Back in the Game

Dalawang buwan nang mahigit simula nung mag-post ako ng aking huling blog. Hindi ako tinamad. Hindi rin ako gaanong ka-busy. Ang totoo, ang dami ko na sanang naikuwento dahil ang dami-daming nangyari na sa akin nitong mga nakaraang 100 araw. Pero ayaw ko lang talagang magkuwento. Ganoong ka-simple. Sabi ko nga sa isang kaibigan, gusto ko lang manahimik. Nung isang gabing hindi ako makatulog, inisip ko ulit yun at bumulaga ang sagot sa akin. Kahit ako mismo, naiingayan na sa sarili. Dapat siguro muna akong mag-shut-up.

Pero dinebate ako ng isang foreigner kong kaibigan nang ipaliwanag ko ito sa kanya. Matagal na niyang pinagtityagaang basahin ang aking mga blog posts kahit hindi niya ito naiintindihan. “No, you have to blog! Don’t stop!”

Ipinaliwanag ko ulit sa kanya ang lahat sa wikang ingles. Nararamdaman ko kako na nagiging self-indulgent na ako. Kumbaga sa bagong social media language, sobra na akong nagiging selfie. Me and my thoughts. Me and my feelings. Me and what I ate, drank, heard, smelled, touched, prayed, read, seen ad infinitum.

Ang pakiramdam ko, ang dami ng narcissistic na tao sa mundo. Ayaw ko ng dumagdag pa sa kanila. Minsan na akong naakusahan at nabulyawan ng isang kaibigan nang tahasan niyang ipamukha sa akin at sinabing: “You’re too much of yourself! Why does it always have to be about you?

Sa awa ng Diyos, hindi na kami nag-uusap ngayon.

Pero inupuan ako ng aking kaibigang dayuhan, “But people like me like what you’re writing. I thought you don’t care what other people think?” Nagsimula ulit akong magpaliwanag pero pinigilan nya akong magsalita. “Listen,” sabi niya. “You want to write, right?” Well this is how the game is played now. In today’s world, employers don’t ask how many books you’ve written. They will ask if you’re blogging. They will check how many years you’ve been doing it. And if they see that you’ve been consistently doing it for years, then that’s where those opportunities open.”

Napatigil ako kasi sa totoo lang, na-realize kong na-underestimate ko pala ang aking kaibigan. May sense naman  pala ang mokong. So sabi ko na lang. “I didn’t say I would permanently stop blogging. Am just taking a break, okay?”

Tatlong linggo na simula nung maganap ang usapang yun pero di ko pa ring makuhang balikan ang aking pag-b-blog. Ang daming pagkakataon na parang kinakati akong magsulat. Lalo na pag naglalakad ako sa kalsada o nakasakay ako sa train o kaya sa bus.  Parang may boses na nagdidikta sa akin na magsulat pero hindi ko ito pinapansin.

Kaninang umaga, nag-iba ang ihip ng hangin. Sa di ko maipaliwanag na dahilan, mayroong malakas na pwersa na nag-udyok sa aking mag-blog. Dala ba ito ng kalalagpas lang ng bagyong si Maring na sumalanta sa PInas at bahagyang dumaan dito sa Taipei kahapon? Bugso ba ito ng lumalalang ngitngit ko habang sinusundan ko ang mga balita tungkol sa ten billion peso pork barrel scam na diumano’y ninakaw at pinagsasaan nina Janet Lim Napoles at ng kanyang mga kaibigang mambabatas?

Hindi ko alam.

Ang alam ko lang, dapat ko itong isulat. Hindi ako mapapakali at di magiging masaya kapag di ko ito nagawa.

Basta tuloy-tuloy lang. Bahala na si Batman.runningman

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, The Writing Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to Back in the Game

  1. go go go, ronald…i enjoy reading your selfies🙂

  2. Joann says:

    Go for your passion Ronsky whether you share it to the world or not! How people react is their business not yours. Be free to express yourself, we love it! Keep writing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s