A Whole New World

Kahapon, nag-log-in na naman ng bagong kabanata ang aking makulay na buhay. Nakasalamuha ko ang mga country representatives ng iba’t-ibang bansa na naka-base dito sa Taipei. Habang nakikipag-kamay ako at nag-aabot ng aking business card sa may 40 mga diplomats, kasama ang kanilang maybahay, naiiling at natatawa ako sa aking sarili. Hinding-hindi ko ito plinano, bulong ng utak ko. Pero heto ako, panay ang ngiti, trying to make small talk and putting my best foot forward, ika nga. Paano nga ba ako napunta rito? Tanong ko sa sarili. Ah, oo, si Joyce, sagot ng isang bahagi ng utak ko. Ang Taiwanese kong ka-opisinang si Joyce ang may kagagawan nito. Instantly, parang pelikulang nag-flashback ang lahat.

May dalawang linggo na ang nakakaraan, nag fax sa aming opisina ang Institute of Diplomacy and International Affairs. Magbubukas sila ng libreng Mandarin Studies at komo international organization nga ang aming opisina, nakalista ang aming organisasyon  sa kanilang database. Dalawa kaming nilapitan ni Joyce at tinanong kung interesado raw kaming mag-enroll sa programa. Libre naman daw kaya walang problema. Kinapapalooban ng 24 na sessions ang isang semester at may kasunod pa ito kung gugustuhin naming seryosohin ang programa. Nag-decline ang kasama kong Koreano kasi naka enroll na sya ngayon at nag-aaral ng Mandarin sa Chinese Cultural University. Nang ako ang tinanong. di na ako tumanggi.

Nang panahong yun, di pa nag-si-sink sa akin na mga ambassadors nga at country representatives ng iba’t-ibang bansa ang aking makakasalamuha. Marahil ay mga staff lang nila ang kanilang ipapadala, sabi ko sa sarili. Pero nang pumasok ako sa malaking meeting room kahapon sa 4th floor ng  IDIA building sa Dunhua South Road, ang unang pumasok sa utak ko nang makita ko ang malaking crowd ay: “Shyet, hindi ako nakabihis ng maayos!” Kasi naman, walang nagsabi sa akin na naka-formal business attire pala ang mga taong ito. Naka-coat and tie lahat ng mga lalaki at nagkikisplapan ang alahas ng mga kababaihan habang ako ay naka casual na slacks at short polo sleeves lang. Di bale, sabi ko. The show must go on.

And on it went. Nag-welcome remarks ang Director ng institute. Nagpaliwanag ng kanilang mga objectives at misyon sa buhay. Winelcome kaming lahat. Pagkatapos ay pinakilala ang mga teachers na magtuturo sa amin. Noon ko lang nalaman na hindi pala kami magkakasama sa iisang klase.  Na ako ay nabibilang sa class G1. Beginner’s level. Makalipas ang ilan pang announcements, nag-call ng coffee break. Dito na ngayon kami nagkamayan at nagpakilala sa isa’t-isa.

Una akong nakipagkuwentuhan sa director ng Spanish Chamber of Commerce. Isang middle-aged na palangiting mama na tuwang-tuwa nang malaman niyang Pilipino ako. Panay ang tanong kung naapektuhan daw ba ako ng recent Taiwan-Philippine dispute. Kumusta na raw ang mga biktima ng baha at kung nakapunta na raw ba ako sa Instituto Cervantes sa Maynila.  Mahusay ako sa mga ganitong uri ng tsikahan. Hindi ko alam kung paano ko na-develop ang ganitong uri ng  social skills pero aminado ako na kahit ako ay nagugulat din sa aking sarili minsan. Nakausap ko rin ang mga tiga Malaysian embassy, Costa Rica at Indonesia bago kami pinaghiwa-hiwalay sa iba’t-ibang classroom.

Anim lang kami sa beginner’s class at agad kaming naging komportable sa isa’t-isa. Dalawa lang kaming lalaki–ako at ang Ambassador ng Czech Republic at apat na maybahay ng mga Ambasador ng India, Costa Rica, United States at Burkina Faso. Si Ms. Fang, ang aming teacher, ay nagulat din ng malaman niyang Pinoy ako. “My boss is Filipino,” sabi niya. “He’s very kind.”

We went through the motions. Ang ABC ng Mandarin language na ilang beses ko ng narinig nang una akong kumuha ng kursong basic Mandarin course dalawang taon na ang nakakaraan. Di ko na nga  ito natuloy  noon dahil hindi kaya ng schedule ko ang umattend ng araw-araw na klase. Masaya namang naidaos ang sumunod na dalawang oras dahil maraming interactive games na ipinagawa sa amin ng aming teacher.

“So how was it?” Tanong sa akin nung wife ng US Rep. nang magkasabay kami sa elevator pababa. Sinabi kong nag-enjoy ako pero nag-wo-worry din kako ako dahil baka di ako maka-attend ng mga susunod na session gawa ng aking mga opisyal na biyahe sa susunod na buwan. Sumagot siya na kausapin ko raw at ipaliwanag sa teacher namin ang aking sitwasyon. “We all have to finish the course,” sabi niya.

Sa aking paglalakad pauwi, napaisip ulit ako kung matatapos ko nga ba ang kursong ito. Kursong wala naman akong ka-plano-plano ay parang inihain na lang sa akin. Saan ko ba nabasa yun? Kapag may mga magaganda raw  na pangyayari sa buhay mo na kusa na lang dumarating, huwag mo itong tatanggihan. Magpadala ka na lang sa agos, dahil may nakatago raw na mensahe ang kapalaran sa yo.

Keeping my fingers crossed habang naglalakad, napa “sana nga” na lang ako sabay biglang tigil. May bumusina kasing motorsiklo sa harap ko nungflags papatawid ako ng pedestrian lane.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to A Whole New World

  1. Caesar Vallejos says:

    Lalo na kapag may hawak kang red wine at nakikita mo si Mrs. Sarmiento at Mrs. Gozon —-Mahusay ako sa mga ganitong uri ng tsikahan. Hindi ko alam kung paano ko na-develop ang ganitong uri ng social skills pero aminado ako na kahit ako ay nagugulat din sa aking sarili minsan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s