agnes b

Pitong lugar pa lang daw sa mundo kung saan mayroong branches ang “agnes b” coffee shop, ang French franchise ng big time na fashion designer na si Agnes Andree’ Marguerite Trouble. Ito ay sa mga bayan ng London,  Amsterdam, Singapore, Tokyo, Hong Kong, New York at dito sa Taipei. Sa mga susunod na buwan, magbubukas na rin ang agnes b coffee shop sa Beijing at Shanghai.

Masarap tumambay, magbasa, magmasid at mag-kape sa agnes b dahil maganda at maaliwalas ang kanyang French interiors. Kahit tumanga ka lang ay maaaliw ka na sa mga taong pumipila para bumili ng kape, tsokolate, cakes and pastries at sandwiches. Masarap din ang kape sa agnes b. Hindi kasing tapang ng Starbucks, at di naman kasing light ng City café ng 7-11. Hindi rin nakakaumay ang kanilang mga cakes and pastries na pinangalan nila sa mga babaeng pangalan gaya ng Charlene, ang masarap na chocolate mud pie at Juliaane, isang strawberry cream na panghimagas. Nakakapanghinayang nga lang kainin ang mga ito dahil kay gaganda ng styling at plating ng mga nasabing desserts. Mayroon din silang binebentang quiche, ang German and French open-faced pastry na mayroong custard, cheese, meat, fish at veggies sa loob. At bagama’t reasonable naman ang presyo ng kanilang kape, may kamahalan ang kanilang mga tsokolate. Umaabot sa halos NT$1,000 ang ilang gramo lamang ng kanilang dark chocolates with nuts.

Bukod sa magandang quality ng drinks and food, kapansin-pansin na isa sa mga dahilan kung bakit dinudumog ang agnes b coffee shops, ay dahil sa kanyang French style na branding. Mula sa mga upuang gawang kahoy hanggang sa mga tasa at kutsarita, hanggang sa napkin na nakatatak ang kilalang signature ni agnes b, mararamdaman ng mga customers na good brand ang kanilang coffee shop na pinuntahan.

Kamakalilan lang, nabasa ko ang maisging biography ni Agnes Trouble sa internet at na-realize ko na malaking bahagi ng kanyang business success ay dahil sa kanyang personal style. Nag-aral ng fashion design sa Ecole des Beau Arts sa France, unang napansin ang kanyang personal fashion sense ng mga staff ng Elle magazine. Kakaiba raw ito at hindi pangkaraniwan. Kaagad na inimbitahan siya para maging fashion editor ng nasabing magazine. Pero, wala sa publications work ang passion ni Agnes Trouble. Nung 1975, nagsimula siyang maging entrepreneur at nagtayo ng kanyang unang fashion boutique. Noong 1981, ni-launch nya ang kanyang unang men’s wear collection. Three years later, nagbukas siya ng kanyang kauna-unahang boutique sa New York. Di naglaon, nung 1987, pinasok naman niya ang perfumery, skin care at cosmetics business nang buksan niya ang kanya mismong line ng cosmetics at perfume products.

Ang kakaibang istilo ring ito ang nagbibigay ng bagong buhay at kulay sa bawa’t branch ng agnes b coffee shop dito sa Taipei. Sabi nga ng isang Caucasian na narinig kong nakikipag-usap sa kanyang kaibigang Taiwanese nang minsang maupo ako sa Xinyi branch ng agnes b: “Everything’s so stylishly agnesb2pretty here. I like it!”

Salamat, Google Images

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s