Mga Paramdam

Mag-d-dalawang taon ng namayapa ang matalik kong kaibigang si Agnes pero hanggang ngayon, napapanaginipan ko pa rin sya. Nakikipag-usap sya sa akin na parang buhay. Minsan, malungkot siya. Minsan naman, humahalakhak. May isa namang panaginip na natakot ako kasi bigla ko syang tinanong ng, “huwag kang magagalit, ha. Pero di ba patay ka na?” Tapos biglang ngumiti si Agnes ng nakakatakot. Yung parang ngiting aso. Nagising akong nanginginig sa takot.

May tatlong linggo na ang nakakaraan, kasama ko ang dalawa kong kaibigan sa isang restaurant nang biglang nag-vibrate ang aking telepono. Dahil sa naka-konek ako sa Wi-Fi, nag notify ang aking Facebook account. Ang nakalagay dun, “Agnes de Guzman tagged a photo of you.” Nangilabot ako. Binuksan ko ang photo. Picture namin ni Agnes kasama ang mga kaibigan kong sina Rito Asilo, Andy Bais, Rey Manalo at Janboy Torre. Kuha yun three years ago sa bahay ng teacher namin na si Nestor Torre. Naka-tag ako, pero hindi ito lumabas sa aking FB timeline. Chineck ko ang aking account settings. HIndi naman naka-lock ang aking tag settings. Sunod kong chineck ang activated pang FB account ni Agnes. Wala ring picture na lumabas sa kanyang wall. The following day, chinat ko ang dalawa pa naming kasama sa picture–sina Rito at Andy. Wala naman daw silang na-receive na FB notification.

“Ronald, that’s creepy,” sabi ni Rito.

Kinausap kong sunod si Lulette, ang isa pang matalik na kaibigan ni Agnes na naka base sa US. Eto ang kanyang sapantaha: “I check mo yung pamangkin ni Agnes kasi ang alam ko, nabubuksan nya pa ang FB account ng Tita niya. Baka siya ang nag-tag sa yo. Ayoko, sabi ko kay Lulette. Baka pag sinabi niyang hindi naman sya ang nag-tag e lalo lang akong matakot. “Baka may message sa yo si Agnes,” sabi ni Lulette. “Baka may gusto siyang ipaggawa sa yo.”

Bigla ko na namang naalala ang isang insidente na matagal ko ng binubura sa isip ko kasi di ko talaga maipaliwanag kung papaano ito nangyari. Nagganap ito mga tatlo o apat na buwan matapos na mailibing si Agnes. Pagkalabas ko sa opisina, umuwi ako sa bahay at pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang makita kong nakabukas ang kandila sa living room table. Mahigit na walong oras akong nawala sa bahay kaya kung naiwan kong bukas ang kandila, malamang ay tunaw na ito. Pero eto sya at wala pang kahit na anong melted wax drip.

Nakabukas din ang TV sa Chinese channel. All the time, naka-set lang ang TV sa CNN. Bukod doon, nakabukas din ang ilaw sa stove vent sa kusina.

Walang duda, pinasok ang aking apartment, sabi ko sa sarili. Agad kong tinawagan ang aking landlord. Siya lang ang alam kong may duplicate key sa aking apartment. Nagulat ang aking landlord. Hindi raw siya pumasok. Naniniwala ako sa kanya kasi tuwing pumapasok siya sa aking unit ay nag-te-text muna sya. Kaagad niya akong pinuntahan. Tinanong niya kung may nawawala ba raw akong gamit. Sabi ko ay wala. Pero disturbed kako ako sa nakabukas na TV, ilaw sa kitchen at nakasinding kandila. Paano nangyari ito?

Bumaba ang aking landlord para magtanong sa guard ng building. Tiningnan nila at ni review ang CCTV sa elevator nung araw na yun pero wala naman silang nakitang pumasok sa floor kung saan nandoon ang aking tinitirhang unit. May inoffoer na explanation ang guard. Mga alas kwatro daw ng hapon, nag trip-off ang power. Tapos bumalik ulit. Posible daw na yun ang dahilan kung bakit bumukas ang TV at nalipat ito ng channel. Posible rin na ito ang dahilan kaya nabuksan ang ilaw sa stove vent sa kusina.

Sabi ko, acceptable ang dahilan. Pwede nga. Pero paano nyo kako maipapaliwanang ang nakabukas na kandila sa sala? Hindi makapagsalita ang gwardiya at ang aking landlord. Simula noon, sa advice na rin ng aking mga kaibigan, pinilit kong burahin ang insidente sa aking isip. Ayaw ko na itong hanapan ng dahilan.

Pero kkandilaagabi, napanaginipan ko na naman si Agnes. Nakatingin lang siya sa akin pero hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga paramdam na ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Events, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

8 Responses to Mga Paramdam

  1. onip pino says:

    hala ka….mapag biro pa rin si Kune..hihihi

  2. Naku, Ronald…one of my friends who died in 2002 hanggang ngayon napapaginipan ko pa rin. The recent dream that I had tinanong ko sha “di ba patay ka na?” and she said “sigue lang prims..gusto ko lang mag-reminisce”…and this morning, biglang nagbukas ang radyo sa salas namin. It turned on when Mom passed by on the way back to the bedroom. Her classmate died three days ago and for the past 2 days wala shang bukambibig kundi yung classmate niya, Hayun tuloy, dinalaw sha.

    • Hi Daye! Dati hindi rin ako masyadong nainiwala sa ganyan pero experiencing it myself, ang feeling ko totoong may mga hidden messages nga na ipinaaabot sa atin ang mga namayapa. I just wish I knew.

  3. Siguro nagpapahiwatig si Agnes na may unfinished business siya and that she needs your help in fulfilling it.🙂

  4. Ida says:

    Wow, Ronald. Nakakakilabot naman. Pero hindi ba pag may nagpaparamdam, meron talaga silang gusto sabihin?

  5. Caesar Vallejos says:

    Creepy, pero mas nakakatakot pa rin ang mga taong buhay….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s