U Bikes

Taong 2009 nang unang pinairal ang U-Bike rental system dito sa Taipei. Last year ko lang talagang na-experience na mag-bisikleta sa lungsod gamit ang U-bike kasama ang aking mga kaibigang dayuhan. Inikot namin ang buong Xinyi district mula alas nuwebe ng gabi hanggang mga ala-una ng umaga. First time ko noong mag-bisikleta sa loob ng mahigit na siyam na taon kaya parang may nabuksang portal sa aking utak. Totoo nga pala na hindi mo makakalimutan ang pagbibisekleta kahit ilang taon mo na itong hindi ginagawa. Para akong ibong nakawala sa hawla. HIndi naman ako gaanong nahirapan kasi very bike friendly ng lungsod ng Taipei. May mga bike lanes, special dual sidewalks at slow traffic lanes kaya madaling makapag-ikot gamit ang mga Giant brand ng bisikleta na siyang tatak ng U-bike rental system. Bahagi ito ng pag-p-promote ng pamahalaan ng tinatawag na “Green Transportation” sa lungsod kasama na ang paggamit ng mga efficient mass transport systems gaya ng MRT at mga bus.

Ayon sa China Post, sa kasalukuyan, mayroon daw 2,324 U bike stations sa buong Taipei. Noong buwan ng Mayo, mahigit na 792,000 na bisikleta ang matatagpuan sa buong lungsod. Sa isang araw, may average na 34,000 na mga tao ang umaarkila ng mga bisikleta gamit ang kanilang mga Easy Card, na i-re-register nila sa mga computerized kiosks na matatagpuan sa bawa’t bike station. Libre ang unang 30 minutes ng pagbibisikleta. Pagkatapos noon, NT$10 o Php14.50 ang rate kada kalahating oras. Automatic itong nababawas sa Easy Card. Pagtapos ka nang magbisikleta, i-pa-park mo ito gamit ang isang magnetic lock sa kahit na anong U Bike station. Pag tinapat mo ang yong Easy Card sa sensor ng parking magnetic lock, makikita mo kung magkano ang nakaltas sa paggamit mo ng bisekleta.

Paano ma-t-trace ang bisikleta kung may makaisip na mag-uwi nito o nakawin ito? Sa registration pa lang ng Easy Card, hihingin na agad ang iyong pangalan at telephone number kaya naka-encode na ito sa computerized database ng buong U Bike system. Madali ngayong ma-trace kung may nawawalang bisikleta.

Ilang beses ko nang nagamit ang U Bike kapag ako’y nagmamadali at wala agad akong maparang taxi o kaya’y ang tagal maghintay sa bus. Ginagamit ko rin ito pagpunta sa grocery at pag gusto kong mag-jogging sa park o kaya’y mag exercise.  Ang problema lang, sa dami nang gumagamit ng mga bisikletang ito, pilahan din minsan sa paghihintay. Sa katunayan, sa Xinyi district kung saan naroon ang Taipei 101, ubos lagi sa parking lot ang mga U Bikes lalo na kapag mag-hahatinggabi na.

Matagal ko nang pinag-mumuni-munian kung uubra ba ang U Bike rental system sa Maynila at parati akong naiiling. Mukhang malabo yata  itong maipatupad dahil sa ating safety at security problem. Nakikini-kinita ko na. Masarap na ulam ang tingin ng mga buwitreng magnanakaw ng bisikleta sa mga U Bikes pag nagkataon. Kawawa ang mga bikers kasi pwede silang tutukan ng patalim habang sila ay nagbibisikleta. Pwede ring i-chop-chop ang mga bikes at ibenta ng mahal ang mga spare parts nito. Siguro’y maaari itong ipatupad sa ilang mga safe routes sa Maynila pero mas maraming safety measures ang dapat idagdag. Maganda sanang pag-aralan kung papaano maipapatupad ang sistemang ito sa ating bansa, pero pagbali-baliktarin ko man ang utak ko, iisa lagi ang sumisgaw na sagot: HIndi ito pwede sa Pinas. At least hindi pa sa ngayon.   Salamat Google images sa larawan.

UBike2

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s