Lindol sa Lungsod

Kaninang 10:03 ng umaga (023 GMT), habang nilalabanan ko ang antok sa opisina at eksaktong humihikab ako, umuga ng malakas ang building namin. Patay, lumilindol na naman, sabi ko sa sarili. Kumpara sa mga nakaraang lindol, malakas itong naranasan ko kanina. At di lang malakas, matagal pa. Parang kulang-kulang na isang minuto ang buong pagyanig ng lupa at habang nangyayari ito, sinimulan na akong kabahan. Kumpara kasi sa baha at mga buhawi na pwede nating matakbuhan, wala tayong kalaban-laban kapag lindol na ang pinag-usapan.  Unang una, hindi natin ito pwedeng ma-predict. Pangalawa, kahit saan tayo magtago, hindi natin matatakasan ang bagsik ng lindol.

Minuto matapos humupa ang lindol, nasa internet na agad ang balita. Intensity 6.1 pala on the Richter scale ang aking naranasang pag-uga ng lupa at sa may Nantou county sa Central Taiwan ang kanyang epicenter. Ang nakakapagtaka, dito sa office namin, deadma lahat ng tao. Parang walang nangyari. Tuloy-tuloy lang sa pagtatrabaho ang mga ka-opisina ko at ni wala man lang kahit isa sa kanila ang nagsabing uy, lumilindol. Natanong ko na ito sa isang Taiwanese na kaibigan kung bakit tila passive ang reaction ng mga tao dito sa lindol. Ito ba’y dahil sa sanay na sanay na silang maka experience ng mga lindol o wala lang silang pakialam? Sabi ng kausap kong Taiwanese, hindi totoong wala silang pakialam. Sa katunayan nga raw, dahil nadadaanan ng  “ring of fire” ang bansang Taiwan (sa geology, ito ay pumapatungkol sa mga Volcaninc at earthquake prone areas sa Pacific ocean), matindi ang nilalaan ng gobyernong budget para sa research work tungkol dito, kabilang na ang disaster preparedness na “in na in” na topic ngayon dahil na nga sa mga epekto ng climate change. Ang sabi lang ng kaibigan ko, and I quote, “….we just act like passive because there’s nothing we can really do about it. What would running or panicking do? Will it save us? No. So we just remain quiet and hope for the best.”

Dalawang malalaking lindol na ang aking naranasan at na-survive-an sa aking buong buhay. Ang una ay `yung July, 1990 earthqauke sa Pinas kung saan Cabanatuan city ang naging epicenter nito at ang panagalawa ay ang September, 1999 earthquake dito sa Taiwan na gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog nung nagtatrabaho pa ako sa Southern Tainan. Lumalamang lang ng isang puntos ang Luzon earthquake sa Pinas na may lakas na 7.8 sa Richter scale (7.7 ang naitalang lakas nung lindol sa Taiwan), pero halos pareho lang para sa akin ang naranasan kong lakas ng yanig, takot at pangamba.  Sa dalawang lindol na ito, by instinct, pareho akong kumaripas sa labas at naghanap ng patag na lupa dahil ayaw kong mabagsakan ng kinatatayuan kong gusali.  Ayon sa mga nabasa ko sa internet, umabot daw sa 2,000 ang bilang ng mga aftershocks nung lindol sa Taiwan pero kahit na maraming aftershocks akong naranasan, hindi ko pa rin masanay ang aking sariling di kabahan kapag yumayanig na ang lupa. Pakiramdam ko, kahit kelan ay di ako magiging earthquake veteran.

Noong na-interbyu at natanggap ako sa trabaho rito sa Taipei dalawang taon na ang nakakaraan, naaalala ko, yun agad ang aking unang tinanong sa aking mga kasamahan rito. Hindi ba laging lumilindol dito? Katatapos lang kasi noon ng Fukushima earthquake sa Japan at kababasa ko rin na sa apat na nuclear plants dito sa Taiwan, ang tatlo ay narito sa Taipei city. Maraming malalagim na bagay ang laging  lumalaro sa aking isipan tuwing lumilindol pero kaagad ko itong bino-block sa aking utak, dahil mahirap maunahan ng takot. Iniisiip ko na lang na kahit naman nasaan tayo, pag oras na natin ay wala talaga tayong magagawa. Thy will be done. Naku, Miyerkules Santo pa naman. As I type this, parang nakakaramdam na naman ako ng lindol. Pero mahina lang. Thank God.taipeimap

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s