Mga Kuwento sa Numero

Bopols ako sa figures, kaya hindi ako mahilig magbasa ng mga ito. Pero nang aking mabasa kamakailan ang blog tungkol sa statistics ng mga dayuhang naninirahan dito sa Taiwan na sinulat ng isang European expat, bigla akong naging interesado sa mga kuwentong isinasalaysay ng mga numero. Halaw sa figures ng Ministry of Interior ng Republic of China (ROC) na matatagpuan din sa isang website: http://sowf.moi.gov.tw/stat/year/list.htm, sinasabing noong isang taon, mayroon daw 483,921 na foreigners ang naninirahan dito sa Taiwan. Halos kalahating milyon din. Sa figure na nito, 92.8% ay galing sa Southeast Asia, kasama na rito ang Pilipinas. Ang iba ay galing East Asia (2.3%). North America (2%), at iba pa (others, 1.5%).

Ito pa ang ilan sa mga natagpuang facts and figures nung European blogger:  Karamihan sa mga businessmen foreigners ay galing sa bansang Japan; karamihan sa mga teachers at misyonaryo ay galing sa North America; Indonesians ang naghahari sa bilang ng pinakamaraming foreigner laborers dito sa Taiwan; sa bilang naman ng mga estudyante, pinakamarami ang mga Malaysians; walang nakatalang laborer na galing sa Western country; karamihan sa mga dayuhang teachers ay galing sa Canada, America at Australia, mga 3/4 sa kanila ay mga lalaki.

Syempre, mas naging interesado ako sa stats tungkol sa mga naninirahang Pinoy dito sa Taiwan, at eto naman ang aking napagalaman. Noong 1996, mayroong nakatalang 81,599 na Pilipino rito sa bansa. After 16 years, noong 2012, ang bilang ay umabot sa 84,640. Mas dramatic ang itinaas ng bilang ng mga Indonesians na narito. Noong 1996, may 15,768 na Indonesians ang naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan. Ang bilang ay tumaas sa 174,004 noong 2012. Ano kayang dahilan ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga Indonesians dito? Ayon sa mga nakausap kong Taiwanese, mas preferred na raw ng mga factory owners na mag hire ng mga Indonesians (kumpara sa mga Pinoy at Thais) dahil marunong nang magsalita ng wikang instik ang mga Indonesians na pinapadala rito. Nag-i-invest din ang mga recruiters nila na pag-aralin sila ng basic Mandarin, kaya mas may advantage sila kumpara sa mga Pinoy, Thais at iba pang Asians.

Noong isang taon, ito naman ang breakdown ng bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Taiwan: 64 businessmen; 128 engineers; 43 teachers; 134 missionaries; 80,677 laborers; 155 students at 3,309 ay nabibilang sa  kategoryang “others” o yung iba’t-iba pang uri ng trabaho.

Kataka-takang wala silang data tungkol sa mga naninirahang foreigners, businessmen at estudyante na galing Mainland China, gayong ang alam ko’y dumarami na ang kanilang bilang, lalo na nung binukasan na ng gobyerno ng Taiwan ang pag-aaral ng mga estudyanteng galing Mainland China.

Official figures pa lang ito pero gaya ng alam nating lahat, tulad ng ibang bansa, marami ring illegal aliens ang patuloy na nagtatrabaho at nagtatago na rito sa maliit na isla ng Taiwan, at marami nga raw sa mga ito ay mga Pinoy. Noong isang araw na lang, sa loob ng isang seven-eleven store, may naka-kuwentuhan akong Pinoy.

Anong pangalan mo? Tanong ko sa batang babae na sa palagay ko ay mga 19 na gulang pa lang.

Luminga-linga muna ang babae bago sya sumagot. “Yung totoo, Kuya? Norma, pero dito kilala ako bilang si Edel. Ssshh, huwag kang maingay, ha.”

Oo naman. Sabi ko. Gets ko na. Nagpalit siya ng pangalan.

Kalimitang kuwento yun dito.stats

Salamat google images para sa kalakip na litrato.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s