The Fighters

Napanood ko noong dalawang nakaraang weekend ang “The Fighters,” ang two-part documentary ng CNN Freedom Project na tumalakay sa kung paano ang Visayas Forum, isang NGO na naglalayong labanan ang lumalalang problema ng human sex trafficking sa bansa ay nagsikap protektahan ang maraming kababaihang sex slaves sa Pilipinas. Dalawang taon na sinundan ni Leif Coorlim, ang narrator ng “The Fighters” at Executive Editor ng CNN Project, si Cecilia Flores Oebanda, ang director ng Visayas Forum, upang I-document ang mga activities ng nasabing organisasyon. Kasama ni Coorlim ang kanyang camera crew sa mga isinagawang raid nina Oebanda at ng NBI sa mga sex dens sa Maynila, sa mga lobbying activities nila sa Kongreso at sa mga meeting nila sa Filipino world boxing  champion at Congressman Manny Pacquiao, na sumuporta sa mga ipinaglalaban ng grupo nina Oebando.

Tinumbok ng documentary ang kakaibang strategy ng Visayas Forum na gumamit ng celebrity power, sa katauhan ni Manny Pacquiao, upang lalong mapalawig ang anti-sex trafficking law at gawing inspirasyon ang kuwento ni Pacquiao sa mga kabataang Pilipino. At nakipag-cooperate naman ang world boxing champion turned congressman sa mga ipinaglalaban ng grupo ni Oebanda, sa kabila ng mga manak-nakang di pagsipot ng kongresista sa mga House hearings at ang maraming oras na ginugol ng lider ng Visayas Forum sa paghihintay sa kanya.

Ipinakita rin ang mga kabataang babaeng nailigtas ng organisasyon sa kamay ng mga human sex traffickers at ang kanilang mga mapapait na karanasan kung papaano sila inabuso, binenta at binaboy ng kanilang mga customers, na ayon sa kanila ay kalimitang mga dayuhan. “Mga maniac,” tawag nung isang ininterbyu sa mga Amerkanong gumamit sa kanya at sa kanyang mga kasamahan. Dahil marami sa mga kabataang ito ay hindi nakakapag-ingles, si Cecilia Flores Oebanda ang tumayong interpreter sa kanila sa buong interview. Pinakita rin kung paano niya akapin, arugain at alagaan ang mga kabataang ito sa kanilang shelter house kung saan tinuturuan sila ng iba’t-ibang mga crafting skills–ilan daw sa maraming bagay na kanilang dapat matutunan upang sila’y makapag-bagong buhay.

Hanggang sa katapusan ng episode one, malinaw na ipinakita sa documentary ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga taong nagtatrabaho sa isang organisasyon gaya ng Visayas Forum. Sa pagsasalaysay nga ni Oebanda, nakataya at namimiligro daw ang kanilang mga buhay palagi tuwing may pupuntahan silang raid at damang dama niya ang misyon at adhikain ng kanilang grupo sa kanyang mga binitwang soundbites na paulit-ulit ding ipinapatalas ng CNN. “We Filipinos have dignity,” sabi ni Oebanda. “We are not for sale.”

Sa episode two noong sumunod na linggo, nag-iba ang takbo ng istorya ng “The Fighters” nang maakusahan si Oebanda ng falsification of documents nang ma-audit ang Visayan Forum. Mayroong mga unaccounted and lost receipts na umaabot sa daan-daang libong piso. Kaagad namang nag withdraw ng support ang kanilang main funder, ang United States Agency for International Development (USAID) at sinimulan kaagad ang imbestigation sa mga alegasyon hinggil kay Oebanda at ng kanyang mga kasamahan. Kitang-kita sa camera ang pag-breakdown ni Oebanda nang i-deny niya ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya. Magkakahalong frustration, galit, inis at lungkot ang kanyang ipinamalas nang pinakita niya ang makakapal na mga papeles ng mga resibo sa kanyang harapan. Sa halip daw na pagtuunan niya ng pansin ang mga kabataang kanyang inaaruga at magpunta sila sa port area para sagipin ang mga sex slaves, heto raw siya’t napapaligiran ng maraming resibo at papeles.

“So have you been lying to me all these years?” tanong ni Leif Coorlim kay Oebanda. Buong tapang naman agad niya itong  pinabulaanan. Sa katunayan, sinamahan pa ni Oebanda si Coorlim sa bangko kung saan pinakita niya ang bankbook ng Visayas Forum at pati na rin ang kanyang personal bankbook.

Hanggang sa katapusan ng documentary, nakabitin pa sa Department of Justice ang kaso nina Oebanda, bagama’t ipinakita rin na naka-suporta pa rin si Manny Pacquiao sa  mga pinaglalaban ng Visayas Forum.

Tuloy ang laban, bagama’t nakakalungkot isipin na kahit na ang trabahong may pinakamagandang hangarin ay maaaring maantala, matigil o mapilayan, at sa isang iglap, ang mga dating nagsakripisyo The Fightersay maaaring mabato at maakusahan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in TV, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s