Ang Bago Kong Pitaka

Kagabi, nagbabayad ako sa cashier ng vegetarian restaurant na kinainan ko sa may Taipei Main station nang mapansin ko ang aking pitaka. Ang luma-luma na niyang tingnan. Mukha na itong madumi at kumbaga sa tao ay para ng gurang at losyang. Naghahanap na ito ng kapalit, bulong ko sa sarili. Kaya nag mental note ako: bibili ako ng bagong wallet.

Tamang-tama, series of shops ang dinaanan ko sa may Q-Square at nang mapadaan ako sa hanay ng mga nagagandahang bag at wallet, hindi na ako nagdalawang isip pa. Naghanap ako ng gusto ko. Para naman akong hihimatayin nang makita ko ang mga price tags ng mga mamahaling wallet pero sabi ko sa sarili, ito ang isa sa mga pagkakataong di ko dapat pairalin ang kakuriputan ko. Tutal, malapit na ang Chinese New Year kaya what the heck, tinawag ko ang sales lady at sinabi kong gusto kong bilhin ang napili kong wallet.

Tapos bigla kong naalala, meron nga pala akong tax exemption card na matagal ko ng di nagagamit. Bakit di ko kaya subukang gamitin ito ngayon? So sa aking pa barok-barok na instik, inexplain ko sa sales lady na meron akong tax exemption card na gusto kong gamitin. Nakuha naman nya agad ang gusto kong sabihin at sabi nya, sandali lang daw at ipapaalam niya sa store manager nila. Mabait at attentive naman ang customer service sa shop na napuntahan ko. After 10 minutes, nabili ko ang wallet na may tax deduction na nga.

Nakasakay na ulit ako sa train pauwi nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Boses ito ng babae from the wallet shop. “Please come back! Sorry, we have a problem with our computation. We made mistake.”

Naku naman, sa loob-loob ko. Bakit ngayon lang sya tumawag kung kelan nakatawid na ako sa isang station. Pero para wala na lang marami pang kuskos balungos at paliwanagan, sabi ko ay mag-antay na lang sila at babalik ako. Na siya ko ngang ginawa. Nilakad ko ulit ang pagka-haba-habang daan pabalilk sa mall at nang makita ko ulit yung sales lady, parang hiyang-hiya sya sa akin. Panay ang sorry.

Sabi ko: what’s the problem? Dinala nya ako sa manager . Isang batang babae na busy na nakikipag-usap sa phone. May ilang minuto rin akong nag-antay. Nang ibaba nya ang telepono, sorry din sya ng sorry. “Nothing wrong. We made mistake. We should not have called you back.”

Parang nayanig ang mundo ko ngayon. Umakyat bigla ang dugo ko. “What???” sabi ko, sabay exaggerate.  “Do you have any idea what I’ve been through to get back here?”

Linya yun sa pelikula na bigla kong naalala. Di ko akalaing magagamit ko sa tunay na buhay. “I was already three stations away!’ Talagang inexaggerate ko dahil sa totoo lang, isang station lang naman ang layo ko.

Nakatungong pareho ang dalawang babae. Guilting-guilty. Panay sorry ulit. Itutuloy ko sana ang aking melodrama pero nakuha nila ang weakness ko–di ko kayang magmura kapag dinaan na ako sa nakakaawang mga tingin. Kaya ang bilis ding humupa ng aking exaggerated high blood mode.

“Next time, please check your computation before you let a customer go. It’s very inconvenient for me and very unprofessional of you,” sabi ko ng malumanay, pero in perfect cadenced English. Binigyan nila ako ng isa pang small purse bilang pabuya at inescortan pabalik ng station.

“Sorry, really sorry.” Sabi nung babae.

“Apologies, accepted.” Sabi ko, although di ako sure kung naiintindihan nya yun.

Natawa na naman ako sa sarili ko pag-uwi. I really have this knack to surprise myself sabi ko sa sarili.

E di kasi naman, ang inefficiency nila–di ko mawari.

Di bale na, may bago naman akong wallet. Okay na yun, sabi ko sa sariling humahalakhak.

Para talaga akong sira.

fossil

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

6 Responses to Ang Bago Kong Pitaka

  1. didit says:

    fossil din yung dati mo, di ba?

  2. Hi Didit, yes. At ikaw ang pumili nun. Naalala ko ikaw ang nag-suggest nun kaya ito rin binili ko. Mas malaki nga lang tsaka iba ng design.

  3. Ruel says:

    Ang ganda. Baka mas maswerte yan kaysa Seiko wallet he he.

  4. salamat, ruel. sana nga’y mas lalo akong swertehin sa bagong wallet na ito.

  5. Ida says:

    Ha ha… Cool ka lang.🙂 Sana palaging puno ang bagong wallet mo ng CASH!

  6. Jean Cabrera says:

    Ronald, nakakaloka ka talaga, habang binabasa ko ang blog mo, sabi ko sa sarili ko, talagang ibang magsulat ang mga broadcast major. Aliw na aliw na ako at hangang-hanga sa paraan ng pagsulat mo. parang alam ko nang lahat ang nangyayari sa buong buhay mo he, he ,he.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s