Ang Kuwento ng Aking Pagboto

Mag-a-alas dos na ng hapon nang magkita kami  kahapon ng kaibigan kong si Jackie sa Ikari coffee shop, malapit sa exit 7 ng Sonjiang Nanjing station, Zhongshan district dito sa Taipei. Walking distance ito sa office ng Manila Economic and Cultural Office o MECO, ang representative office ng Philippine government sa Taiwan. Pumunta kami dun kasi starting April 13 up to May 13, pwede na raw bumoto ang mga registered voters abroad by virtue of Republic Act 9189, otherwise known as the Overseas Absentee Voting Act of 2003. Nakakahiyang aminin pero ngayon lang ult ako bumoto after more than 20 years at first time ko ring bumoto sa labas ng Pilipinas. Mahabang kuwento kung bakit hindi ako bumoboto but I don’t want to go into that.

Anyway, pagpasok namin sa 11th floor ng isang mataas na building sa Chang Chun road, bumulaga sa amin ni Jackie ang maraming tao sa MECO office. Karaniwang eksena na ito sa MECO: pilahan ng mga Piinoy na nag-r-renew ng passport, mga Taiwanese at iba pang foreigners na nag-a-apply o kumukuha ng visa; mga OFWs na naghahanap ng legal assistance, at kung ano-ano pang services offered by the office. Tinanong ko sa receptionist kung nandyan ba si Cat, ang kaibigan ko sa MECO at nang makausap niya ito, tinanong ng receptionist sa amin: “Boboto ba kayo? Dito po ang daan.”

Sa isa pang room na aming pinasok, una kong nakita si Ramil, ang schoolmate ko nung high school na mahigit ng 20 years na nagtatrabaho sa MECO. Kaagad niya kaming inassist kasi mukhang kami lang naman ang botante. Habang hinahanap niya ang pangalan ko sa listahan ng registered voters, kaagad kong tinanong kung ilang botante ang naka-register sa kanila. Ang kanyang sagot: 10,722 raw. Kung pagbabatayan ang offical figure na mayroon daw 90,000 Pinoys na nagtatrabaho at naninirahan sa Taiwan, ang liit ng bilang ng registered voters. Payat ang figure, sabi ko sa sarili.

Anyway, matapos kaming pumirma sa isang makapal na booklet, binigyan kami ng balota at ballpen at magkatabi kaming umupo ni Jackie sa isang desk na parang classroom type. May nakatayong long folder sa harap namin kung saan nakalista ang mga 30 plus na senatorial candidates. Dalawampu’t-apat na pangalan lang ang kailangan naming piliin. Ilang araw na ang nakakaraan, nag-try akong mag-research tungkol sa mga kandidatong ito at sa totoo lang, wala pang sampu sa kanila ang naging type ko. Track record of public service kasi ang naging basis, at sa totoo lang, mabibilang lang sa listahan ang mayroon nito. Pero ayaw ko namang mag-leave ng blank kaya a little more than five minutes ang aking  binuno upang piliin at isulat ang aking napiling 24 na kandidato.

Matapos naming isoli ang balota, kailangan naming mag-finger print at ipasok sa loob ng carton box ang aming ballots. At bago kami umalis, nakipagkuwentuhan muna kami saglit sa aking mga kakilala at kaibigan sa MECO at dito ko nga nalaman na simula April 13, wala pa raw 100 ang nakaboto sa mga registered voters. “Pero ine-expect namin na mag-p-pick-up yan pag malapit na ang May 13,” paliwanag sa amin ni Cat. “Marami kasi sa mga voters ay galing pa sa mga probinsya so hindi naman namin ine-expect na pupunta agad sila rito sa Tapei para lang bumoto.”

On the way home, na-mention sa akin ni Jackie na habang sinusulat daw niya ang mga pangalan na kanyang binoto sumagi daw sa isip niya kung ito bang ginagawa niya ay ikauunlad ng Pilipinas. Natawa naman ako, sabay sabing: At least may karapatan na ngayon tayong magreklamo sa ating mga leaders kasi bumoto na tayo. Dati kasi, nasisinghalan ako ng mga kaibigan ko. Reklamo daw ako ng reklamo tungkol sa gobyerno pero ang tanong: bumoto ba ako? Ngayon, di lang tayo bumoto, isa pa tayo sa pinakamaagang bumoto!

Pero avotingctually, hindi talaga yun ang kuwento. Tatlong oras matapos akong makauwi, saka ko na realize na nawawala pala ang aking cellphone at naiwan ko ito sa coffee shop. Hindi ko matawagan ang aking number using my landline kasi lowbat na ito. Pero wala akong kakaba-kaba kasi kumpara sa Pinas, madaling ma-retrieve ang mga nawawalang gamit dito sa Taiwan. And true enough, pagbalik ko sa Ikari coffee shop, pumapasok pa lang ako ay nakangiti na agad ang isang member ng service crew nila at without any long explanation, binalik sa akin ang aking naiwang cell phone.

Kelan kaya magiging ganito sa Pinas? Sabi ko sa sarili.

Humahalakhak at sarcastic na sumagot ang aking inner voice: Asa ka pa!

Salamat google images sa litrato ng OFW voting sa Jeddah.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Ang Kuwento ng Aking Pagboto

  1. sally says:

    ang galing naman talaga dyan..at least rgm kahit mawalan ka lagi ng cellphone siguradong babalik yon..unlike dito na pag nawala…
    la na…bili ka na lang ulit…

  2. Tama ka, Sally. Bihira rito ang nawawalan ng gamit na di na talaga nakikita. Minsan, lalo na kung pitaka, babasahin nila ID at contact number mo at sila pa ang kokontak sa yo para sabihing naiwan mo pitaka mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s