Pinoy Books sa Taipei Public Library

Labing-isang palapag ang main branch ng Taipei Public library. Matatagpuan ang buong building sa 125 Section 2, sa Jiangguo South Road na malapit lamang sa Da’an Park. Dalawa sa labing-isang floors ang naglalaman ng mga English books, at karamihan sa mga ito ay nasa 4th floor kung saan nakalagay ang signage na “Foreign  Language Collections.” Dito makikita ang halos lahat na yatang up-to-date reference books, novels, coffee table books ng iba’t-ibang topics mula literature hanggang algebra, psychology, pop culture, journalism, engineering, medicine— practically every conceivable topic under the sun.

“Ba’t ngayon ko lang nakita ang mga ito?” bulong ko sa sarili habang nanginging ako sa excitement at dahan-dahan kong tinitingnan ang mga libo-libong libro sa napakaraming bookshelves na nakahanay sa fourth floor. Dalawang taon na ako rito sa lungsod pero ngayon lang ako nagkaroon ng panahon na makapasok at makagala sa Taipei public library. Meron itong 12 branches located all over Taipei pero ang main library ang pinakamaraming koleksyon ng librong Chinese at English.

Sa tabi ng elevator, naintriga ako sa kanilang floor map nang makita ko sa 9th floor ang signage na may nakalagay na “Multicultural Information Center” Umakyat ako rito at pagbukas ng elevator, laking gulat ko nang matagpuan kong walang katao-tao sa nasabing floor. Dito pala nakalagay ang mga books, audiovisual materials, magazines, newspapers at mga libro ng mga bansang Thailand, Vietnam, India, Malaysia, Myanmar, Japan, Korea at…nanalaki ang mata ko nang makita ko ang ating Philippine flag sa dulo. Agad kong pinuntahan ang Philippine section.

Isang square-type na pavilion style ang Philippine section. Mayroon itong upuan sa gitna at napapaligiran ito ng apat na malalaking bookshelves. Sa labas, una kong nakita ang updated copies ng Philippine Daily Inquirer, Times Journal at Abante. Mayroon din silang 2012 at 2013 na kopya ng “Good Parenting,” “Star Studio” at Yes!” magazines. Napansin ko rin ang ilang Philippine coffeetable books tungkol sa travel, dance at Pinoy architecture. Inisa-isa ko ngayong tiningnan ang  mga libro na nahahati sa mga sumusunod na topics: Literature and Rhetoric, The Arts, Technology and Applied Sciences, Natural Science and Mathematics, Social Sciences, Language, Philosophy and Psychology, Religion, Children’s books, Geometry and History at Philippine References.

Hindi puno lahat ng bookshelves pero nakakamanghang isipin na mayroon ng mga librong ito sa Taipei. Para na rin akong nasa Filipininana section ng National Book Store. Nakahanay doon ang  mga Tagalog na nobela nina Lualhati Bautista, Liwayway Arceo, Frank Rivera, etc. Mga English novels nina F. Sionil Jose, libro nina Jessica Zafra, Leo Parungao, Joey Concepcion, mga screenplays nina Rody Vera, at marami pang iba. Lumukso agad ang aking dugo  kasi ang unang sumagi sa isip ko ay, mayroon na naman akong bagong tambayan! Karamihan sa mga libro ay mga bago pa at gusto ko sanang interbyuhin ang in charge sa section na ito kung marami bang Pinoy ang nagpupunta rito. Kanya lang ay wala akong mapagtanungan kasi ako nga lang ang nag-iisang tao sa floor na ito.

Sa first floor, kaagad akong nag-fill out ng form para makakuha ng library card at nabigyan agad ako in less than ten minutes. Mabait ang nag-assist sa akin at laking gulat ko nang bigyan nya ako ng isang stem ng red rose.

“What’s this for?” tanong ko sa mabait na librarian.

“It’s National Book Day,” sabi nya. “We hope you’ll always come here,” sabi niya.

“Thank you. I certainly will,” nakangiti kong sagot.

Sa loob-loob ko, kayo ang magsasawa sa akin. Lalo na’t mayroon na ako ngayong  bagong aliwan at  tambayan.publiclibrary

Thank you, Google images for the picture.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s