Take A Bow, Egay!

“Patay kung patay!”

Yan ang natatandaan kong linyang parating namumutawi sa kaibigan naming si Edgar Ilao tuwing mag sa-salo-salo kami at wa-warningan namin siya na hinay-hinay lang sa pagkain at inom dahil at 200 plus pounds, delikado na sa kanya ang mga pagkaing mayaman sa calories at cholesterol. Pero may walang pakialam na attitude si Edgar (o Egay kung tawagin naming lahat). Noon pa man, nung una kaming nagkakilala noong summer ng 1997 sa isang scriptwriting course na isinagawa ng Film Development Foundation, madaling nag stand out si Egay sa klase hindi lang dahil sa kanyang mabigat na timbang, kundi dahil sa kanyang strong convictions. Hindi lang yun. Bibo sya sa klase at ang bilis mag-isip ng kuwento. Pag tinatalakan na kami ng aming teacher dahil mababaw daw ang aming utak at wala kaming maisip na maganda at orihinal na kuwento, unang magtataas ng kamay si Egay at walang takot na kukunin ang mikropono para magsimula ng kanyang naisip na storyline.

Naging ka-close ko si Egay dahil pareho kaming mahilig uminom, kumanta, magbasa, magsulat, manood ng sine at makipag-kuwentuhan. Para siyang walking encyclopedia. Magbanggit ka ng kahit na anong topic at ma-e-expound nya ito at magagawan  ng kuwento. Wala siyang pinipili. Mapa malalim at mababaw, class at jologs, nakakatuwa at nakaka-iyak, nakakatakot at nakaka-galit, nakakaimbento agad siya ng believable plots na ikamamangha naming lahat. Pareho rin kaming nakatira sa South–ako sa may Bicutan at siya sa Laguna kaya lagi ko siyang kasabay pag-uwi. Lagi siyang inaantok kapag nagmamaneho kaya kalimitan kaming tumitigil sa mga coffeeshops at doon na nakikipagkuwentuhan hanggang sikatan kami ng araw.

Saksi kaming barkada nang tumibok ang kanyang puso at kiligin sa isang babaeng kanyang niligawan. Andun din kaming lahat nang lumangoy siya sa alak at luha dahil hindi nagkaroon ng happy ending ang kanyang love story. Makalipas ang ilang taon, ibinalita  sa amin ni Egay na ikakasal na siya at ako, kasama ang aming namayapang kaibigang si Kune, ang tumayong mga emcee sa kanilang masayang kasal.

Nang mga unang taon ng kanyang married life, aktibo pa si Egay sa pagsusulat. Kung hindi ako nagkakamali, nakasulat siya ng mga apat na screenplays, dalawa sa mga ito ay naging certified movie hits. Ang “Hibla” ng Viva films na pinagbidahan ni Maui Taylor at ang “Sukdulan” starring Katya Santos and Raymond Bagatsing. Tanda ko pa noong sabay-sabay kaming nanood ng “Hibla” at nagpalakpakan nang mabasa namin ang pangalan niya sa credits bilang manunulat ng pelikula. Malimit pa namin siyang makasama noon, lalo na sa mga KTV bars kung saan champion sya sa pagbirit ng mga lumang kanta nina Frank Sinatra, Tony Bennet, Andy Williams at Johnny Mathis. Nagkasabay din kaming nagsulat noon sa telebisyon kung saan si Kune ang aming headwriter. Naaalala ko pa kapag nag-re-revise siya ng script, sa kotse sya mismo mabilis na nagsusulat kung saan ang kanyang laptop ay nakatayo sa manibela ng kanyang sasakyan. Itatakbo namin ang flash disk sa computer house kung saan I-p-print niya ang kanyang na revise na script.

Makalipas ang mga isa’t-kalahating taon, unti-unti nang kumalas sa mundo ng media si Egay at nabalitaan na lang namin na nag-co-consultancy job na lang sya kasama ng kanyang maybahay. Magaling din kasi siya sa computers at doon na lang siya nag-concentrate sa website construction at computer programming. Pero nagkikita-kita pa rin kami sa mga special occasions gaya ng Pasko, birthday, anniversary, atbp. Sa mga sumunod na buwan, ang mga pagkikitang yon ay dumalang na at hindi na siya sumasagot sa aming mga email, texts at phone calls.

“Let him be,” sabi ko kay Kune, nang magsimula niyang hanapin si Egay. “Susulpot yun kapag ready na siya.”

Ganun nga ang nangyari. Makalipas ang maraming taon, nag-email sya sa amin ni Kune. Nagpaliwanag na may pinag-dadaanan daw siyang mga problemang personal. Magkukwento daw siya pag siya’y ready na at sigurado raw siya na pagtatawanan na lang namin ang lahat.

November 2011, pumanaw ang kaibigan naming si Kune sa sakit na cancer. Nag send ako ng message kay Egay pero nakatanggap ako ng sagot three months later. Eto ang bahagi ng kanyang sulat.

Ronald,
Halos sumabog ang dibdib ko ngayong nabalitaan ko ang nangyari kay Kune. I always thought nandyan lang siya if I ever wanted to get in touch again, when I feel that I am ready to go back into the world. I’ve been in a bad place for so long that I just retreated. But I never imagined na mawawala na lang siya nang ganun kabilis…….I just wish that I had a chance to say goodbye one last time. Binabasa ko yung mga post niya sa wall ko ngayon, asking me na magparamdam naman ako and greeting me on my birthday. Nakakalungkot…..I remember the times we spent together and I can’t help but cry. Sometimes you just want to turn back the clock and find a way to change course away from the things that you now regret. I’ll always regret being unable to say goodbye to Kune…..Egay.

Fast forward to April 20, 2013. Natanggap ko ang FB message ni Rhia, ang wife ni Egay. Namayapa na rin daw si Egay. May binigay siyang number na kaagad kong tinawagan. Parang stroke daw ang kinamatay ng kaibigan namin pero hindi exactly stroke. Naputol ugat niya sa paa. Nagkaroon ng mga complications dahil sa kanyang mabigat na timbang. Marami raw nabilin si Egay sa kanya bago siya pumanaw.

Pang-apat na casualty si Egay sa scriptwriting class namin. Nauna si Mina Caligua, sumunod sina Kune de Guzman, Nimia Yumol at ngayon, kasama na nila si Egay.

Naaalala ko, malimit namin noon pag-usapan ni Egay ang kamatayan at ang afterlife at marami siyang paliwanag at theories tungkol dito. Kahit sa mga topic na pumapatungkol sa katapusan ng buhay, marami pa ring kuwento si Egay. Hindi maubos-ubos. Hindi matapos-tapos.

Lagi kong maaalala si Egay sa kanyang mga kuwento, kanta at halakhak.

Thank you, and take a bow, Egay. We will always remember your stories and the countless joys you shared with us.man_bowing_-_thank_you

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Personalities. Bookmark the permalink.

5 Responses to Take A Bow, Egay!

  1. Ida says:

    Salamat, Ronald. Naalala ko ang mga happenings, lakwatcha, at bonding noon at ang bibo-bibo ninyo. We will miss you, Egay!

  2. Thank you too, Ida. True, we will all miss him.

  3. Thanks for sharing Ronald. Yes I will always remember Edgar exactly how you described him. He will always be in our hearts. But I have always admire you guys for your singing prowess. You two were the champions! Galing ninyo, Also si Kune….🙂

    The memories and fun, are too many to mention; our class, mga parties at get together natin na inuumaga, pati sayawan blues led by Nimia, brainstorming, videoke and movie watching, Our mentor used to call us ” overaged teenagers ” .🙂 Paalam Edgar! We thank you for the memories! May you rest in peace!

  4. Nakakalungkot at nakakakilabot ang kuwentong ito. Hindi ko man kilala si Egay, nasa deskripsiyon ni Ronald ang kaniyang kakaibang talino at talento. Kailangan din talaga nating alagaan ang ating mga sarili. Masarap magkita-kitang muli at magtawanan habang inaalaala natin ang mga mapait at matamis nating mga nakaraan. Ingat ka palagi diyan Ronald!

  5. Salamat, Caesar! Sana nga ay magkita-kita tayo soon. Ingat din!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s