Silver Linings Playbook

Ang mga sumusunod ang summary ng aking mental notes habang pinapanood ko kagabi ang “Silver Linings Playbook,” ang pelikulang dinirek ni David Russel halaw sa nobela ni Matthew Quick:

  • Ganitong-ganito ko na-imagine ang kuwento sa utak ko nung binabasa ko pa lang ang libro ni Matthew Quick. Parehong-pareho ang pagka-describe sa neighborhood na tinitirhan ni Pat, ang main character na may mental illness na mahusay na ginampanan ni Bradley Cooper;
  • Pareho man ang major plot points ng nobela at pelikula, ang dami ring naiba sa kuwento. Sa nobela, mas distant at dark ang character na ginampanan ni Robert de Niro, ang tatay ni Pat (Cooper). Mas compassionate ang character ng tatay sa pelikula. Sa nobela, mas maraming kalokahang ginawa si Tiffany, ang character na ginampanan naman ni Jennifer Lawrence. Bagama’t mas tamed siya sa pelikula, ang galing ng pagka-portray ni Lawerence sa character nyang biyuda na may neuroses at mood disorder. Sa nobela, hindi na nagkausap pa ang estranged couple na Pat at Nikki. Sa pelikula, nagkausap sila at nagkaroon ng closure;
  • Kung hindi magaling ang mga artista, ang hirap ma pull-off ng pelikulang ito, isang romantic comedy tungkol sa dalawang dysfunctional at may topak na magkapitbahay na-attract sa isa’t-isa. Unang una, mahirap gampanan ang isang normal looking couple na may sayad. Ang daming character layers na kailangang i-work out. Kahit sa totoong buhay, mahirap naman talagang ma-detect ang mga taong may tililing. Karamihan nga sa kanila ay sobrang smart. Totoo talagang di malinaw ang demarcation line ng kabaliwan at katinuan at naipakita ito sa mahusay na pagganap ng mga artista;
  • Punong-puno ang sinehan sa Vieshow cinema at react ng react ang mga Taiwanese sa punchlines nina Bradley Cooper at Jennifer Lawrence. Unusual ito kasi malimit, ang tahi-tahimik nilang manood ng sine;
  • Ang galing ng mga sublte messages ng pelikula. Sa gitna ng mga nakakatawang sitwasyon, manaka-nakang sumusundot ang mga mensahe tungkol sa pagsisimula at pagbabagong buhay, paglagpas sa mga pagsubok, kasamaan ng pagiging mapanghusga, etc;
  • Kung hindi siguro nominated si Daniel Day Lewis sa Oscars, baka may pag-asang manalo si Bradley Cooper bilang best actor. Hindi dati kapansin pansin ang husay nya sa pagganap ( The Hangover, Valentine’s Day, etc), pero lutang na lutang ang galing ni Cooper sa pelikulang ito. Pero malay naman natin–malimit ay unpredictable ang resulta sa Oscars.
  • Hindi rin kataka-taka kung manalo si Jennifer Lawrence bilang best actress sa pelikulang ito. Ang husay-husay niya bilang si Tiffany. Kuhang kuha nya ang complications ng isang babaeng nakikipaglaban sa kanyang dysfunctions.
  • Understatement kung sasabihin kong ang ganda ng “Silver Linings Playbook.” Parehong touching, moving at unforgettablesilver-linings-poster ang libro at pelikula.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Movies. Bookmark the permalink.

2 Responses to Silver Linings Playbook

  1. Wala kang kakupas-kupas Ronald — isa kang buhay na alamat. Tawa ako ng tawa sa linya mong ito — Kahit sa totoong buhay, mahirap naman talagang ma-detect ang mga taong may tililing. Karamihan nga sa kanila ay sobrang smart. Totoo talagang di malinaw ang demarcation line ng kabaliwan at katinuan.

    Naalala ko tuloy ang mga araw natin noon na punong puno ng kabaliwan. Ang mga tililing natin sa paggaya mo ng boredom ni Mrs. S.

    Ikaw pa lang ang sinusundan kong blog. Miss you Nald!

  2. Hi Caesar! Ngayon ko lang nabasa ang iyong comment. Coming from you, I am deeply honored.🙂 Maraming maraming salamat. Gaya mo, miss ko na rin ang ating mga good-old wacky days nung magkatabi lang tayo ng table sa OGM. Hahaha. Huwag kang mag-alala. Isang araw, I will go on a memory binge at susulatin ko ang mga kabaliwan at kaligayahan natin noon. Abangan mo yan!🙂 Warmest regards, kaibigan!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s