Gym Life

“Push, push, push!”

“Common Ronald, you can do it!”

“Just five more–five, four, three, two one. Excellent!”

Tatlong beses isang linggo, ito ang naririnig ko sa aking trainer na si Mr. Liu, na kilala rin sa pangalang George. American born Chinese si George at kamakailan lang ay umuwi na sa Taiwan para magtrabaho sa World Gym, kung saan ako nag-wo-workout ng mahigit na halos dalawang buwan. Mabait si George pero istrikto. Hindi siya gaanong naniniwala sa mga gym equipment kaya kalimitan sa aking exercises ay buong katawan ko lang ang aking gamit. Core training kung tawagin niya ito. At habang ako ay nag pu-push up, o nag-b-boxing, o nag-j-jumping jacks, tatanungin ako ni George. “Tell me what you ate the whole day.” Magsisimula naman akong mag-enumerate ng mga kinain ko mula umaga hanggang hapunan at mag-re-react sya sa mga ito.

“Milk? I told you not to drink milk! No dairy products.”

Mangagatuwiran naman ako: “But George, it’s non-fat.”

I don’t care if it’s non-fat, stay away from milk and cheeses and yogurt. And please, no more pasta.

Kung ibang tao ang nagsabi noon, maiinis ako sa kanya. Pero yun ang trabaho ni George, ang pakialaman ang diet at exercise ko. Pinangangako daw nya na magiging fit ako as long as umattend ako regularly ng mga workout sessions namin pero ang hindi daw niya kontrolado ay ang pagkain ko kasi hindi naman niya ako kasama 24-hours a day. “So please…cooperate if you want to succeed.”

Kung workout at workout din lang ang pag-uusapan, masasabi kong ito na ang pinakamatinding workout na naggawa ko sa buong buhay ko. Noong unang linggo, hindi ako makabangon sa sakit ng katawan ko. Pag may umakbay sa akin, napapasigaw ako sa tindi ng sakit ng balikat ko. Halos gumapang ako mula kama hanggang banyo dahil daig ko pa ang binugbog pero na-warningan na niya ako tungkol dito kaya hindi na ako nagtataka. “Your whole body will feel sore for a few couple of weeks but you’ll gain your strength soon.”

Na totoo nga naman. Wala pang tatlong linggo, hindi na ako humihingal kapag umaakyat ako ng hagdan. Nakakapagtali na ako ng aking shoelaces ng walang ka-effort effort. Nakakapag-cross legs na rin ako–isang bagay na hindi ko dati maggawa nung balot na balot ng taba ang katawan ko. Hindi na rin ako inaantok sa office. At ang pinakamasaya, ang sarap sarap ng pakiramdam ko pagkatapos ng isang oras na workout session.

Pero may mga pagkakataon din na tamad na tamad akong mag-workout,  na ang pakiramdam ko ay may sinat at lagnat ako. Pero pag naiisip ko kung gaano kamahal ang binabayad ko sa gym at sa aking trainer, automatic akong sinisipag. Nireklamo ko nga ito sa matalik kong kaibigan na si Jean nang minsan ko syang makausap. “Nagkamali yata ako sa decision  ko na mag-gym,” sabi ko. “Ang mahal kasi.”

“Ano ka ba?” sagot ni Jean. “Isipin mo na lang, na yung dapat na ibabayad mo sa ospital pag nagkasakit ka e diyan mo na lang ibubuhos sa gym. Healthy ka pa!”

Oo nga naman.

Nung isang araw, habang ginagawa ko ang aking mga routinary exercises, iginala ko ang mata ko sa mga taong nasa gym. Siguro mga 65% sa kanila ay mga retired senior citizens na. Mga lolo at lola na kay lalakas pang nagbubuhat ng weights, nag-t-treadmill, nag-b-boxing at umaattend ng spinning class. Parang wala silang kapaguran.

Naalala ko nang minsang hirap na hirap na akong mag push ups, sinabii ko kay George na kung pwede, mag-break muna kami.

“No, you have to maintain your fast heart rate. That’s the way you burn fat.”

Nangatuwiran na naman ako. “But I’m not a spring chicken anymore!”

“Do you see that man? He’s 82 and he can still lounge and plank and box better than you.”

Oo nga naman, sabi ko sa sarili. No pain, no gain. O sya,  e di tuloy ang laban.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Thank you, http://www.worldgymchallenge.com for the photo

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
Image | This entry was posted in Health, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

3 Responses to Gym Life

  1. Vera says:

    Just the other day I went to a gym near our office and inquired about their monthly rate. Ang labas eh mas mura ang quarterly rate nila so…go-go-go na ako next week. Ang lagay eh, I’m back to my weight 2 years ago but flabbier.

  2. Caesar Vallejos says:

    I’m so fat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s