Mga Drama sa Panonood ng “Les Mis”

Nung biyernes lang ipinalabas ang pelikulang “Les Miserables” dito sa Taipei. Napagpiyestahan na ito ng lahat ng mga kaibigan ko sa Maynila pero hindi ako maka-join sa mga usapan kasi hindi ko pa ito napapanood. Matagal kong hinintay ang pelikulang ito. Nabasa ko na halos lahat ng press releases at reviews tungkol sa movie musical version na ito halaw sa classic na nobela ng French poet at playwright na si Victor Hugo. Pamilyar na rin ako sa mga kanta ng super hit na musical na ito ni Claude-Michel Schonberg. Kaya naman nung biyernes, pagkatapos ng aking trabaho sa opisina, nagmamadali akong umuwi para lang ibaba ang aking mga gamit sa bahay at mabilis akong dumiretso para magpunta sa sinehan.

Di na nga ako nag train kasi alam kong siksikan ang lahat ng MRT stations. Biyernes kasi tapos simula pa ng Chinese New Year. Kaya nag taxi na lang ako. Kaso, hindi ko naman maintindihan kung bakit iba ang dinaanang kalsada nitong mamang driver kaya nag kanda-traffic kami. Pero kinalma ko lang ang aking sarili kasi ayaw kong uminit ang aking ulo. Kung dati rati ay 10 minutes lang ang inaabot ng taxi muli sa bahay hanggang sa sinehan, sa pagkakataong ito, inabot ako ng halos isang oras. Panay ang ngitngit ko sa sarili kasi sabi ko sana ay nag train na lang ako, pero ayaw kong ma-spoil ang aking gabi kaya nagmadali na akong tumakbo patungong sinehan nang ibaba ako ni mamang driver.

Ang haba ng pila sa takilya pero wala naman akong choice kaya nagtiyaga akong pumila. Nang turn ko na para bumili ng ticket, sinabi kong manonood ako ng “Les Miserables.” At gaya nga ng aking inasahan, di ako naintindihan nung babaeng nagbebenta ng ticket. Di siya nakakapag-ingles. Napailing ako kasi eto na naman ako and my language problem. Ang ginawa ko, mabilis kong kinuha ang ballpen at papel sa aking bag at sinulat ang “Les Miserables” in big bold letters sabay abot sa babaeng takilyera. Kumunot ang kanyang nuo. Patay, sabi ko sa sarili. Di pa rin ako naiintindihan. Habang kinakamot niya ang ulo niya at dini-decipher kung ano ang aking sinulat, walang pakialam kong binirit ang “I Dreamed a Dream” na kanta ni Fantine, isa sa mga popular songs sa musical na kinanta ni Anne Hathaway. Mabilis na nakuha ng takilyera ang sineng gusto kong panoorin. Ngumiti siya, tumango at tuloy na natawa.

Natawa rin ako at napahanga sa aking sarili. Anak ng tipaklong, sabi ko. Universal talaga ang music. It cuts across racial barriers. Talagang kinailangang mag-perform pa ako in order to get my message across!

Sa loob ng sinehan, nagsimula na nga ang pelikula at ang bilis kong nalimutan ang lahat ng hassle na aking pinagdaanan. Madali akong na-transport sa mundo nina Jean val Jean, Javert, Fantine, Cosette, Eponine at Marius. Hindi ako na-disappoint. Sobra akong na-move sa musika, sa istorya at sa acting ng mga artista. Talaga nga palang pang MMK ang kwento nitong Les Mis! Bebenta itong melodrama sa Pinas!

Tapos biglang may sumisinghot sa katabi ko. Pag tingin ko sa kanan, halos humahagulgol na yung  seatmate kong ale. Di ko naman siya masisisi kasi moving naman talaga ang mga eksena. Maya-maya, may sumisinghot din sa kaliwa ko–payatot na mamang Taiwanese. Tinanggal na niya ang kanyang salamin at luhaan na rin siya. Ano kayang naaalala ni Kuya?

Ganundin sa likuran ko. Pagtingin ko, isang pamilya ang pahiran ng pahiran ng luha. Okay lang kaya sila? Tanong ko sa sarili.

Gusto ko na ring maki-join at maki-luksa. Tutal, nabasa ko somewhere, therapeutic daw naman ang umiyak sa sinehan.

Kaso, anak ng pating, di ako maka-bwelo. Na-di-distract ako sa symphony ng mga singhot at napapaligiran ako ng mga taong nagngangalngalan.

Natapos at natapos ang pelikula, di ako naka-join sa crying marathon ng mga katabi kong chekwa. Di ko nailabas ang aking natatagong angst.

Kainis. Naunahan ako.LesMis

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Movies, Music, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Mga Drama sa Panonood ng “Les Mis”

  1. Dito naman, naalala ko ang pagiging jukebox king mo—

    Habang kinakamot niya ang ulo niya at dini-decipher kung ano ang aking sinulat, walang pakialam kong binirit ang “I Dreamed a Dream” na kanta ni Fantine, isa sa mga popular songs sa musical na kinanta ni Anne Hathaway.

    At sa bahaging ito, nakikita ko ang talim ng mga tingin mo sa kanan, kaliwa, harap at likod —

    Natapos at natapos ang pelikula, di ako naka-join sa crying marathon ng mga katabi kong chekwa. Di ko nailabas ang aking natatagong angst.

    Kainis. Naunahan ako.

    Tawa ako ng tawa rito sa Pinas sa pagbasa ng entry mong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s