Counting My Blessings

Madugo ang linggong ito para sa akin. Bumigat ang aking workload. Ang dami-daming sunod-sunod na meeting. Ang dami ring work-related socials na hindi ko matanggihan. Kinailangan ko pa ring pumasok sa kabila ng lumalalang sipon at ubo. Pag humihiga ako para matulog sa gabi, damang-dama ko ang mga sintomas ng aking unti-unting pagtanda. May mga nag-text nga sa akin galing Pinas. “Nag-email ako sa `yo, di ka naman sumasagot,” sabi ng isang close friend. Nag-textback ako. “Sensya na. Nalimutan kong mag-reply. Tanders na talaga,” sabay lagay ng smiley face icon. Nag-attempt pang magbiro pero yun naman talaga ang totoo. Age is catching up on me.

Sa kabila ng stress, tension, pagod at manaka-nakang disappointment, hindi ko pa rin makuhang magreklamo dahil paulit-ulit kong ni-re-recite na parang isang magic mantra ang apat na salitang ito: I am incredibly blessed. Sa katunayan, itong nakaraang linggo, ang daming mga magagandang nangyari na worth celebrating. Let me count the ways:

  1. Nagkaroon na ng bagong Pope. Bumuga na ng white smoke sa Vatican at patuloy pa ring nagpipista ang mga Katoliko sa pagkakahirang kay Cardinal Jorge Bergoglio bilang kauna-unahang non-European Pope. Kilala na siya ngayon sa pangalang Pope Francis. For several days, at the back of my mind, wini-wish ko na sana, ang ating kababayang si  Cardinal Tagle ang mahirang na bagong Papa. Pero di bale. napakagandang balita pa rin nito.
  2. Maganda ang weather dito sa Taipei. Di na matindi ang lamig, pero di rin naman mainit. Ang sarap maglakad sa umaga at sa hapon kasi bukod sa lamig na di naman nanonoot, nakikita ko talaga ang pagsibol ng mga bulaklak lalo na sa mga parks. At tuwi-tuwina, di ko mapigil na makanta ang makabagbag damdaming song ni Kenny Rankin “…shivering, quivering the warm breath of spring.”
  3. Nag-blow out ang aking landlord. Twice a year, iniimbitahan ng aking landlord lahat ng kanyang mga tenants sa kanyang chain of apartments para sa isang free KTV thanksgiving party. Kagabi naganap yung unang party sa Nanjing East Road. Ako lang ang Pinoy at kasama kong kumanta ang apat pang mga estudyanteng Taiwanese. Ang saya ng kantahan at kuwentuhan. Konti na lang, malapit ko ng ma-commit to memory ang isang magandang Chinese song na paulit-ulit kong naririnig na pinapatugtog sa Chinese radio.
  4. Nahanap at na-download ko na rin finally sa internet ang dalawa sa aking paboritong pelikula. May ilang taon na akong naghahanap ng kopya ng 1987 film na “84 Charing Crossroad,” na dinirek ni David Hughes Jones at ang 1989 film na “Crimes and Misdemeanors” na sinulat, dinirek at pinagbidahan ni Woody Allen. Hinanap ko na ito sa Quiapo, sa Greenhills, sa Bangkok, sa Korea at dito sa Taiwan, pero wala akong makita. Maraming salamat Alex Dee for the downloading tips.
  5. Natuloy na rin ang aking  lecture sa National Chung Hsing University. Apatnapung estudyante ng International Agriculture ang aking tinuruan ng basic skills on public speaking and effective presentation techniques. Sampu sa kanila ay graduate students at ang dalawa ay Pinoy. Ibang klaseng high ang dulot ng pagtuturo. Kaligayahang di mababayaran, ika nga.
  6. Natapos kong basahin ang libro ng mga essays ng aking paboritong food critic, TV host, traveler at writer na si Anthony Bourdain. Habang ninanamnam ko ang kanyang mga sanaysay, sinasabi ko sa  aking sarili na sana, maging kasing husay nya akong magluto at magsulat pag naabot ko ang kanyang edad.
  7. Ang bilis gumaling ng aking ubo at sipon. Sobrang effective ng home remedy na ito: 4 na tablespoons ng pure lemon extract; 2  tbsps of apple cider vinegar; 2 tbsps of honey; hot water at cayenne pepper. Salamat Abby Moreno for taking time out to look for the elusive cayenne pepper.
  8. Natapos na rin sa wakas ang aking dental procedure. Walong buwan ang binuno para maayos ang aking mga ngipin at natapos na rin lahat ng aking dusa nitong huli kong bisita sa aking mabait na Tsinoy dentist na si Dra. Nono.
  9. Tatlo sa aking matalik na kaibigan ang nag confirm na bibisitahin nila ako rito. Ang pamilya ng Ate ko ay bibisita rin. I can’t wait!
  10. Mabilis na akong makatulog ngayon. Di katulad noon na pahirapan ang paggawa ko ng tulog, ngayon, wag lang malapat ang ulo ko sa unan ay tuloy-tuloy na ang aking mahimbing pagtulog.

Cheers! Happy weekend!DSCF0156

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s