Su Shi Tien Di

Hindi ko alam kung tama ang aking Pinyin, pero yan ang tunog ng pangalan ng restaurant na kinakainan ko tuwing tanghali sa loob ng halos apat na buwan–Su Shi Tien Di, na ang ibig daw sabihin ay “Vegetarian Paradise.” Hindi ako vegetarian. Hindi ko rin alam kung magiging totoong vegetarian na ako sa  pangmatagalan, pero dito sa buffet restaurant na Su Shi Tien Di, naging at home na ako na kumain ng iba’t-ibang klase ng gulay at veggie meats.  Pitong minuto akong naglalakad mula sa aming opisina bago ko marating ang Su Shi Tien Di. Sinisigurado kong naandoon na ako before 12 noon kasi puno lagi ang restaurant na ito.

Mayroon daw mahigit sa 2000 vegetarian restaurants sa buong Taipei, pero tila nakakaangat sa kompetisyon itong Su Shi Tien Di dahil accessible ito. Malapit kasi siya sa university belt. Reasonable din ang presyo ng pagkain, at para sa mga health buffs, mabenta ang claim ng mga may-ari na hindi sila gumagamit ng MSG o vetsin.

Mahaba ang buffet table kung saan nakahain ang siguro’y halos mga 80 potahe ng iba’t-ibang klase ng gulay. May signage sila na nakasulat sa wikang intsik at ingles na nagsasabing “for hygenic purposes, please do not talk while picking your food.” Iba’t-ibang kulay ng gulay ang nakahain sa malalaking bandehado pero nangingibabaw ang greens na karamihan ay steamed lamang: pechay, repolyo, okra, broccoli,  kale, kangkong, etc. Mayroon ding kamote, bell pepper, ampalaya at kalabasa. Sa isang sulok, nandoon naman ang mga vegetarian noodles. May kanton, bihon at sotanghon. Mayroon ding vegetarian pizza, hamburger, chicken curry na pawang gawa sa tofu at vegetarian meats. Sa tinagal-tagal ko ng kumakain dito, natikman ko na silang lahat, mapwera na lang sa kanilang mga desserts dahil ang tingin ko ay puro ito carbs at sugar.

Inaamin kong bumilang ng linggo bago ako nasanay sa lasa ng mga vegetarian dishes pero nang kinalaunan ay nakahiligan ko na rin ang pagkain ng mga ito. “Acquired taste,” sabi ko nga sa isang kaibigan. Hindi lumalagpas sa $NT120 ang aking bill bagama’t nitong nakaraang linggo, pumapalo lang ang aking nakakain sa $NT60-$NT90.

Nahahati sa apat na grupo ang crowd ng Su Shi Tien Di. Nandyan ang mga estudyante. Mayroon ding mga foreigners na tulad ko, although ang karamihan ay mga Caucasians. Nandyan din ang mga senior citizens at pang-huli ang mga Buddhist monks. Ang feeling ko nga, mga Buddhists din ang may ari ng restaurant na ito dahil ang daming painting ni Buddha na nakasabit sa wall ng restaurant. Medyo nakakatawa nga lang kasi paulit-ulit na lang na pinatutugtog nila sa kanilang piped in music ang 1988 na “Silhouette” album ni Kenny G na sawang-sawa na akong pakinggan.

Nung isang araw, nag-iisa ako sa mesa nang biglang nilapitan ako ng anim na mga monks. Marunong silang mag-ingles at tinanong nila kung pwede daw silang maki-share. Syempre, sabi ko oo. Kumain kaming lahat na tahimik. Walang nagsasalita. Walang kumakalansing na mga kubyertos kasi wooden chopsticks ang gamit naming lahat.

Hindi ko ma take ang aming walang usapang kainan. Hindi ako makatiis. Kinausap ko sila. Dun ko nga nalaman na Su Shi Tien Di ang pangalan ng vegetarian restaurant na ito at di nga raw ito gumagamit ng MSG.

“Su means vegetarian in Chinese,” sabi ng isang pala ngiting monk. “Do you like vegetables?”

“Obviously,” pabirong sagot ko. “Otherwise, I would be eating meat somewhere.”

Nagtawanan silang lahat.

“You’re very funny,” sabi nung isang bagets na monk.

Nangiti na rin ako.

Tingnan mo nga naman, sabi ko sa sarili. Am having lunch and joking  with the monks!   Thank you Google images for the picveggiebuffet

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Su Shi Tien Di

  1. Jean Cabrera says:

    ok ang gulay sa atin kc sanay ang sikmura natin jan. masarap silang magsteam me lahok bang salsa ayos na ayos. gusto ko yan, dini nga ampalaya na gisa namn ang paborito ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s