The Dragon in the Year of the Snake

Katuwaan lang at di ko naman talaga sineseryoso itong mga Chinese zodiac signs. Pero dahil sa dito nga ako nakatira ngayon sa bansa ng mga Chekwa, napag-tripan ko nung isang araw na i-research ang sinasabi ng mga fortune tellers at geomancers tungkol sa papalapit na pagdating ng year of the water snake, lalo na kung anong naghihintay sa mga taong tulad ko na ipinanganak sa year of the dragon.

Eto ang mga napag-alaman ko. Ang taong ito ang tinatawag na “year of the water snake.” Sa taong ding ito sinasabing mayroong “wooden tiger month,” “metal ox day,” at “earth rat hour.” Bagama’t ang taon at ang buwan ay magkataliwas o mayroong conflict sa isa’t-isa, magkakonek naman daw ang kanyang araw at oras. Ang ibig sabhin daw nito, magsisimula ang taon sa napakaraming uncertainties o mga pag-aalinlangan pero magtatapos ito sa masaya at matiwasay na yugto. Mayroon din daw overabundance o sobra-sobrang elemento ng kahoy at apoy na siyang magiging negative elements ngayong taon. Masu-swerte naman daw ang mga taong ipinanganak sa mga elemento ng “earth,” “metal,” at “water.” Ang taong ito rin daw ay punong-puno ng extremes at opposites–both good and bad. Ibig sabihin, pag minalas ka, talagang sasadsad ka sa malas. Pero pag sinwerte ka naman, aapaw ka naman sa saya dulot ng swerte.

Favorable raw ang taong ito sa mga sumusunod na negosyo: automobiles; finance; water-oriented businesses; fishing; travel; airplanes; hi-tech securities; household securities; food and catering; real estate, mining, imports and exports; house renovations. Sa kabilang dako, hindi raw gaanong maganda ang taong ito sa mga sumusunod na negosyo: clothing; education; show business; electronics; communications and internet.

Sa mga katulad kong ipinanganak sa year of the dragon (mga taong ipinanganak nung 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000), eto raw ang maaari nating i-expect ngayong taon ng tubig ahas. Unang-una, sabi ng mga geomancers, magkasundo raw ang mga dragon at mga ahas. Marami silang common denominator at pwede silang magtulungan sa bawa’t isa. Kung ang mga dragons ay naka-experience ng mga away at conflicts noong isang taon, ngayong 2013 daw, asahang dadagsa ang kaligayahan at kayamanan.

So kung inaway kayo at inunfriend sa Facebook nung isang taon, now is the time to celebrate, my fellow dragons. Waging-wagi raw tayo ngayong taong ito. Mas lalo na raw yung mga lady dragons–mas masweerte sila ngayong taong ito kaysa mga male dragons.

Sa larangan ng trabaho, pabor na pabor daw ang taong ito sa mga negosyong may kinalaman sa healing, entertainment at spiritual endeavors. Medyo hindi naman daw pabor ang taong ito para sa mga abogado, pulis o sundalo na pinanganak nung year of the dragon.

In terms of wealth, mas marami raw  darating na kayamanan ngayong taong ito kumpara sa nagdaang taon. Aba, hindi masama!

Sa larangan naman ng mga relasyon, ang taong daw ito ay pabor na pabor para magsimula ng romantic relationships. Sa katunayan, sabi nung aking napuntahang website, “If you are still single, consider marriage this year.” Ehem, ehem! Patay tayo diyan.

At sa larangan naman ng kalusugan, minor flu and colds lang daw ang dadapo sa mga kapwa ko dragon sa taong ito.

Ang aking conclusion: amusing, entertaining and fun ang mga sinasabi nung mga napuntahan kong websites. For all its worth, i-we-welcome ko pa rin ng buong puso ang year of the water snake, kahit na ito ang aking pinaka most hated animal sa buong mundo. Malay nga naman natin, baka makasundo ko ang taong ito.

Kung hey fat choy!Dragon-Wallpapers-3

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to The Dragon in the Year of the Snake

  1. sally says:

    love it..lalo na yong suerte sa pag ibig ngayong taong ito…go go go rgm magpakasal na hahahaha

  2. Ruel says:

    nice, as in inunfriend talaga ang example..sana swerte rin ang mga nasa ilalim ng taon ng maamong tupa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s