Extreme Diets

annehathaway“Oh, you don’t wanna know. ” Yan ang palaging sagot ni Anne Hathaway sa kanyang mga publicity video interviews para sa pelikulang “Les Miserables” tuwing tinatanong siya kung anong diet ang kanyang ginawa at pumayat siya ng todo-todo to fit the role of Fantine, ang kawawang character na kanyang ginampanan sa nasabing musical film. Sa mga press releases naman, inamin din niya na dalawang kutsara lang daw ng oatmeal paste ang kanyang kinain araw-araw sa loob ng halos kalahating buwan. Ang resulta? Twenty-five pounds lost.

Ganundin ang parusang ginawa ni Hugh Jackman sa kanyang sarili para lang magmukha siyang believable sa role na Jean Valjean sa nasabi ring pelikula. Practically hindi siya kumain ng kahit na anong carbohydrates. Six months daw na hindi siya uminom ng paborito niyang kape,  dahil may epekto raw diumano ang pag-inom nito sa singing voice. Puro gym workouts lang ang kanyang inatupag at nang malapit na ang shoot, 36 hours siyang di kumain at uminom. If that wasn’t enough, sa kalagitnaan ng pelikula, kinailangan naman niyang magpataba dahil sa istorya ng Les Mis, yumaman na ang character na ginagampanan niya, naging makapangyarihan na, tumanda at tumaba.

Maraming taon na ang nakakaraan, sa pelikulang “Castaway,” 55 pounds naman daw ang tinanggal ni Tom Hanks sa kanyang timbang sa loob ng dalawa o tatlong buwan upang magmukhang buto’t-balat na taong na-stranded sa isang island. Paano niya ginawa yun? Istrikto daw diet ng veggies at napaka-konting carbs lang ang kanyang kinain. Bukod doon, dalawang oras na cardio exercises din ang kanyang binuno araw-araw sa loob ng maraming buwan. Nang matapos ang shooting ng pelikula, kinailangan naman niya ulit magpataba dahil ang susunod niyang role bilang isang jail warden sa pelikulang “Green Mile” ay nag-re-require na dapat namang chubby ang kanyang katawan.

Sa pelikulang “Dreamgirls,” sinubukan naman ni Beyonce Knowles ang popular na “Master Cleanse Diet” na kinapalooban ng pag-inom ng concoction ng fresh lime or lemon juice, maple syrup, cayenne pepper na hinalo sa tubig at kailangang inumin 6 hanggang 12 beses sa isang araw sa loob ng 10 days. No solids. Ang resulta–20 plus pounds lost.

Naiiling ako habang binabasa ko ang mga Hollywood extreme diets na nagkalat ngayon sa internet. Naiiling ako dahil sa inis at inggit sa mga artistang ito na ang titindi ng ginawang self-motivation para lumaban at magwagi. Bigla ko tuloy naisip na oo nga, sinuman siguro na babayaran ng milyon-milyong dolyar para magpapayat at mag-fit sa gagampanan nilang role sa isang palabas ay marahil magkakaroon din ng lakas ng loob at tibay nang dibdib na magtiis magutom at di kumain.

Mahirap lang i-reconcile ito sa aking sarili dahil kaligayahan ko ang kumain. Kahit wala na akong bagong damit at sapatos, okay lang. Just feed me. Yan ang kalimitan kong sinasabi sa aking mga kaibigan.

Pero siguro nga, mind shift lang ang lahat.

Naaalala ko tuloy yung isa kong kaibigan na natatwa lang kapag reklamo ako ng reklamo tungkol sa aking weight problem.

“Hindi ko alam kung bakit di ko naging problema yan, kuya.” Sabi niya sa akin. “Basta naramdaman kong tumataba ako Ang dali kong magpapayat.”

“Paano?” Tanong ko.

“Di talaga ako  kumakain,” sabi niya.

Gaanong katagal? Tanong ko.

“Hanggang pumayat ulit ako,” sagot niya.

Come to think of it, korek siya. Ang hitch lang dun, bata pa siya. Mabilis ang kanyang metabolism. Sa katulad kong tumutulay na sa kalagitnaan ng buhay, hindi na kaya ng aking kapangyarihang huwag kumain hangga’t mamayat ako ng husto.

Pabiro kong sinabi sa kaibigan ko: kung sa akin mo yan ipapagawa, ang isasagot ko sa `yo, patayin mo na lang ako! Joke,” sabi kong nakangiti.

Well, jokes are half meant.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Food, Health, Trends. Bookmark the permalink.

One Response to Extreme Diets

  1. Sol says:

    great content please visit safe diet pills

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s