Bright Side Up

Gaano man natin piliting i-psyche up ang ating sarili na magiging maayos ang ating araw, may mga pagkakataon talaga na dadaaanan tayo ng mga kabuwisitan sa buhay. Sa mga coño at sosyal, “bad hair days” ang tawag nila o kaya “little annoyances” daw. Sa mga ordinaryong mamamayan, inis at bwisit ang kalimitang ginagamit nilang salita. Sa amin sa Batangas, barsyagas ang tawag namin doon sa mga araw na tila mali ang aming gising, o kaya’y dumating at nagparamdam ang mga kontrabida sa aming buhay, o simpleng hindi lang kami naambunan ng swerte. Sa madaling salita, minalas. Sabi nga sa popular na Murphy’s Law: “Anything that can go wrong will go wrong.” Sa mga superstitious o mga maka-pamahiin, pag hindi raw naka-align ang mga planeta at bituin, wala tayong choice–may masamang mangyayari whether we like it or not.

May binabasa akong libro. “Bright Side Up” ang titulo nito at may kicker na “100 Ways to be Happier Right Now.” Sinulat ito ni Amy Spencer at tuwing nabubwisit ako, binabasa ko randomly ang ilan sa mga 100 paraan para daw instantly na ma-lift ang aking buwisit na mood. Eto ang ilan sa mga instant mood uplifters na effective sa akin. Mga universal rules sila na alam na naman nating lahat or at one point in time ay narining na natin. Pero minsan, sinasabi ito sa ibang paraan kaya nag-iiwan ng mas malalim na kabuluhan sa atin:

  1. Rally in the rain delay–kapag malakas ang ulan at na-stuck daw tayo sa traffic, imbes na magreklamo at mabuwisit, mag rally daw tayo sa ulan. Sabi nga ni Spencer, “Basically, resign yourself to the suckiness and focus on something else.” I-enjoy na lang daw natin ang ulan.;
  2. Rest for a minute…or two–kapag nagawa na natin lahat pero palpak pa rin ang resulta, o pagod na tayo sa kasusubok, maglakad daw tayo sa mga mall, magbasa ng libro, manood ng sine, uminom ng kape o kaya matulog;
  3. Don’t aim for a winner everytime–Minsan daw ang pakiramdam ng pagwawagi ay ang pag realize na ang buhay natin ay punong-puno ng imperfections. Kaya di tayo pwedeng manalo araw-araw dahil hindi naman lahat ng araw ay linggo;
  4. Let it go like a Chinese Lantern–Sa lantern tradition ng mga instik, iilawan nila ang lanterns at hahayaan nila itong mapadpad ng hangin. Ganun din daw sa buhay. “You can let your defeats go in the same way. Consider seeing your setback as a symbolic end of one well-tried path and the bright beginning of a new one;”
  5. Break the un-rules–Hindi raw lahat ng rules ay totoong rules kaya pwede itong baliin. Sabi nga ni Emerson: “Do not go where the path may lead; go instead where there is no path, and leave a trail;”
  6. Celebrate the life in loss–kapag may mga pumanaw tayong mahal sa buhay, totoong para tayong napilayan. “There is no bright side to a loss itself. But there is light in remembering and celebrating the life that was.”
  7. Take the tourist’s point of view–para sa mga turista, ang mga lugar ay laging bago. They see things with fresh eyes. Ganun din daw dapat tayo. Pag-aralan nating tingnan ang mga bagay na may “wow factor.”
  8. Be friendly first.–“You can change the dynamic of a moment or a  day by choosing the first one to be friendly.”
  9. Make the worst the best–“Singers turn their breakups into the biggest hit songs.” Ganun din dapat tayo. Gamitin ang mga kamalasan upang sumaya, yumaman, maging big time.
  10. Leave the “SBrightsideuphould haves at the door.”–Dapat daw ganito ang ating mantra: “I Should have, but I didn’t. So what can I do now?”

Let’s cheer up for life is good!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s