags na nakasabit sa mga poste nitong nakaraang apat na araw, iyon ay in preparation  sa national holiday ng mga Koreans. Sa mga benches sa park, ang dami kong nakitang mga matatandang Koreano na nakaupo. Yung ilan ay nagbabasa ng dyaryo. May mga nagsisigarilyo. May isang namang nakapikit at bumubulong-bulong at mayroon namang nakatingin sa kawalan.

Binilisan ko ang aking lakad at nakita ko sa unahan ko. May mag-asawang Caucasian na naglalakad din. Kasama nila ang kanilang anak na sa tingin  ko’y mga apat na taong gulang lang. Nilagpasan ko sila hanggang sa inagaw ng aking atensyon ang isang magandang sculpture. Tumigil ako para kunan ito ng picture. Sumunod sa akin ang Caucasian na lalaki at kinunan din niya ng picture ang sculpture. Ngumiti sya sa akin at nagsabing, “beautiful, eh?”

“Yeah,” nakangiti kong sagot. Lumapit sa akin ang anak nyang lalaki at tinutok ko ang camera ko sa mukha niya.

“No!’ napasigaw ang bata, sabay nag-cross ng kanyang kamay.

“I’m sorry,” sabi ko sa bata.

Kinausap ng ama ang kaniyang anak. “It’s okay, honey, the man’s a nice, friendly guy.”

Ang daling kausap nung bata. Automatic syang nag-shift ng mood. Ngumiti na sya sa akin at nag pose.

Tuloy-tuloy akong naglakad at nagmasid-masid. Parang lahat ng makita ko, nang-aagaw ng atensyon. Ang mga gusali, tindahan, maliliit na coffee shops, mga bulaklak sa mga bintana at mga naghahalakhakang teen-agers sa daan. Ngayon lang ako nakalakad sa isang Asian city ng ganitong ka-relaxed, sabi ko sa sarili. Sa loob ng 20 minuto, wala pang 30 tao ang nakasalubong ko. Two years ago, nasulat ko na sa blog na ito na kumbaga sa kaibigan, ang dali kong nakapalagayan ang lungsod ng Seoul.  At ngayon na muli kong binisita ang aking kaibigan, parang walang namagitang distansya sa amin. Ang saya at ang gaan ng loob kong nakita at nakumusta ko siyang muli.038

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels, Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to Paglalayag sa Seoul

  1. Jean Cabrera says:

    ang ganda ng Seoul tataas ng skycrapers, para ding makati pero mas matataas ang buildings nila. well travelled ka na talaga Ronald buti naman at natatandaan lahat ang mga ito. ganyan talaga ang mga manunulat saludo na naman ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s