High School Life

Nilabas ng Vicor Resharoncording Company ang awiting “High School Life” ni Sharon Cuneta nung 1981. Yun din ang taon nung grumadweyt kami sa high school. Parang tailor-fit sa amin ang kanta. Sa katunayan, naaalala kong kinakanta namin ito noon ng barkada namin kasabay ng gitara at tuwi-tuwina, parang bittersweet ang dating sa akin ng kanta.

Malimit akong dalawin ng mga high school memories lately kasi may reunion kaming magaganap in a few days sa St. Bridget’s College, Batangas City at nakikita ko ang mga posting ng mga kaklase ko noong high school. Sa katunayan, naka post ngayon sa aming Facebook Group ang mga pages ng aming high school yearbook at nag-f-flashback ang napakaraming alaala kasi ako ang editor-in-chief ng aming yearbook noon.

Kapag binabalikan ko ang mga alaala ng high school, di ko maiwasang mangiti kasi ito yung mga araw na parang wala akong problema sa mundo. Average student lang ako pero hindi ako gaanong nahirapan sa academics. Enjoy ako sa mga school activities. Wala akong natatandaang naging kaaway. Parang ang cool ng buong buhay ko from first year to fourth year.

Ang regret ko nga lang, di ko na-keep masyado ang friendships through the years kasi right after high school, umalis na ang pamilya namin sa Batangas City at di na ako muli nakabalik doon maliban sa mga dalawang beses yata nung may mga namatay akong kamag-anak.

Salamat sa cyberspace, marami sa kanila ay “nakakausap” ko pa rin at sa kanila ako nakikibalita kung nasaan na ang iba naming mga kaklase at batchmates. May ilan na rin kaming casualties. Apat na yata as of my last count. Kakalungkot isipin. Marami rin sa aking mga ka-batch ang parang mga hindi nagbago–kung ano ang hitsura nila nung high school ay ganun pa rin. Syempre, hindi maiiwasan, marami ay nadagdagan ng timbang (sa pangunguna ko), naging mas mature tingnan at may ilan na halos di ko rin makilala–hindi dahil sa nag-iba sila ng hitsura kundi talagang di ko na matandaan.

Tatlumpu’t-dalawang taon na ang nakaraan since grumadweyt kami sa high school, at hanggang ngayon kapag hinuhuni ko ang kanta ni Sharon, nakakaramdam ako ng panibagong sigla.

“Ang saya ng high school/senior years in high school/di na mapapantayan…”

Sa mga ka-batch at kaibigan ko nung HS, good luck sa ating reunion. Post kayo ng maraming pictures.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s