Lumalalang Senior Moments

Hindi na nakakatuwa ang aking mga latest senior moments. Di lang dumadami ang kanyang frequency, tumitindi pa ang nature ng mga insidente. Noong una, malimit ko lang ma-misplace ang aking mga telepono, eyeglasses, hairbrush, bag, payong  at ilan pang mga personal na gamit na nakikita ko rin naman after some time. Pero nung isang araw, kakaiba ang nangyari.

Nagsisipilyo ako nang maramdaman kong ang weird ng lasa ng toothpaste! Kamukat-mukat ko, shaving cream pala ang nalagay kong toothpaste sa aking toothbrush! Kung hindi ba naman engot talaga.

Kamakailan lang, nang minsang maglalaba naman ako, bigas ang nabuhos ko sa washing machine imbes na laundry soap, at laundry soap sana ang aking maisasaing! Natatawa na lang ako sa sarili, pero sa loob-loob ko, putcha, kakaiba na ito.

Naramdaman kong malala na talaga ang sitwasyon nang ni-lock ng automatic teller machine ang aking ATM card kasi na-jumble ko ang aking PIN na malimit ko pang ipagmalaki sa mga kaibigan ko. Sabi ko noon,  even in my deathbed, hinding-hindi ko malilimutan ang aking PIN. Ngayon, kinailangan ko pang mag personal appearance sa bangko, mag-fill out ng form at magbayad ng  small amount para lang ma-unlock ang aking ATM card at mapalitan ng bago ang aking PIN.

At sinigurado kong ang pinalit kong number ay yung talagang matatandaan ko kahit na painumin pa ako ng droga. Pero kanina, nang mag-wi-withdraw ulit ako, kakaiba na naman ang nangyari. Imbes na ATM card ang aking ipasok sa automatic teller machine, ang aking Alien Residence Card ang aking naipasok. At hindi lang isang beses ito nangyari dahil  inulit ko pang ipasok muli ang aking ARC nang iluwa ito ng makina.

“Buti hindi siya kinain,” sabi ng officemate kong Taiwanese sa wikang ingles.

“True,” malungkot kong sagot.

Naalala ko na naman kasi ang sabi ng duktor na umopera sa akin nang turukan niya ako ng general anesthesia during my appendectomy operation more than 30 years ago.

“Magkakaroon ka ng memory problems at middle age,” sabi niya.

Naku, eto na nga yun at nagsisimula na nga akong kabahan. Kailangan ko na bang lumaklak ng mga memory boosters? Dapat bang magpabili na ako ng tone-toneladang gingko biloba para huwag makalimot? Paano kung ang malimutan kong susunod ay ang aking mga email passwords? O ang aking passport, o ang aking pitaka? Kailangan ko na yatang magsimula nang maglista ng mga importanteng personal facts.

Naihinga ko ito kanina sa kaibigan kong si Gemma nang nag-cha-chat kami. Sabi niya, huwag daw akong kabahan. Mag-pray daw ako.

Sige, gagawin ko yun. Magdarasal ako ng taimtim.

Pero pag isang araw ay naligaw ako pauwi sa bahay na tinitirhan ko, it only means one thing.

Kailangan ko ng magsimulang mag-empake at makauwi na.

scratching_headMawala man, at least nasa Pilipinas na ako.

Thank you, google images for the pic.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to Lumalalang Senior Moments

  1. sally says:

    ganun… sana naman wag lumala…bakit di ka na lang mag consult sa doctor …para maagapan rgm… mahirap magkasakit na ganyan….

  2. Hahahaaaa! Nangyari na rin sa akin yan two weeks ago. Facial wash ang ipinang toothbrush ko.

  3. welcome to the club, daye!🙂

  4. Jean Cabrera says:

    Sino ba nag karakter jan sa sinulat mo , nagbibiro lang siguro pero aliw na aliw ako habang nagbabasa ng blog mo. lahat matatawa kasi parang wala sa sarili ang main karakter. kailangan ang presence of mind sa mga pagkilos-kilos natin sa araw-araw. ako nga malimit na ring magkamali sa mga gawain ko pero 6? na ako ronald. Ayokong tumanda talaga. hulaan mo na lang., djahi kc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s