Give Up Tomorrow

Nung Chinese New Year, pinadalahan ako ng kaibigan kong si Michiko Yamamoto ng isang original DVD copy ng documentary nina Michael Collins at Marty Sujico na pinamagatang “Give Up Tomorrow.” Marami na akong nabasa at narinig tungkol sa award winning na documentary na ito. Sa katunayan, rated 5 stars ito sa Rotten Tomatoes, ang website na nag-re-review ng mga pelikula, TV shows at documentary films. Labing-anim ang nakuha nitong award, kabilang ang Special Jury Prize Award sa Tribeca Film Festival noong 2011. Bago ko pinanood ang lagpas isang oras na docu film, expected ko na ma-mo-move ako ng aking mapapanood. Pero hindi ko inaasahan na sobra akong maaantig at maaapektuhan.

Ang “Give Up Tomorrow” ay tungkol sa kuwento ni Paco Larrañaga, isang mayamang Cebuano na noong 1997, sa edad na 19, ay nasangkot at nadiin sa pagkakapaslang at pagkakagahasa sa dalawang Chiong sisters ng Cebu city. Sobrang kontrobersyal ng kasong ito na tinawag pa nga itong “Crime of the Decade.” Natatandaan ko ang kaso tungkol sa Chiong sisters. Sinubaybayan ko ito sa mga newspapers at radio and TV news shows noong nasa Pilipinas pa ako. Ang naaalala ko noon, nang ipakita sa TV ang 6 na suspects, kasama si Paco, mabilis akong nakumbinsi na sila nga ang gumawa ng karumaldumal na krimen. Paulit-ulit na sinabi sa mga news reports na si Paco ay galing sa maimpluwensya at mayamang pamilya ng Cebu at marami raw siyang delinquent records. Bratty, rich kid, sabi ko sa sarili.

Pero sa nasabing documentary, dahan-dahan at maingat na naipakita kung papaano si Paco Larrañaga at ang kanyang mga kasamahan ay naging biktima lang ng isang malaking frame-up. Mahigit na 35 estudyante, na mga kaklase at teachers ni Paco sa Center for Culinary Arts ang nagpatunay na kasama nila si Larrañaga sa Quezon City noong araw na sinabing naganap ang krimen sa Cebu. At dito na nga nagsimula ang salaysay ng sala-salabid na cover ups, mga pulis na nagmamadaling matapos agad ang kaso, ang trial by publicity, ang Judge na ayaw makinig sa panig ng mga akusado, ang sobrang bagal na pag-usad ng kaso, ang kataka-takang pagkamatay ng Judge at pagkawala ng ibang witnesses, ang mga mamamayang tulad ko na kaagad nanghusga.

Sa pangkalahatan, ang “Give Up Tomorrow” ay hindi lang tungkol kay Paco Larrañaga, kundi isang matapang na pagtuligsa hinggil sa bulok na sistema ng Hustisya sa Pilipinas. “It’s a shame to the Philippines,” sabi nga ng ekonomista at UP Professor na si Winnie Monsod, isa sa mga nainterbyu sa nasabing dokyumentaryo at isa sa mga naniniwalang inosente ang batang si Larrañaga. Para walang spoilers, hindi ko na ide-detalye ang mga nakasaad sa buong dokyumentaryo, pero simula ng pinanood ko ito, maya’t-maya ay ikinukwento ko sa aking mga kaibigan ang aking saloobin hinggil sa aking napanood. Sa katunayan, nasa hiraman ngayon ang personal kong kopya ng nasabing documentary at sinasabi ko sa aking mga kaibiganPaco to spread the word around.

Michiko Yamamoto, maraming salamat. Sa mga interesado tungkol sa “Give Up Tomorrow,” paki follow ng link na ito. http://www.pacodocu.com/ Sa mga kaibigan ko sa Taiwan na gustong magkaroon ng kopya ng documentary, pwede ko kayong igawa ng copy. Paki-email o text lang ako. Napag-alaman ko rin na downloadable for free raw ang nasabing documentary. Sana ay mapanood ito ng marami pang Pilipino.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Movies, Personalities, TV. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s