Anthony Bordain: Parts Unknown

Sa unang episode ng “Anthony Bordain: Parts Unknown,” ang bagong TV show ng kilalang chef at author sa kanyang bagong tahanan, ang CNN, naglakbay sya sa Myanmar, ang bansa sa tabi ng Thailand na matagal ng under martial law. Gaya ng kanyang show sa Discovery Lifestyle Channel na pinamagatang “No Reservations,” nagpunta ang 57-year-old chef sa mga hole-in-the-wall na carinderia, nakipag-usap sa mga locals, at kumain ng mga kilalang street foods ng bansa. Ang nakita ko lang na pagkakaiba, mas mahusay ang cinematography at editing ng bago niyang show sa CNN. Mas matatalas ang kulay ng mga images, mas detalyado at mas fast-paced ang takbo ng buong show.

Bukod doon, hindi pa rin nagbabago ang passion ni Bordain sa pagkain, paglalakbay at pagtuklas. Gaya ng paulit-ulit na pinapatalastas ng CNN, pinakita sa bagong show ni Bordain ang kanyang 3 batayaan sa paglalakbay: 1) Get hungry; 2) Get curious at 3) Get lost. At sa Myanmar, isa sa mga natitirang exotic na lugar sa Southeast Asia, totoong kumain ng todo ang popular na American chef, nagtanong at nakipag-usap siya sa mga aktibista, mga miyembro ng rock and roll band, mga manunulat at intelktwal sa bansa at hinayaan niya ang kanyang sariling ipagwaswasan ng local train nang magbiyahe sila ng mahigit na 10 oras mula Yangon hanggang sa ancient city ng Bagan kung saan nandoon ang mahigit na 2000 Buddhist pagodas at temples.

Sa nasabing pilot episode ng “Parts Unknown,” pinakita ang mga kakaibang ferris wheel sa night markets ng Yangon, na imbes na pinaaandar ang mga ito ng kuryente o gasolina, ang mga ferris wheel ay pinapaikot lamang ng human hands–o human acrobats, kung tawagin sila ni Bordain. Pinakita rin ang pagkain at pagkamangha niya sa lasa ng Laphet salad na gawa sa dahon ng tsaa, ganundin ang pagtalakay niya sa Theravada Buddhism, ang diumano’y pinakamatandang uri ng Buddhism sa Asya. Bukod pa rito, pinakita rin sa pilot epsiode ng show ang pakikipag-inuman ni Bordain sa isang upcoming rock band sa Yangon na ang tanging pangarap lamang daw ng mga batang miyembnro ay ang makatugtog at makapag-perform  sila sa New York city. Ganundin, pinakita ang interview niya sa tatlong kilalang activists ng Myanmar at ang kanilang saloobin hinggil sa diumano’y unti-unting pagluwag at pagbubukas ng bansang Myanmar sa buong mundo.

Sa dinami-dami ng travel shows sa cable channels, katangi-tangi ang “Anthony Bordain: Parts Unknown” hindi lamang dahil sa mga malalalalim na insights ni Ginoong Bordain tungkol sa kanyang mga pinupuntahang bansa. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga locals, mararamdaman mo ang kanyang genuine curiosity at ang kanyang saya at taimtim na hilig sa pagkain at paglalakbay. Totoo nga talaga na kapag mahal mo ang yong ginagawa, mararamdaman ito ng mga taong nasa paligid mo at sa kaso ni Ginoong Bordain, tumatagos sa labas ng TV screen ang kanyang pangkalahatang hilig sa pagtuklas sa mga milyon-milyong bagay hinggil sa planetang ating tinitirhan. bordain

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Travels, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s