Kitchen of the World

Sa pang-lima kong biyahe sa Thailand, bagama’t di na naman ako nakagala dahil sa ito ay official travel, pagkain naman ang parang naging kapalit ng dapat sana ay relaxation at pamamasyal. Malaking bahagi ng sarili ko ay hindi natutuwa sa mga pangyayaring ito dahil ilang buwan na akong pilit na nagbabawas ng timbang. Pero yung isang bahagi naman ng utak ko ay tahimik na natutuwa at pumapalakpak dahil kahit kelan, hindi pa ako na-disappoint sa Thai food. Malasa, nakakagising, kumakagat, gumuguhit. Halo–halong antas ng sarap sa pinaghalo-halo ring lasa ng anghang, asim, alat, tamis at manaka-nakang pait ang laging bumubulaga sa akin mula agahan hanggang hapunan simula nang dumating kami sa Bangkok nung Lunes ng hapon. Kalimitan pa nga ay buffet style pa ang aming mga meals kaya naman bawa’t subo, nguya at lunok ko ng pad thai, o kao man kai o phat thai kung ay nakokonsensya ako.

Nung Miyerkules ng gabi, kumain kami sa Pola-Pola restaurant sa Ngamngongwan street, na halos katapat lang ng Kasetsart University. Dito ako nabondat ng husto dahil di hamak na mas masarap ang mga potahe dito kesa tinitirhan naming hotel. Noon lang ako nakatikim ng sabaw ng steamed seabass na hinaluan ng lemongrass at halos napaangat ako sa aking kinauupuan ng magtama ang mainit na lasa ng asim, alat at tamis sa aking dila. Bago ko pa man masabing “it’s so delicious,” naunahan na ako ng aking katapat na Taiwanese na halos di makapaniwala sa sarap ng potaheng kanyang natikman.

“Naku, tikman mo ito,” bulong sa akin ni Lu-che, ang bago kong kaibigang Pinay na mahigit nang sampung taon na naninirahan sa Thailand at expert na sa Thai cuisine.

“Ano yan?” tanong ko, habang iniaabot niya sa akin ang isang uri ng fried rice. Agad kong tinikman ang fried rice na kulay dilaw at may halong maliliit na hiwa ng sili, green peas at hipon. Bagama’t sanay na ako sa lasa ng chao fan sa Taiwan, ibang lasa naman ang sumorpresa sa akin.

“Ang sarap! Wagi!” bulong ko kay Lu-che.

“Sabi ko sa yo, malilimutan mo ang pangalan mo sa sarap,” biro ni Lu-che, sabay halakhak. “May halo syang fresh crab strips,” paliwanag ng kasama kong Ilongga. “Yan ang nagbibigay ng kakaibang lasa.”

Hindi ko na matandaan ang pangalan ng mga potaheng isinilbi sa amin. Ang naalala ko lang, halos di matapos-tapos ang lapag ng mga waiters ng kung ano-anong klase ng Thai food. Mayroong sinabawan ng gata ng niyog, mayroong binudburan ng lemon, luya, kafir at galangga leaves. Halos lahat may halong sili kaya maanghang. Nakakatuwa dahil iba’t-iba kaming lahi na kumakain sa iisang mahabang mesa. May Vietnamese, Korean, Taiwanese at Japanese pero lahat kami ay tumatango, umaayon at pumupuri sa aming mga hosts na Thai dahil sa sarap ng pagkaing inihain sa amin.

Bumulong ulit ako kay Lu-che. “Naniniwala na ako sa nakasulat sa Thailand’s Tourism brochure,” sabi ko. “It’s really the kitchen of the world.”

Natawa si Lu-che. “Sinabi mo pa!”

Napansin ko nga, kahit yung mga prutas na sinilbi sa amin ay mas malalasa at matatamis, lalo na yung dragon fruit na hindi naman ako masyadong nasasarapan kapag kinakain ko ito sa Taiwan dahil parang wala itong lasa. Pero sa Bangkok, nakakakain ako ng maraming dragon fruit dahil sa taglay nitong tamis.

Nung Huwebes, nang pumasyal kami sa Sampran Riverside, isang family-owned eco-tourism park sa Nakorn Pathon, kung saan umikot kami sa isang organic farm, nagsilbi ang aming mga hosts ng malamig na sabaw ng sariwang buko, mga prutas gaya ng papaya, mangga at dragon fruit at iba’t-ibang klase ng tsaa. Napakasimple lang ng meriendang yun pero hindi ko ito malilimutan dahil totoong nakakatanggal ng pagod ang mga pagkain at inuming isinilbi sa amin, bukod sa ang ganda-ganda pa ng presentation ng mga ito.

Kahit pa sabihing nakakainit ng ulo ang tila palala ng palalang traffic sa Bangkok, at nakakataas ng blood pressure ang mainit at humid na climate sa lungsod, nababawi naman ang lahat ng thai-foodito sa sarap ng Thai food. Pagkain pa lang, masasabi kong it was all worth the trip.

Thank you, Google images for the pic.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Travels. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s