Semi Vegan

May walong buwan na ang nakakaraan simula nung huli akong kumain ng karneng baka. Tatlong buwan naman ang nakakalipas simula nung huli akong kumain ng karneng baboy at may isang linggo na simula nung huli akong tumikim ng manok, isda at itlog. Yung mga pagtikim na yun, parang mga matchbox size lang ang aking nginuya at nilunok, sabay may halo pang pakikipagtunggali sa aking naiinis at guilty na damdamin. Hindi ko naman talaga plinano ang lahat pero gaya ng mga ma-d-dramang kabanata sa aking makulay na buhay, natatagpuan ko na lang aking sariling sumusunod sa binubulong ng aking konsensya.

Simula ng resetahan ako ng duktor ng maraming gamot para sa aking high blood pressure, uric acid, high triglycerides at creatinine, mabilis ko agad nadesisyunan na unti-unti ko ng babaguhin ang aking lifestyle. Una ko itong pinaalam sa aking mga kaibigan.

“Oh no!” sabi ni Chato, ang aking kaibigan from way back in Los Banos, Laguna na masugid ding nagbabasa ng aking mga blog. “Bakit naman kung kelan mo pa na-perfect ang iyong adobo at bistek tagalog!” Natawa akong sumagot. Kahit naman ipagluto kita ngayon, di mo rin yun matitikman. Ang layo-layo mo.

Ang iba ko namang mga kaibigan ay supportive at sympathetic sa akin.

Pangalawa, bumili ako ng Hurom juicer. Nag research ako ng mga juice recipes, nagtanong-tanong, tumambay sa mga organic health stores, binasang parang bibliya ang libro ni Victoria Moran na “Main Street Vegan” at namalengke linggo-linggo ng maraming prutas at gulay na siya kong ginagawang juice araw-araw gabi-gabi for the past three months.

Pangatlo, gumawa  ako ng database ng mga vegetartian restaurants sa buong Taipei at nahilo ako sa dami ng bilang ng mga ito dahil bawa’t kanto at sulok yata ng lungsod  ay may pwedeng kainan at puntahang vegetarian restaurant. Salamat sa mga kaibigan kong Taiwanese, chine-check nila ang aking  listahan at sinasabi nila sa akin ang kanilang mga recommendations: “This is okay. Go here. This one, not okay because they use MSG. This one, very good but expensive.”

Pang-apat, bumalik ako sa pag-e-exercise. Naglalakad ako pauwi araw-araw at nag-j-jog ng at least tatlong beses isang linggo. Wala pa akong gaanong progress kasi madali akong hingalin. Sa lahat ng life-altering changes na pinipilit kong gawin, dito ako sa exercise hirap na hirap. Pero dito ko rin nararanasan ang masayang pakiramdam lalo na pag na-achieve ko na ang endorphin rush na kay tagal ko na ring di na experience.

Gaya ng lahat ng uri ng pagbabago, hindi ito lahat madaling gawin. Major production lagi ang pamamalengke ng kilo-kilong prutas at gulay, ang paghihiwa ng mga ito sa gabi, ang paggising ko sa madaling araw para mag-prepare ng juice at maglinis ng juicer bago umalis ng bahay. Lalong hindi madaling umiwas sa tukso sa masasarap na pagkain lalo na ang mga nakasanayan kong de lata ng Spam, corned beef at iba pang processed meats.

Pero ang maganda lang sa pagbabago, gaano mang kahirap ang proseso ay nakakasanayan din ito at kapag inulit-ulit ay makikitaan din ng magandang resulta. Dalawang linggo pa lang simula nang mag semi-vegan at juicing lifestyle ako, nawala agad ang aking backaches at night sweats. Hindi na rin ako gaanong hapo at humihingal kapag nagsasalita. Ang bilis ko nang makatulog at mas malakas na ang pakiramdam ko araw-araw.

Nung isang araw, napadaan ako sa Filipino store matapos kong bumisita sa simbahan sa St. Christopher church sa Zhongshan North Road. Malayo pa lang ay nakita ko na ang paborito kong Boy Bawang at Lapid’s chicharon. Dalawang beses ko syang nilagpasan at binalikan dahil nagtatalo ang dalawang bahagi ng utak ko kung isasama ko ba siya sa aking grocery basket. Umalis ako ng grocery na walang nabili kahit na ano.

Sana’y mapanindigan at mapangatawanan ko na nang pangmatagalan ang pinili kong healthy lifestyle na ito. I will just take it one day at a time. Tingnan ko na lang kung gaanong kalayo ang aking mararating.JuicemR

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Health, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s