Konyo

Nung isang araw, sa pang lima kong beses na pag-akyat sa elephant mountain, may nakilala ako at ang aking mga kaibigan na iba pang mga Pinoy. Mababait naman sila pero nang matapos kaming mag-engage in small talk sa grupong ito ng mga kabataang Pinoy, at nag-usap-usap na kaming magkakaibigan matapos magpaalam sa kanila, pare-pareho ang aming assessment. May pagka-konyo sila. Sa pananalita at pagkilos, malayo ang wavelength nila sa mga masa. Yung tipo ng mga taong hindi mo mapapasakay sa pedicab, di mapapakain ng banana cue at di mo kailanman mapapanood ng pelikulang Tagalog. Pero perception lang namin yun. Baka naman kami nagkakamali. Sana nga.

In the course of our conversation, nasabi ko pa nga sa mga kasama ko na “naku, allergic ako sa mga konyo.” Bagay na pinag-isipan ko ulit kaninang umaga habang mag-isa akong kumakain. Gusto ko lang i-clarify.

Iba’t-iba kasi ang ibig sabhin ng salitang konyo. Galing sa Latin word na cunnus na ang ibig sabihin ay “vulva,” (pumapatungkol sa female genitalia), ang coño ay isa ring Espanyol na slang word na ang ibig sabihin ay vagina, cunt or pussy. Sa Chile, slang word for Spaniard naman ang ibig sabihin ng cono. Sa Mexico, “hit or bump in the head with the knuckles” naman daw ang ibig sabihin ng slang word na ito. Sa Ecuador, “stingy or tight fisted” naman ang pakahulugan ng cono. Sa ibang Latin speaking countries, cuss word at interjection ito na ang ibig sabihin ay “to fuck, shit or damn,” ayon sa Wiktionary.org. Pero sa atin, ang cono na ginawang konyo ay may ganitong definition: “A slang word referring to a person who belongs to wealthy, Spanish or English-speaking families.”

Kung yung huling definition ang pagbabasehan ng salitang konyo, wala akong problema dun. Hindi ako allergic sa kanila. Bakit? Kasi hindi naman kasalanan ng tao kung pinanganak syang mayaman, o Espanyol o English speaking siya. Marami akong kaibigan na mayayaman at inglisero pero hindi yun “put on.” Natural silang ganun. At ang mahalaga, mabubuti at mababait silang mga tao.

Ang kinaaayawan kong mga konyo ay yung mga mapang-mata, matapobre, mapanghusga. Yung mga pagkausap mo ay ipararamdam nila sa yo na hindi ka nila kauri. Na sila lang ang anak ng Diyos at kami ay mga aliping saguigilid. Kumukulo ang dugo ko sa mga ganitong uri ng tao lalo na yung mga trying hard. Yung sinasabi ni Senyorita Santibanez na ang lalakas ng loob na kumanta ng awiting “Titanium” pero hindi naman naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang “ricochet.” Lalo naman akong galit na galit sa mga konyo na nagnanakaw ng kabang bayan, yung mga ipinagpaparandakan ang kanilang mga nadambong na kayamanan sa buong mundo. Nagpapakasasa sa di pinaghirapang pera habang ang karamihan ay namamatay at pumapatay na dahil sa gutom. At ang kakapal pa ng mga mukhang magsabi ng “…pero huwag kayong makahingi-hingi sa amin!”

Yang mga konyong yan ang dapat binabalatan ng buhay, binibiliad sa araw at ipinakakain sa buwitre at langgam.

Sayang at wala ako sa August 26. Ang sarap sanang sumama sa one-million march sa Luneta para maipahayag ang aking pagka-dismaya sa pork barrel scam na pinagbibidahan ng mga mothers and fathers of all negative konyos. Sa mga sasama, I am with you in spirit. Sana sa pamamagitan ng blog na ito ay may mahikayat akong sumama. Tara na, sama na tayo at sabi nga ng isang kaibigan ko sa Facebook “BinasIMAG0278tos tayo, Bastusan na ito!”

 

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Uncategorized. Bookmark the permalink.

2 Responses to Konyo

  1. tux siddayoa says:

    sana sir nandito ka para join sa martsa sa luneta

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s