Si Ryzza, si Krissy at si Bimby

Napanood ko kagabi sa Youtube ang unang guesting ng kontrobersyal na mag-inang Kris at Bimby Aquino sa show ng eight-years old at latest child sensation ng Pilipinas—si Ryzza Mae Dizon. Noon lang ako nakahalakhak ng mag-isa ng  ganoong kalakas sa loob ng halos isang buwan. Nakaka-amuse at nakakaaliw ang kanilang spontaneous na batuhan ng punchlines.  Twenty-five minutes lang ang napanood kong featured segment sa Youtube, pero sapat na yun para masabi kong sa kabila ng kanilang pagkakaiba, mayroon silang chemistry.

Kung tutuusin parang isang lab experiment ang particular segment na ito ng “The Ryzza Mae Show.” Una,  first time daw na nagkita ang tatlong bibo at outspoken celebrities, kung saan dalawa sa kanila ay mga paslit pa. Dahil dito, aabangan mo talaga kung paano sila mag-b-blend. Pangalawa, magkaiba ang social background ng mag-inang Aquino kumpara sa batang si Ryzza Mae kaya mas nakadagdag pa ito sa unpredictability ng kanilang konbersasyon.

Bagama’t obvious na may sinusunod na script ang batang si Ryzza, malimit ay lumalabas ding parang hndi rehearsed ang kanyang mga spiels dahil sa kanyang mga mabibilis, witty at spontaneous reaction sa sagot ng kanyang mga guests. Halimbawa, nang minsang ma-guest niya si Ruffa Gutierrez at tinanong niya ito ng: “Nasaan po ba ang asawa nyo” Sumagot si Ruffa ng “Andun siya sa Turkey.” Automatic agad na nag-react si Ryzza “Ay, OFW din po siya?” Itong mga ganitong uri ng exchanges ang nakaka-endear sa dating Little Miss Philippines sa kanyang mga dumaraming  fans araw-araw.

Sa simula ng balitaktakan nila ni Kris, puring-puri ni Ryzza ang tinaguriang Queen of Talk dahil napakaganda at napakaputi raw nito. Nang sabihin ni Kris na naglalagay daw sya ng Olay sa mukha, agad na sinabihan ni Ryzza ang kanyang Nanay na naka-offcam. “Ma, mag-Olay ka na lang para maging kamukha ka ni Tita Kris!”

Sunod nilang pinag-usapan ang pagbibiyahe kung saan naikwento ni Ryzza ang recent trip nya sa Hong Kong. “Saan-saan ka pa nakapunta bukod sa Hong Kong?” curious na tinanong  ni Kris.

“Sa Broadway po.”

“New York?” sabat ni Kris.

“Centrum po”

Nang pumasok ang six-year-old na si Bimby at nakipagkamay ito sa batang si Ryzza, ayaw magpahawak ng kamay ang bibo at pilyang bata. “Conservative ako, e. Pero kiss pwede.”

Sa patalon-talon ng topic ng kanilang usapan, obvious na di agad makasabay si Ryzza sa pinag-uusapan ng mag-ina dahil bukod sa inglisero ang pamangkin ni P-Noy, hindi nya agad masakyan ang kanilang marangyang lifestyle. Unang una, gulat na gulat si Kris dahil sa batang edad, sinabi ni Ryzza na umiinom sya ng kape.

“Starbucks o 3-in-one?” Tanong ni Kris.

“3 in one po. Noon, nangungutang po kami sa tindahan. Pisong asukal, pisong kape at pisong gatas. Wala po kaming pera e. Ikaw Bimby, ano’ng kinakain mo?”

Agad namang sumagot si Bimby: “Chicken, rice, gravy, mushroom soup,”

“Ano ba yun? Di ko alam yun!” sabi ni Ryzza. Nag-suggest si Ryzza na imbes na cheese ang palaman ay isawsaw na lang daw ni Bimby ang tinapay sa kape,” agad ding sumabat si Bimby. “I don’t like.”

Nagpatalon-talon ang kanilang usapan sa mga video games, sa pagsakay sa MRT at pedicab, mga favorite songs, pag pronounce ng salitang “carbonara” at marami pang iba pero sa kanilang mga sagot, obvious na sheltered ang  apo nina Cory at Ninoy kumpara sa mas exposed na daigdig ni Ryzza.

Ang kaibahan nga lang. Mas bibo si Ryzza. Hindi marunong matupi. Mas mabilis mag-adapt sa kanyang kapaligiran.

“She’s strong,” sabi bi Bimby ng tanungin ni Kris kung paano niya ma-de-describe ang bata na diumano ay makakasama na nila sa isang pelikula kasama si Vic Sotto.

“Sabi ni Bimby, strong ka daw Ryzza kasi at your age, you can carry a show alone! Basta ang goal natin, at the end of our movie dapat magaling ka ng mag-English at si Bimby, dapat kasing galing mo ng mag-Tagalog.”

Automatic na nag-react agad si Ryzza: “English? Uy, nosebleed!”

The_Ryzza_Mae_Show

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Personalities, TV. Bookmark the permalink.

2 Responses to Si Ryzza, si Krissy at si Bimby

  1. onip pino says:

    na air na ba ito? the last episode i watched in parts yung guest si Pip…nice account ‘nald! share ko hihihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s