The Sessions

Kalagitnaan sa panood ko ng pelikulang “The Sessions,” naging malinaw ulit sa akin kung bakit ako mahilig manood ng sine. Hindi lang ako nanonood ng sine dahil gusto kong ma-entertain. Na-e-enlighten din ako sa maraming bagay tungkol sa buhay at sa iba-iba pa nitong antas. Marami akong na-re-reconfirm, nabibigyang linaw at natututunan sa pamamagitan ng mga kwentong inilalahad sa akin ng mga malalaking images na nakikita ko sa screen.

Ganitong level ng consciousness ang bumulaga sa akin habang dahan-dahan kong ina-absorb ang napaka interesting na kwento ng “The Sessions,” na tumatalakay sa kakaibang koneksyon na nangyari sa isang 38-taong disabled na lalaking manunulat na nagngangalang Mark O’ Brien (na sobrang makatotohanang  ginampanan ni John Hawkes) at sa kanyang sex therapist na si Cheryl Cohen Greene (na buong husay ding ginampanan ni Helen Hunt). Nawala man ang mobility at muscle coordination ni O’ Brien, nakakaramdam pa rin sya ng mga sensations sa kanyang katawan. Bilang Katoliko, nang mapagdesisyunang nyang ma-divirginize sa edad na 38, nagpaalam muna siya sa kanyang kaibigang pari, at nang mabigyan siya ng go-signal ay naghanap na nga siya ng kanyang sex surrogate.

Napaka bold ng tema ng pelikula at bold din ang execution ng mga eksena. Ang kaibahan lang, malinaw na naipakita ng direktor at ng mga pangunahing tauhan ang tender, intimate at emotional dimensions ng sex. Na hindi ito maka-hayop na pagnanasa kundi isang emotional connection ng dalawang tao.

Sa simula pa lang ng kanilang unang session, nag-set na agad ng rules yung character na ginampanan ni Helen Hunt. Anim na beses lang sila magkikita. Pero hindi na sila nakarating sa pang-anim na session dahil nang pareho na silang nagkakaroon ng emotional attachement sa isa’t-isa, pareho nila kaagad tinuldukan ang kung anumang koneksyon na nararamdaman nila sa isa’t-isa. Back story: may asawa ang character na ginampanan ni Helen Hunt at aware siya na isang sex surrogate ang kanyang misis.

Hango sa tunay na buhay, napaka impressive ng pagkukwento ng direktor ng pelikula (Ben Lewin) dahil nailahad niya ang isang mabigat at seryosong tema sa paraang parehong nakakatawa at nakaka-touch. Nakakatuwa ring isipin na sa dinami-dami ng paraan na ipinapakita ang pakikipagtalik sa mga pelikula, katangi-tangi ang “The Sessions” na tumalakay sa sex in a very postive and pure light.

Umaayon ako sa isang critic ng New York Times ng sinabi niyang ang pelikulang ito raw ay isang “pleasant shock.”The-Sessions-Poster1

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s