Aldrich: The Gensan Wonder

Gaya ng kanyang naunang video na naka apat na milyong hits na raw sa Youtube, nagiging viral na rin ang paglaganap ng pangalawa niyang video kung saan ang new teen-age boy wonder ng Gensan na si Aldrich Lloyd Talonding, kasama ang kanyang gitaristang pinsang si James Walter Bucong, ay naging guest kamakailan sa “The Ellen De Generes Show.” Apat na buwan simula ng ma-i-post ang kanyang version ng 2003 hit na “Dance with My Father” na  unang kinanta ni Lunder Vandross,  nagkaroon na agad ng US TV debut ang mag-pinsan.

Sari-sari ang nagiging reaction ng mga tao sa Facebook kung saan naka-“share” ang  halos 5 minute na video clip ng  interview at musical performance ng magpinsan.  Lahat ay feeling proud at naantig sa pagkanta ng 14 na taong si Talonding ng parehong Lunder Vandross hit. May naluha dahil sa pagkapareho ng lyrics ng kanta sa totoong buhay ni Aldrich na ibinida niya kay Ellen. Buhay pa raw noon ang kanyang ama at hindi pa nakaratay sa ikinamatay niyang sakit na Hodgkins lymphoma, ine-encourage na raw ng Tatay ni Aldrich na ipagpatuloy niya ang kanyang pagkanta. Kaya ang “Dance with My Father” ay parang naging personal tribute na rin ni Aldrich sa kanyang namayapang ama.

Mayroon namang humanga sa husay ng facility ni Aldrich sa wikang ingles. “Parang hindi siya promdi,” comment ng isang Facebook follower. May nag-second the motion naman. “Ang galing ng enunciation niya!”

May nagsabi naman na tinalo ni Aldrich ang lahat ng mga contestants ng “Voice of the Philippines.” Ikaw na nga naman ang ma-pansin ni Ellen, mapadala sa US ng libre, mabigyan ng piano, gitara, US$10,000 at kung ano-ano pang freebies. “Aba, mag-post na rin tayo ng ating kanta,” sabi ng isang Facebook friend. “Who knows, ma-Aldrich din tayo.”

May nakakatawa ring reaction.  To quote one of my FB friends:  “I’m convinced Ellen De Generes owns an entertainment/manpower/recruitment agency somewhere in Manila.” Oo nga naman. Mula kay Charice, hanggang kay Aldrich, sino pa kaya ang susunod na i-re-recruit ng sikat na American talk show host?

Nakakatuwang isipin kung paano nababago ng buhay ang isang inosenteng Youtube post. Four months ago, paglakarin mo si Talonding at ang kanyang pinsan sa mall at walang papansin sa kanila. Ngayon, kuwento nga ni Aldrich kay Ellen, “they even recognize me in restrooms!”

Pinanood ko ulit ang Youtube posting ni Aldrich kaninang tanghali at minsan na naman akong na-convince sa pambihira niyang boses at talent. Dama niya ang kanta kaya tumatagos din ito sa sinumang makakarinig sa kanya. Sana lang ay hindi flash in the pan ang kasikatan ni Aldrich. Na marami pa siyang maantig. Na magamit pa niya ang kanyang talent sa mas marami at mabuting paraan.

aldrichSyangapala, napuna ng isang kaibigan. Pag pinanood nyo ulit ang 4:59 minutes na video ni Aldrich. I-pause nyo ito sa 3:52. Makikita ninyo si Aga Mulach sa audience. Naka orange shirt sya. Thank you, Margarette Castro for pointing that out.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Music, Personalities. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s